top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | January 17, 2021




Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang tinatayang aabot sa P1.5 million halaga ng smuggled medicines sa isang storage facility sa Pasay City noong Sabado.




Sa tulong ng National Bureau of Investigation, ayon sa BOC, nadiskubre ang makeshift clinic at nakumpiska ang mga naturang gamot kabilang na ang ribavirin, ginagamit na panggamot sa pneumonia at bronchitis noong January 14.


Hinala ng awtoridad, ginagamit ang naturang clinic para sa COVID-related cases.


Samantala, patuloy pa ring nagsasagawa ng imbestigasyon at posible umanong maharap sa kasong paglabag sa Section 1113 of R.A. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) ang mga nasa likod ng operasyon ng naturang clinic.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | December 15, 2020


ree


Nakumpiska ng Bureau of Customs - Port of Davao (BOC) ngayong Martes ang kargamentong naglalaman ng agarwood, isa sa world’s most expensive raw materials, na idineklarang wood frames para sa souvenirs.


Sa pisikal na eksaminasyon at sa pamamagitan ng x-ray scanning, nakita ang 671 piraso ng agarwood na nagkakahalagang P1.72 million na nakatakdang i-export nang walang kaukulang permits.


Pahayag ni Erastus Austria, Port of Davao District Collector, "The Port would like to thank the DENR, the PNP Aviation Security Group and Customs NAIA’s collaborative work with us, led by District Collector, Carmelita Talusan.


“We will continue to closely coordinate with them to ensure that our borders are efficiently protected from potential illegal exports of endangered trees… Certainly, we will not tolerate these acts of illegal trade in any of our airports and seaports.”


Samantala, ite-turn over ng BOC ang naturang kargamento sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

 
 

ni Lolet Abania | December 8, 2020


ree


Nakasabat ang Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ngayong Martes ng 38 kargamento na naglalaman ng 75 poker chip sets at iba pang gambling paraphernalia sa Pasay City.


Nadiskubre ang imported items sa Central Mail Exchange Center ng Philippine Postal Corporation (PPC).


Sa isang pahayag, sinabi ng BOC na ang nasabing items ay walang kaukulang permit mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at lumabag sa ipinatutupad na batas na Republic Act 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act.


Ayon sa BOC, nakatakda ang mga nasabat na poker sets, dealer chips at ibang gambling paraphernalia na dalhin sa cargo disposal division habang naghihintay pa ng seizure at forfeiture proceedings.


Kasunod nito, ang nakumpiskang paraphernalia ay ite-turn-over naman sa PAGCOR para sa kaukulang disposal nito.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page