top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | September 24, 2021


ree

Posible nang simulan ang pagbibigay ng booster shots sa healthcare workers bago matapos ang 2021 o sa mga unang buwan ng 2022.


Ito ay ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa pagsalubong niya sa bagong batch ng Pfizer vaccine Huwebes ng gabi sa NAIA.


Pero hihintayin pa rin daw ang mga pag-aaral ng siyensiya hinggil dito.


Iginiit din niya ang kahalagahan ng pagbabakuna sa mga may edad 12 hanggang 17 dahil ginagawa na ito sa ibang bansa at mas mapapabilis din nito ang pagbabalik-eskwela ng mga estudyante.


Samantala, tuloy pa rin ang dating ng mga bakuna at patuloy na tumataas ang vaccination rate sa bansa.

 
 

ni Lolet Abania | September 1, 2021


ree

Pabor si vaccine czar Carlito Galvez, Jr. na mabigyan ng COVID-19 vaccine booster shots ang mga healthcare workers at mga indibidwal na may comorbidities.


“I don’t have any problem with it. Our healthcare workers must be given full protection,” ani Galvez ngayong Miyerkules sa Kapihan sa Manila Bay online forum, na ayon pa sa kanya, ang Chinese biopharmaceutical company na Sinovac ay handang mag-donate ng 500,000 booster doses para sa mga medical workers.


Gayunman, ayon kay Galvez, hinihintay pa ng gobyerno ang rekomendasyon ng World Health Organization (WHO) at ng vaccine expert panel. Hiniling naman ng administrasyong Duterte ang tinatawag na standby authority mula sa Kongreso para sa pagbili ng P45.367 bilyong halaga ng booster doses sa susunod na taon.


Noong nakaraang linggo, sinabi ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang ebidensiya na magbibigay-suporta para sa pagbabakuna ng booster doses ay nananatiling “minimal and incomplete,” subalit aniya, “We already have saved money for our booster shots for 2022 if ever it is approved.”

 
 

ni Lolet Abania | July 9, 2021


ree

Hindi pa inirerekomenda ng mga lokal na eksperto ang pagkakaroon ng isang booster COVID-19 shot dahil limitado pa ang datos nito, ayon sa Department of Health (DOH), matapos na ang American drugmaker na Pfizer ay nag-anunsiyong kakailanganin nila ang awtorisasyon para sa third dose ng kanilang bakuna.


“Ang kanilang rekomendasyon, hindi pa. Hindi pa natin ‘yan irerekomenda. Kailangan pa ng mas maraming ebidensiya para masabi natin that it’s going to be safe. Ang ating primary consideration dito is safety,” ani DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa briefing ngayong Biyernes at aniya, ang booster shot ay tinatalakay pa ng mga eksperto nito lamang Huwebes.


Paliwanag din ni Vergeire, ang pagkakaroon ng booster dose ay nakadepende sa itatagal o haba ng immunity na naibigay ng isang vaccine sa nakatanggap na indibidwal.


“Wala pang manufacturer na nakakapagbigay talaga ng eksakto na sinabi nilang, ‘Itong bakuna ko, hanggang anim na buwan lang at kailangan mo na muling ulitin.’ Wala pang ganu’ng ebidensiya,” ani Vergeire.


Nanawagan din si Vergeire para sa tinatawag na “solidarity” sa paghihintay na mabakunahan muna ang malaking populasyon ng bansa bago isipin ang pagkakaroon ng booster shots.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page