ni Angela Fernando @News | May 10, 2024
Nagpahayag si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. nitong Biyernes na walang ulat na mga mga aktibong opisyal ng pulisya ang may planong patalsikin siya mula sa kanyang puwesto.
Matatandaang sa isang panayam kay Marcos, itinanong ang kanyang komento sa mga alegasyon ni dating Senador Antonio Trillanes IV ang may mga retirado at aktibong mga matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang nagpaplanong alisin siya sa kapangyarihan.
Ayon kay Marcos, posibleng mga retiradong pulis ang bahagi ng tinatawag na destabilisasyon, kung ito man ay may katotohanan at nangyayari na sa kasalukuyan.
"I don't see— wala kaming report na in the ranks. 'Yung mga retired baka mayroon, mayroong mga gumagalaw, sumasama sa mga destab na ginagawa," saad ni Marcos.
Dagdag niya, "Pero sa ating mga kapulisan at siyempre lalo na sa officer corps, wala naman tayong nakikitang ganun na namumulitika ang mga police."
Pagbabahagi ni Marcos, mas inuuna niyang alalahanin ang pagtupad sa tungkulin ng mga opisyal para sa seguridad ng bansa.