top of page
F4 Jerry Yan at Ellen Adarna - Circulated.jpg
Search

ni Lolet Abania | July 5, 2022



Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang unang Cabinet meeting ng kanyang administrasyon ngayong Martes, Hulyo 5.


Nakaiskedyul ang pulong ng mga gabinete ng alas-9:00 ng umaga, kabilang na si Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte na siyang nag-lead ng pambungan na panalangin.


Sa kanyang remarks, ipinahayag ni Pangulong Marcos na ipababatid ng kanyang economic team ang kasalukuyang estado ng ekomoniya ng bansa.


“I ask the what we call the economics group, which is the Secretary of Finance, the BSP (Bangko Sentral ng Pilipinas) Governor, and the NEDA (National Economic and Development Authority) to give us a briefing on the general situation economically because I think we can all understand that the most important area that we will have to deal with would have to be the economy,” saad ni P-BBM.


“The central policy actually that everybody else would be following will be that set out by our economic managers. So I ask the economic team to give us a briefing,” dagdag ng Pangulo.


Sa isang Facebook post, sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo na dinismis na ng Pangulo ang ideya ng pagbabawas ng mga government personnel upang makatipid ng pondo sa gitna ng COVID-19 pandemic.


“We don’t want anyone out of [a] job at this point,” sabi ni Pangulong Marcos na iki-quote ni Tulfo.


“[The President has been] carrying on the discussion extremely well,” wika naman ni Solicitor General Menardo Guevarra.


“He is knowledgeable, organized, and very sharp,” pahayag pa ni Guevarra sa mga reporters.


 
 

ni Lolet Abania | July 4, 2022



Ipinahayag ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na wala pang nakaiskedyul na state visits si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.


“The President has not announced any state visits as of now,” ani Cruz-Angeles sa isang Palace briefing ngayong Lunes nang tanungin siya para kumpirmahin kung si Pangulong Marcos ay bibisita sa China ngayong linggo.


“He is busy building up the Cabinet so we have to wait for an announcement if there is indeed such a thing,” saad ni Cruz-Angeles.


Nang kwestiyunin naman siya sa posibilidad na pagbisita ni P-BBM sa Washington kasunod ng nai-report na imbitasyon dito mula kay US President Joe Biden, sinabi ni Cruz-Angeles, “Let’s wait for Malacañang to formally acknowledge it and they will probably make the announcement with regards to whether or not it’s going to happen.”


Si Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez ang nagbanggit sa imbitasyon ni US President Biden kay Pangulong Marcos na bumisita sa Washington.


Aniya, ang letter of invitation ay ibinigay kay P-BBM ni Second Gentleman Douglas Emhoff na dumalo sa inagurasyon ni Pangulong Marcos noong Hunyo 30.


Ayon kay Romualdez, wala pang naitakdang iskedyul tungkol dito dahil kailangan na napagkasunduan ito ng parehong panig.


Una nang sinabi ni US Deputy Secretary of State Wendy Sherman na si Pangulong Marcos ay libre nang makapapasok sa Amerika dahil sa tinatawag na diplomatic immunity para sa kanya.


Ito ang naging tugon ni Sherman sa tanong sa kanya kung maaari nang makapasok si P-BBM sa kanilang bansa sa gitna ng isang contempt order na pumipigil dito sa pagpasok sa US ng ilang taon.


 
 

ni Lolet Abania | July 3, 2022



Inimbitahan ni US President Joe Biden si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bumisita sa Washington sa Amerika, ito ang kinumpirma ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez ngayong Linggo.


Gayunman aniya, wala pang iskedyul na itinakda para pumunta si P-BBM.


“No schedule. Invitation as soon as schedule mutually agreed upon ‘by their teams,’” pahayag ni Romualdez sa GMA News.


Ayon sa ambassador, isang letter of invitation ang ibinigay kay Pangulong Marcos ni Second Gentleman Douglas Emhoff.


Si Emhoff ang nanguna sa presidential delegation na ipinadala ni Biden para dumalo sa inagurasyon ni P-BBM na ginanap noong Hunyo 30 sa National Museum of Fine Arts sa Manila.


Hiningan naman ng komento ang kampo ni Pangulong Marcos, subalit wala pa silang inilalabas na pahayag hinggil dito.


 
 
RECOMMENDED
LOTTO RESULTS  MONDAY,  JUNE 29, 2026  JACKPOT PRIZE*

Grand Lotto 6/55 : 01-17-50-25-26-12 ₱ 53,059,980.40
Mega Lotto 6/45  : 33-13-06-21-18-44 ₱ 87,900,272.40
4D Lotto                 : 0-4-1-3                      ₱ 10,000.00
3D Lotto 2 PM      : 9-6-2                          ₱ 4,500.00
3D Lotto 5 PM      : 7-4-6-                         ₱ 4,500.00
3D Lotto 9 PM      : 
9-2-6-                         ₱ 4,500.00

 

*Jackpot amount may change depeding on actual sales.      View All Results >
bottom of page