top of page
Search

ni Lolet Abania | August 22, 2021



Nakatanggap agad si Manny Pacquiao ng ‘words of comfort’ at mensahe mula sa kanyang pamilya at mga kaibigan matapos na matalo ni Yordenis Ugas ng Cuba sa kanilang laban sa WBA welterweight title bout ngayong Linggo (oras sa Manila).


Ang dalawang anak ni Pacquiao na sina Michael at Jimuel ay makikitang niyakap pa ang kanilang ama matapos ang pagkatalo nito kay Ugas, na ngayon ay may record nang 62-8-2 kung saan nakapagtala rito ng 39 knockouts.


Ang misis ng Pambansang Kamao na si Jinkee, mula sa locker room ay ilang beses namataang nagtsi-cheer sa asawa hanggang sa ring side. Natalo si Pacquiao via unanimous decision kung saan tatlong judges ang nagbigay ng score sa kanilang match na 115-113, 116-112, 116-112, na lahat ay pumabor kay Ugas.


Nagpahayag naman ang ina ni Pacquiao na hindi sa lahat ng panahon ay lagi siyang panalo. “Wala ko naguol nga napildi siya, kay unsaon man... kay kaning away, manalo, matalo man gyud, ‘di ba? Dili man pud puros panalo,” sabi ni Mrs. Dionesia Pacquiao sa mga reporters sa kanyang bahay sa General Santos City.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 11, 2021




Matagumpay na nadepensahan ng Pinoy boxer na si Jerwin Ancajas ang kanyang IBF junior bantamweight title laban kay Jonathan Rodriguez ng Mexico (33-1, 22 KOs) sa pamamagitan ng unanimous decision sa Mohegan Sun Arena sa Uncasville, Connecticut, USA ngayong Linggo.


Sa round 8, nagpakawala si Ancajas ng sunud-sunod na suntok sa ulo at katawan ni Rodriguez na dahilan ng pagkaka-knockdown ng huli.


Matapos ang 12 rounds, naitala ng mga judges ang score na 115-112, 116-111, at 117-110 sa naturang laban, pabor sa 29-anyos na si Ancajas.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 14, 2021




Pumanaw na ang dating boxing world champion na si Marvin Hagler sa edad na 66, ayon sa kanyang asawang si Kay Hagler noong Sabado.


Nakapagtala si Hagler ng 62-3-2 record at naghari bilang undisputed middleweight champion simula noong 1980 hanggang 1987.


Pahayag ni Kay Hagler sa Facebook official fan club page ng kanyang asawa, “I am sorry to make a very sad announcement. Today unfortunately my beloved husband Marvelous Marvin passed away unexpectedly at his home here in New Hampshire. Our family requests that you respect our privacy during this difficult time.”


Samantala, hindi naglabas ng pahayag ang pamilya ni Hagler kung ano ang sanhi ng pagkamatay nito. Isa sa mga great champions ng boxing si Hagler na isang beses lamang na-knock down sa 67 professional bouts at 52 naman sa kanyang napanalunang laban ang knockouts.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page