top of page
Search

by BRT @News | February 9, 2026



Bonifacio Global City Fort BGC - Taguig City

Photo FIle: BGC



Nagkaroon ng bahagyang tensyon sa isang corporate building sa Bonifacio Global City sa Brgy.y Fort Bonifacio, Taguig City matapos umanong "i-hold" ng ilang construction workers ang tatlong staff mula sa Human Resource (HR) department kamakalawa ng gabi, dahil sa naantalang sahod.


Ayon sa barangay, alas-7:15 ng gabi nang maganap ang insidente sa ika-29 na palapag ng gusali kung saan napigilan umano ang paglabas ng mga HR staff matapos magprotesta ang mga manggagawa.


Nilinaw naman ni Barangay Kagawad Maricris Palma na hindi maituturing na "hostage-taking" ang nangyari kundi isang hindi pagkakaunawaan lamang.


"Hindi naman po totally hostage kasi po ang HR natin at saka construction [workers] ay nag-usap doon sa isang kwarto kung saan pinag-uusapan ang kanilang sahod," paliwanag ni Palma.


Binigyang-diin din ng mga otoridad na walang ginamit na patalim o anumang uri ng armas ang mga manggagawa habang nag-uusap sa loob ng gusali.


Batay sa salaysay ng mga HR staff, maging sila ay hindi umano alam na magkakaroon ng delay sa pagpapasahod sa mga construction worker.


Tumagal umano ang pag-uusap ng magkabilang panig sa loob ng gusali hanggang alas-10 ng gabi.


Alas-10:59 ng gabi nang dumulog sa barangay ang mga kinatawan ng HR at isa sa mga construction worker para ayusin ang gusot. Sa huli, nagkasundo ang dalawang panig.

Nagpramis naman ang kumpanya na maibibigay ang lahat ng naantalang sahod ngayong araw.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 12, 2021



Nagtamo ng 3rd degree burn ang isang 35-anyos na lalaki matapos sumiklab ang sunog sa MJ Fort Construction sa Bonifacio Global City sa Taguig noong Miyerkules nang gabi, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).


Ayon sa BFP, kaagad na isinugod sa St. Luke's Medical Center ang biktima.


Bandang alas-7:30 PM tinatayang nagsimula ang sunog at idineklara namang fire out na bandang 9:35 PM.


Saad ni Taguig City Mayor Lino Cayetano, "Initially po, ang inire-report po sa atin ay mukhang noong nagdi-drill po, may tinamaan na gas pipe, so hindi po siya gas leak, gas explosion. May nag-trigger po.


"Habang nagdi-drill, may tinamaan, may naamoy and then later on, noong lumapit ang isang safety officer, doon po nangyari ang explosion.”


Wala naman umanong iba pang establisimyentong nadamay sa sunog.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page