top of page
Search

ni Lolet Abania | March 17, 2022


ree

Magbibigay ang gobyerno ng libreng COVID-19 booster shots sa mga Japanese tourists na nagnanais at nasa Pilipinas sa ngayon, ayon sa Department of Tourism (DOT).


Sa isang radio interview ngayong Huwebes, sinabi ni DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat na nabuo ang naturang inisyatibo katuwang sina National Task Force (NTF) Against COVID-19 chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito G. Galvez Jr. at NTF deputy chief implementer Vince Dizon.


“We also opened pala to our Japanese tourists. Kasi ngayon pa lang sila nagbo-booster program here in Japan. Together with Sec. Galvez and Sec. Vince Dizon, ang ating mga Japanese tourists, they can come [to the Philippines] and get their booster shots for free,” pahayag ni Puyat.


“They’re very happy about that because zero lang ang quarantine nila if they get their booster shots. So they’re quite happy with our announcement,” dagdag niya.


Ayon kay Puyat, kasalukuyan siyang nasa Japan, ang bansa na isa sa mga top source markets ng Pilipinas bago pa ang pandemya, upang himukin ang mga ito at ipaalam sa kanila na ligtas nang pumunta at mag-travel sa bansa.


Aniya, nakikipagpulong siya sa mga katulad din niyang opisyal doon at sa iba’t ibang tourism organizations sa Japan.


“Talagang importante sa kanila na vaccinated tayo, ‘yung ating mga tourism stakeholders. Nakuwento ko nga na 97% vaccinated na ang ating mga tourism stakeholders and 25% na booster,” sabi ni Puyat.


“Very important sa kanila ‘yung they found out the vaccination rate in the country at continuously bumababa ‘yung ating mga kaso. So they know and important din sa kanila na nu’ng September 2020 pa lamang, we received the World Travel and Tourism Council Safe Travels stamp,” saad ng kalihim.


Ang naturang stamp ay ipinagkakaloob sa mga gobyerno at kumpanya sa buong mundo na in-adopt ang health at hygiene global standardized protocols, at kung saan sinusunod ang mga guidelines na itinakda ng World Health Organization (WHO) at Centers for Disease Control and Prevention (CDC).


Gayundin, layon nitong maibalik ang kumpiyansa ng mga travelers at makatulong sa nalugmok na travel sector na makarekober.


Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay tumatanggap ng business at leisure travelers mula sa 157 visa-free countries simula pa noong Pebrero 10, 2022.


Ang mga fully vaccinated lamang na dayuhang turista mula sa visa-free countries ang pinapayagang makapasok sa bansa. Kailangan din nilang magprisinta ng negative COVID-19 RT-PCR test result na kinuha ng 48-oras bago pa ang kanilang biyahe.


Gayunman, ayon kay Puyat, simula sa Abril 1, muling bubuksan ng Pilipinas ang mga borders sa lahat ng foreign tourists, kabilang na ang galing sa mga visa countries.


 
 

ni Lolet Abania | March 5, 2022


ree

Ipinahayag ng Department of Health (DOH) na hindi pa kailangan na imandato ang COVID-19 booster shots sa publiko sa ngayon, habang anila, marami pang paraan para ikampanya ang isinasagawang vaccination drive sa bansa.


Ito ang naging tugon ng DOH, matapos ang suhestiyon ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na ang COVID-19 booster cards ay gawing mandatory sa mga establisimyento sa mga lugar na isinailalim sa Alert Level 1 o sa mga lugar na ang pag-administer ng mga primary series ng pagbabakuna ay natapos na.


Ngayong linggo, ang Metro Manila at 38 iba pang lugar ay isinailalim sa pinakamababang COVID-19 alert level system na kinokonsidera na ring nasa “new normal”, para makaahon na sa pagkalugmok ng ekonomiya ng bansa dahil sa pandemya.


“Naiintindihan natin kung saan... Ang perspektibo [ni Concepcion] gusto niya ng full protection pero sa ngayon, ang ating gagawin ay magbibigay tayo ng information at pakikiusapan ang business sector,” sabi ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje sa isang televised briefing ngayong Sabado.


“Ang gagawin natin ay i-strengthen natin ang advocacy . . . [Ang government agencies] at partners natin sa private sectors ay pag-iibayuhin ’yung communication and advocacy to increase the uptake of booster,” paliwanag ng opisyal.


Una nang sinabi ni Cabotaje na ang National Vaccination Days na gagawin ngayong buwan ay magpo-focus sa mga residential houses at workplaces o pinagtatrabahuhan, kung saan naging matagumpay ito sa ilang lugar sa bansa.


Aminado naman ang opisyal na nananatiling mabagal ang pagbabakuna kontra-COVID-19 nitong mga nakaraang linggo. Hanggang ngayong linggo, nasa tinatayang 63 milyong indibidwal ang fully vaccinated na o 70 percent ng target ng gobyerno na 90 milyong Pilipino. Nasa mahigit 10.1 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | March 3, 2022


ree

Sa 36.7 milyong indibidwal na puwede nang magpa-booster shot, 10.28 milyon pa lamang ang naturukan nito, ayon sa National Vaccination Operations Center (NVOC).


"'Yong iba nag-iisip kung kailangan ng booster. 'Yong iba naman, they don't see the urgency of the booster... Importante po 'yan, kasi bumababa na po 'yong vaccine efficacy," ani NVOC Chairperson Myrna Cabotaje.


Para sa patuloy na pagbabakuna sa mga Pinoy, ikinakasa na ang ikaapat na national COVID-19 vaccination drive, na ayon kay Cabotaje ay posibleng idaos mula Marso 10 hanggang 12.


Plano rin ng gobyernong dalhin ang bakuna sa mga lugar ng trabaho at tutukan ang economic frontliners.


Ayon pa kay Cabotaje, ang ikaapat na "Bayanihan, Bakunahan" ay dadalhin sa mga bahay-bahay at sa mga workplace.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page