- BULGAR
- Jul 16, 2021
ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 16, 2021

Inaresto ng Kenyan police noong Miyerkules ang isang lalaking tinawag na "bloodthirsty vampire" dahil sa umano'y pagpatay sa mga batang edad 12 hanggang 13.
Kinilala ang suspek na si Masten Milimo Wanjala matapos imbestigahan ng awtoridad ang pagkawala ng 2 bata at inamin nito diumano na marami pa siyang pinatay.
Ayon sa awtoridad, sa gubat itinapon ng 20-anyos na suspek ang bangkay ng mga biktima.
Saad ng Directorate of Criminal Investigations (DCI), “Masten Milimo Wanjala, the bloodthirsty vampire arrested earlier today is responsible for at least ten cold-blooded murders of innocent children, as our detectives have finally established.
"Wanjala single-handedly massacred his victims in the most callous manner, sometimes through sucking blood from their veins before executing them."
Ang unang nabiktima diumano ng suspek ay isang 12-anyos na babae limang taon na ang nakalilipas.
Saad ng DCI, “Purity Maweu, a 12-year-old girl was the first to fall prey to the killer. The young girl was kidnapped from Kiima Kimwe in Machakos County and her blood sucked by the killer, before being left for dead.”
Ang sumunod na biktima ni Wanjala ay ang 13-anyos na lalaki na kinilala bilang si Aron.
Saad ng DCI, “Three years later in Kamukuywa, Kimilili, a 13-year-old boy only identified as Aron, was brutally murdered by the killer, who recounted to detectives the gory details of how he killed the innocent boy.”
Mga edad 12 hanggang 13 umano ang binibiktima ng suspek at ayon pa sa DCI, “Detectives have further established that all the murder victims were stupefied using a white substance in powder and liquid form, which the victim's were either forced to drink or sprayed with before being executed.”
Sa ngayon ay patuloy pa rin ang imbestigasyon ng awtoridad sa insidente at inaalam kung saan pa iniwan ng suspek ang bangkay ng iba pa niyang biktima.