top of page
Search

ni Bong Revilla - @Anak ng Teteng | April 30, 2021



Tuwing magkakaroon ng pagkakataon, sinisikap nating mamahagi ng ayuda, puhunan at gadgets sa ating mga kababayan upang makatulong sa pagtawid ng mga pamilya at mag-aaral ang kanilang mga pangangailangan sa panahon ng pandemya.


Nagsimula ito noong nakaraang taon sa araw ng aking mismong kaarawan na sa halip na magsagawa ng pagdiriwang ay minabuti na lamang mamahagi ng gadgets para sa mga estudyante na sasailalim na kakaibang paraan ng pag-aaral — ang online at modulare learning.


Nasundan ito ng ilang ulit bago mag-Pasko, bago magbukas ang klase, araw ng mga puso, Father’s Day, Mother’s Day at iba pang mga pagdiriwang at selebrasyon dahil sa patuloy na kahilingan ng marami sa ating mga kababayan.


Ngayon ay muli tayong magsasagawa ng gadget giveaway dahil bukas ng gabi ay unang araw na ipalalabas sa GMA 7 ang aking pagbabalik sa telebisyon tuwing Sabado, ganap na alas-7:15 ng gabi — ang Agimat ng Agila.


Isa itong fantasy-romance-family drama-adventure story ng forest ranger at gagampanan ko ang super hero journey ni Major Gabriel Labrador na sasagupa sa mga masasamang-loob na sumisira sa kalikasan at sangkatauhan.


Malaking pelikula ito na sadyang ginawa para lamang sa telebisyon at mabigyan ng libreng kasiyahan ang ating mga kababayan, lalo na ngayong panahon ng pandemya.


Ordinaryong tao lamang ang aking gagampanan, ngunit ang kapalaran niya ay makagawa ng hindi ordinaryong bagay tulad ng superhero at tiyak na masisiyahan ang mga manonood dahil sa world-class visual effects nito.


Matutuwa ang kalalakihan dahil sa mga heavy action scene dito na maihahalintulad sa foreign movie, may pakilig din para sa kababaihan dahil sa mga romantikong eksena at lalong matutuwa ang mga bata dahil sa kamangha-manghang visual effects.


Magiging masaya rin ang takbo ng istorya ng Agimat ng Agila dahil sa napakarami ng nakatutuwa at nakatatawang eksena bukod pa sa mga makapangyarihang kontrabida na sasagupain ni Major Labrador.


Mapanonood din ang mga beteranong artista tulad nina Elizabeth Oropesa, Roi Vinzon at Allen Dizon; maging si Miss World Philippines Michelle Dee ay nandito at ang aking leading lady na si GMA’s Kapuso Star Sanya Lopez na napakaganda.


Makaraan ang mahigit sa limang taong hindi ko paggawa ng pelikula ay muli akong nagbabalik sa pag-arte at isa itong perfect comeback vehicle para muli ninyo akong masilayan sa telebisyon na umaarte sa katauhan ng isang matapang na forest ranger sa Agimat ng Agila.


Pinaghusay talaga namin ang Agimat na Agila na mula sa teknolohiya na aming ginamit, sa production value, maging sa malalaking action scenes na halos imposibleng maisagawa dahil sa kasagsagan ng community quarantine ay matagumpay naming naisakatuparan.


Bukod pa riyan ay malaking kasiyahan ang muli tayong pagbabalik sa GMA para sa isang espesyal at napakalaking proyekto tulad ng Agimat ng Agila na pag-alala at pagbibigay pugay na rin sa aking ama na si Ramon Revilla Sr., na gumawa ng napakaraming classic at epic films na kahalintulad nito. Kaya dahil d’yan ay isasagawa natin ang muling pamamahagi na tatawagin nating Kap’s Amazing ‘Agimat ng Agila’ Gadget Giveaway na gaganapin bukas, araw ng Sabado sa ganap na alas-5: 00 ng hapon.


Tulad ng dati ay mamamahagi tayo ng gadgets tulad ng tablet at laptop na gagawin natin online sa facebook page na https://facebook.com/bongrevillajrph upang lahat ay mabigyan ng pagkakataon.


Dahil hindi naman natin kayang bigyan ng gadget ang buong bansa ay nagkaroon tayo ng raffle at mga palaro upang kung sino ang papalarin ang siyang magkakaroon ng gadget.


May inihanda uli tayong pangkabuhayan package, question and answer portion na malalaki ang premyo at roleta na may mga premyong mula sa P5, 000 hanggang P100, 000 at wala kayong ibang gagawin kung hindi ang tumutok lamang tulad ng dati.


Hindi pa uso ang community pantry ay regular na tayong namamahagi ng ayuda at tuluy-tuloy pa rin ang ating Kap’s BR (Kaagapay sa Araw ng Pangangailangan Bayanihan Relief) na nagdadala ng saku-sakong bigas, gamot at pagkain sa iba’t ibang bahagi ng bansa.


At mula nang magkaroon tayo ng gadget giveaway hanggang sa kasalukuyan ay libu-libo na ang ating natulungan at ngayon ay napakarami na naman ng ating inihanda upang mas marami pa ang makinabang sa mga kababayan nating nawalan ng kabuhayan sa gitna ng pandemya.


Noong huli tayong mamahagi online ay milyong kababayan natin ang nakatutok at umabot sa 1,754,482 ang People Reach, 1, 407,186 ang Engagement, 663k ang Comments, 153,810 ang Shares, 561k ang Views at 53k ang Likes.


Kaya muli tayong magkita-kita sa Sabado ng alas-5: 00 ng hapon at pagkatapos ng giveaway ay sabay-sabay na nating panoorin ang Agimat ng Agila, ang saya-saya!


Anak Ng Teteng!

May katanungan ka ba, reklamo o nais ihingi ng tulong? Sumulat sa ANAK NG TETENG! ni BONG REVILLA sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa anak­ng­teteng.bulgar@ gmail.com

 
 

ni Bong Revilla - @Anak ng Teteng | April 28, 2021



Noong nakaraang Abril 22 lamang ay ipinagdiwang natin ang Earth Day sa buong mundo bilang suporta sa pagbibigay-proteksiyon sa ating kalikasan kung saan ay nasa ika-51 anibersaryo ito ng taunang selebrasyon na may temang “Restore Our Earth”.


Akmang-akma ito sa pinakabago nating teleserye na may titulong Agimat ng Agila, isang fantasy- romance-family drama-adventure story tungkol sa mabuting asawa at ama na nakatalaga upang protektahan ang sangkatauhan at kalikasan mula sa kamay ng mga makapangyarihang kontrabida.


Halos alam naman nating lahat ang kahalagahan nang pangangalaga sa ating kalikasan ngunit sa Agimat ng Agila ay mas lalo natin itong maiintindihan at mas lalawak pa ang ating kaalaman hinggil dito nang nasisiyahan dahil sa ganda nang pagkakagawa nito.


Isa itong pelikula na sadyang ginawa para lamang sa telebisyon at mabigyan ng libreng kasiyahan ang ating mga kababayan na labis na ang pighating dinaranas dahil sa pinagdaraanan nating pandemya.


Grabe ang pagkakasulat ng istorya nito na isa sa nagtulak sa akin para makumbinsing muling magbalik sa telebisyon dahil nakapaloob sa bawat tema ang pagtalakay sa mga isyu at ang kahanga-hangang ugali ng mga Pilipino sa bawat kapana-panabik na eksena nang pakikipagsapalaran.


Gagampanan natin ang super hero journey ni Major Gabriel Labrador,

isang forest ranger na masipag, matapang at halimbawa ng mabuting Pilipino, mapagmahal, mabuting mag-isip, matatag, matiyaga, labis ang pakalinga sa pamilya, kaibigan at mga kasama sa trabaho, maging sa komunidad at maging sa kalikasan.


Ang kakaiba sa karakter ni Labrador ay isa siyang ordinaryong tao na ang kapalaran ay makagawa ng hindi ordinaryong bagay tulad ng superhero ngunit hindi rin siya perpekto at marami ring pagkukulang na lalong nagpatibay sa kaniyang pagiging ordinaryong tao.


Tinatawag namin itong multi-genre narrative na sadyang binuo para sa buong pamilya na kumpleto dahil sa tiyak na masisiyahan ang kalalakihan sa matinding aksiyon na hinaluan ng komedya, ang mga bata ay tiyak ding matutuwa dahil sa mga kamangha-manghang visual effects at ang kababaihan ay siguradong kikiligin dahil sa mga romantikong eksena.


Idagdag pa rito na makasama natin ang mga beteranong artista tulad nina Elizabeth Oropesa, Roi Vinzon at Allen Dizon; maging si Miss World Philippines Michelle Dee ay nandito at ang aking leading lady na si GMA’s Kapuso Star Sanya Lopez na grabe rin ang ipinakitang husay.


Talagang maituturing nating perfect comeback vehicle para sa akin ang Agimat ng Agila dahil bukod sa maganda ang istorya nito ay parang foreign film ang dating na kumpleto ang elemento para sa big screen.


Mula sa teknolohiyang aming ginamit, sa production value, maging sa mga malalaking action scenes na halos imposibleng maisagawa dahil sa kasagsagan ng community quarantine pero matagumpay naming naisakatuparan.


Isang malaking kasiyahan ang muli akong makabalik sa GMA para sa espesyal at napakalaking proyekto tulad ng Agimat ng Agila na pag-alala at pagbibigay pugay na rin sa aking ama na si Ramon Revilla, Sr., na gumawa ng napakaraming classic at epic films na kahalintulad nito.


Alam naman nating lahat na ang pag-arte ang ating passion at first love at ang pinaka-na-miss natin bilang aktor ay ang mga tao hindi lang sa harap ng kamera kung hindi maging ang nasa likod nito na masyadong malapit sa aking puso.


Kaya nga grabe rin ang ating paghahanda, dahil kinailangan pa nating sumailalim sa matinding pagsasanay araw-araw dahil sa kakaibang mga heavy action scene na nakapaloob dito na sinabayan pa ng world class visual effects at maging ang ating resistensiya ay pinalakas natin ng todo.


Bukod sa maganda ay masaya ang Agimat ng Agila dahil sa mga nakakatuwang eksena na isa sa mga magiging dahilan para tuluyan ninyo itong subaybayan at mas lalo pa ninyong mamahalin ang ating kalikasan.


Tayo mismo ay alam ang kahalagahan ng kalikasan ngunit mula nang gawin natin ang Agimat ng Agila ay kumbinsido tayong mas lalong pahahalagahan pa ng ating mga kababayan ang pag-iingat at paggalang sa ating kalikasan.


Mas lalo nga lamang kayong magagalit sa mga masasamang loob na sumisira ng ating kabundukan at kagubatan na posibleng hindi na abutan ng mga susunod na lahi kung hindi sila mapipigilan.


Kaya abangan sa Mayo 1, Sabado, ganap na alas-7:15 ng gabi ay ipalalabas na sa GMA 7 ang Agimat ng Agila ngunit dalawang oras bago ‘yan ay magsasagawa tayo ng Amazing Kap’s ‘Agimat ng Agila’ Gadget Giveaway sa ganap na alas-5:00 ng hapon, maraming gadgets at cash ang ipamimigay at iba pang sorpresa kaya tutok lang sa aking facebook page na https://facebook.com/bongrevillajrph bago manood ng Agimat ng Agila.


Anak Ng Teteng!

May katanungan ka ba, reklamo o nais ihingi ng tulong? Sumulat sa ANAK NG TETENG! ni BONG REVILLA sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa anak­ng­teteng.bulgar@ gmail.com

 
 
  • BULGAR
  • Apr 26, 2021

ni Bong Revilla - @Anak ng Teteng | April 26, 2021



Matapos ang halos dalawang taong paghihintay mula nang una naming simulan ang paggawa nitong Agimat ng Agila, sa wakas ay mapapanood na ito ng ating mga kababayan ngayong Sabado, ganap na alas-7:15 ng gabi sa GMA 7.


Magpipitong taon na pala tayong hindi humaharap sa camera, ang pag-aartista na mula batang maliit pa lamang ay itinuro na ng aking ama at palagi akong isinasama sa marami niyang pelikula hanggang sa lumaki.


Hindi natin napansin na napakabilis na palang lumipas ng panahon at ang mga pelikula na madalas pa ring napapanood sa telebisyon ang nagpapaalala sa akin ng dating buhay bilang artista.


Hanggang sa heto nga at nagkasundo natin ng management ng GMA 7 na gawin itong Agimat ng Agila ngunit bigla tayong napaisip kung handa na bang magbalik sa telebisyon pero nakaramdam tayo ng excitement.


Noong unang araw ng aming taping ay may pakiramdam natin na parang nanganganay dahil sa tagal na hindi pagharap sa camera, ngunit kalunan ay nagtuluy-tuloy na at ito pala talaga ang hinahanap-hanap ng ating sistema.


Unang-una bukod sa passion natin ang pag-aartista ay first love pa kaya kahit may kaunting pag-aalinlangan ay hindi na nagdalawang-isip na gawin ang Agimat ng Agila dahil sabik na sabik na rin tayong humarap sa kamera sa kinalakihang industriya.


Nakadagdag pa ang napakagandang script kaya nabuo ang desisyon nating gawin ang teleseryeng ito at naglabasan agad ito sa media kaya mula noon ay inulan na ako ng maraming messages mula sa mga nagmamahal sa akin at mga tagasuporta na mas excited pa sila kesa sa atin.


Ang Agimat Ng Agila na fantasy adventure ay punung-puno ng aksiyon, drama at katatawanan na binusisi at pinagandang mabuti ng direktor na si Rico Gutierrez at si Nap Jamir ang director ng photography.


Isa tayong forest ranger dito na makikipagsagupa sa masasamang elemento na tiyak umanong magugustuhan ng mga bata dahil may halo itong agimat at kapangyarihan kaya pinamagatang Agimat Ng Agila.


Ang leading lady ko ay si GMA Kapuso Star na si Sanya Lopez, kasama rin si Miss World Philippines Michelle Dee, Elizabeth Oropesa, Roi Vinzon, Allen Dizon at Benjie Paras na pare-parehong dumanas ng hamon dahil sa hirap na pinagdaan nila habang binubuo ang teleseryeng ito.


Isipin n’yo halos ilang linggo kaming naka-lock-in taping sa bulubunduking bahagi ng Tanay at Antipolo, Rizal dahil nga hindi puwedeng umuwi ng basta dahil sa pandemya.


Nanibago talaga tayo sa teleseryeng ito dahil kakaiba na kung paano ito binubuo tapos madalas sinasabayan pa ng malalakas na ulan na malaking abala dahil nagpapatila pa kami bago makapag-taping uli.


Ang mga fight scene ay ibang-iba kumpara sa mga dati nating ginagawa dahil pati ang routine ay masyadong binubusisi hanggang sa pagbagsak ay sinusundan ng kamera at talagang sobrang detalyado.


Kaya nga hindi tayo basta-basta sumalang sa taping dahil kinailangan pa nating sumailalim sa iba’t ibang martial arts training, pati paghawak ng mga armas tulad ng patalim at iba’t ibang klase ng baril ay muling sinanay.


Araw-araw halos ay nasa dalawang oras tayo sa gym para lamang palakasin ang ating pangangatawan bilang paghahanda nga sa mabibigat na fight scene na sobrang makabago na ang atake kumpara noong mga unang panahon na gumagawa tayo ng action movie.


Ang nakakawala lang ng pagod nang mapanood na natin ‘yung ilang eksena sa Agimat Ng Agila dahil sa hindi tayo makapaniwala na iyon ang kinunan naming eksena dahil mukhang foreign film.


Grabe si Direk Rico, bukod sa napiga niya ako sa acting ay talagang ang kinis ng mga eksena at hindi nakakahiyang ipagmalaki dahil kahit fantasy ay kapani-paniwala talaga ang mga eksena, pati make-up parang totoo.


Sayang at hindi natin maidetalye sa inyo ng buung-buo dahil baka hindi n’yo na panoorin pero siguro ay nararamdaman n’yo kung gaano tayo ka-excited sa teleseryeng ito na ilang tulog na lang ay mapapanood na.


Hindi na rin biro ang ginawa nating pelikula at kung gaano kahirap ang mga eksenang ating pinagdaanan, ngunit napakalaki na talaga nang ipinagbago at marami nang bagong teknolohiya sa paggawa ng magandang teleserye.


Teleserye lang itong Agimat Ng Agila pero kapag nakita n’yo iyong ilang mga eksena ay parang pelikula ang dating dahil ang gaganda ng mga effects pati ang ilaw ibang klase at pati istorya nito napakaganda.


Kaya muli ay abangan ninyo ang aking pagbabalik sa telebisyon sa darating na Mayo 1, ganap na alas-7:15 ng gabi ay magsisimula nang ipalabas ang Agimat ng Agila na matapos ang ilang taon ay muli tayong binigyan nang pagkakataon ng GMA Network at hindi basta-basta teleserye dahil kapana-panabik talaga!


Ngunit dalawang oras bago ‘yan ay magsasagawa tayo ng Amazing Kap’s ‘Agimat ng Agila’ Gadget Giveaway sa ganap na alas 5 ng hapon, maraming gadgets at cash ang ipamimigay at iba pang sorpresa kaya tutok lang sa aking facebook page na https://facebook.com/bongrevillajrph bago manood ng Agimat ng Agila.


Anak Ng Teteng!

May katanungan ka ba, reklamo o nais ihingi ng tulong? Sumulat sa ANAK NG TETENG! ni BONG REVILLA sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa anak­ng­teteng.bulgar@ gmail.com

 
 
RECOMMENDED
bottom of page