top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | February 18, 2022


ree

Pumanaw na ang alkalde ng Malaybalay City, Bukidnon na si Florencio Flores Jr. dahil sa COVID-19, ayon sa kanyang pamilya.


Ayon sa kanyang anak na si Bukidnon 2nd District Rep. John Flores, komplikasyon ng COVID-19 ang sanhi ng pagkamatay ng kanyang ama.


"He was vaccinated but has a lot of comorbidities," saad ng kongresista.


Noong Enero 27, nag-post sa kaniyang Facebook page si Mayor Flores na nahawa siya ng COVID-19 pero nakalabas din sa ospital noong Pebrero 2.


Pero nitong Pebrero 7, muli niyang ipinabatid sa kanyang social media account na positibo ulit siya sa virus at sa pagkakataong iyon ay mayroon umanong komplikasyon ang kanyang kondisyon kaya't kailangan siyang ma-eksamin ng espesyalista sa Cagayan de Oro.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 15, 2021


ree

Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang Kadingilan, Bukidnon ngayong Martes, alas-10:12 AM, ayon sa PHIVOLCS.


Niyanig din ang nasabing lugar ng magnitude 5.7 kagabi, June 14, alas-10:38, at ayon sa PHILVOLCS, nasa 3 kilometro ang lalim nito.


Naitala rin ang Intensity VI sa Kadingilan; Intensity V sa Damulog at Don Carlos, Bukidnon; Wao, Lanao del Sur; Intensity IV sa Kalilangan, Kitaotao, Pangantucan, Kibawe, Maramag, Quezon, Libona at Talakag, Bukidnon; Cotabato City; Marawi City; Marantao, Lanao del Sur; City of Iligan; Cagayan de Oro City; Banisilan at Pikit, Cotabato; Intensity III sa Malaybalay, Baungon, Cabanglasan, Impasug-ong, Malitbog, San Fernando, Lantapan, and Manolo Fortich, Bukidnon; City of El Salvador, Misamis Oriental; Pagadian City; Davao City

Intensity II - Arakan and M'lang, Cotabato; Kidapawan City; Dipolog City; Datu Piang, Maguindanao; City of Bayugan, Agusan del Sur; Opol, Misamis Oriental; Monkayo, Davao de Oro; at ang Intensity I sa Mambajao, Camiguin; Butuan City.


Gayundin ang Instrumental Intensities na Intensity III sa Cagayan De Oro City at Gingoog City, Misamis Oriental; Kidapawan City; at Intensity II sa Koronadal City, South Cotabato.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 31, 2021



ree

Natagpuang patay ang 71-anyos na si Porperio Sabate Pilapil matapos tangayin ng baha dahil sa paghagupit ng Bagyong Dante sa Davao del Sur.


Ayon sa ulat ng Malalag Municipal Police, pauwi sa bahay si Pilapil sakay ng bisikleta nang tangkain nitong suungin ang rumaragasang tubig-baha at sa sobrang lakas ng ragasa ay tinangay ito.


Samantala, 2 naman ang iniulat na nawawala sa Banga, South Cotabato.


Sa ngayon ay ekta-ektaryang palayan at fishpond na rin ang naapektuhan dahil sa Bagyong Dante.


Nananatili namang nakaalerto ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) sa lugar ng Caraga, Davao Region, SOCCSKSARGEN, Bukidnon, at Misamis Oriental na kasalukuyang tinatamaan ng bagyo.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page