top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | December 11, 2021


ree

Pag-aaralan ng Department of Health (DOH) kung puwedeng igsian ang rekomendasyong pagitan sa pagtanggap ng COVID-19 booster shot matapos makumpleto ang bakuna.


Sa ngayon ay kailangang hindi bababa sa anim na buwan mula nang mabakunahan ng ikalawang dose o tatlong buwan mula nang maturukan ng single-dose Janssen vaccine ang mga kalipikadong tumanggap ng booster sa bansa. 


“Itong mga lumalabas ngayon na artikulo na pag-iikli between the second and the third dose, pag-aaralan naman 'yan ng ating mga eksperto. Pero sa ngayon na hindi pa kumpleto talaga ang mga ebidensiya na 'yan, it’s not completed yet. So ngayon we maintain status quo. But of course lahat ng lumalabas na pag-aaral na 'yan pinag-aaralan natin together with our experts," ani DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire. 


Ayon naman sa Food and Drug Administration, kailangan pa ng dagdag na datos para suportahan ito. 


"The government is sticking to the current vaccination schedule until there is more scientific data to support change in the schedule," ani FDA Director-General Eric Domingo.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | December 5, 2021


ree

Simula noong Biyernes ay puwede nang magpaturok ng booster shots kontra COVID-19 ang mga 18-anyos pataas na wala sa unang tatlong priority groups.


Para makapagpasaksak ng booster shot, dapat lagpas 6 na buwan na mula nang makumpleto ang dalawang doses ng COVID-19 vaccines.


Para naman sa mga nasaksakan ng Janssen vaccine, maaari nang magpa-booster shot 3 buwan matapos maturukan ng single dose. 


Puwedeng mamili kung pareho o iba ang brand ng booster sa naunang itinurok sa kanila.


Pinaaalala rin na kailangang dala ng vaccination card at valid ID kapag magpapa-booster.


Noong Biyernes ay nasa 389,451 na ang nabakunahan ng booster shots kontra COVID-19.

 
 

ni Lolet Abania | November 23, 2021


ree

Umabot na sa 42,000 doses ng booster shots ng COVID-19 vaccine ang na-administer ng bansa sa ngayon, ayon sa National Task Force Against COVID-19 adviser Dr. Ted Herbosa.


Ginawa ni Herbosa ang anunsiyo ngayong Martes ng umaga kasabay ng pagdating ng 682,360 doses ng Moderna COVID-19 vaccine na procured ng gobyerno.


“We have given 42,000 booster shots so far. It would be nine million [doses to be administered for booster] if we include the elderly,” ani Herbosa.


“I hope we can give it immediately. By year end, kaya natin ‘yang nine million [of booster shots administered],” sabi pa ng opisyal.


Sa ngayon, pinayagan lamang ng gobyerno ang pagbabakuna ng booster shots sa mga health workers at senior citizens ngayong buwan.


Ayon kay Herbosa, habang aprub na ang pag-administer ng booster shots sa mga senior citizens at health workers sa gaganaping 3-araw na National Vaccination Days mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1, prayoridad pa rin na mabigyan ang mga indibidwal na hindi pa fully vaccinated.


Kabilang sa mga COVID-19 vaccines na mayroong supply ang bansa, at nakapag-administer na rin ng dalawang doses ay Sinovac, Pfizer-BioNTech, AstraZeneca, Moderna, Sinopharm at Sputnik V. Ang Janssen at Sputnik Light naman ay naibigay ng isang dose lamang.


Sinabi pa ni Herbosa na hanggang ngayong Martes, Nobyembre 23, umabot na sa 134 milyon ang supply ng COVID-19 vaccine doses.


“We have enough for boosters of health workers and senior citizens. We would need to purchase more once the booster is already allowed for the general population, and it is provided for under the 2022 national budget,” saad ni Herbosa.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page