top of page
Search

BYUTI AT MATANGKAD NA AKTRES, TROPHY WIFE LANG, 'DI NAKAKAHAWAK NG DATUNG NG MISTER NA RICH POLITICIAN

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 3, 2020



BLIND ITEM:


Matangkad at maganda ang isang aktres na pinagpapantasyahan noon ng ilang action stars. May foreign blood ito kaya kakaiba ang ganda kahit pa Pinay ang kanyang ina. Ibang-iba ang ganda ng matangkad na aktres sa kapatid na kasabay ding pumasok sa showbiz.


Sa dinami-rami ng nanligaw sa matangkad na aktres, sa isang rich politician-businessman na hiwalay sa unang asawa siya nagpakasal. Akala ng marami, naka-jackpot ang matangkad na aktres sa lalaking kanyang pinakasalan. Buhay-prinsesa na raw ito kahit talikuran na ang showbiz dahil sikat at mayaman ang napangasawa.


Pero sa tuwing makikita ng mga kaibigan ang maganda at matangkad na aktres kapag may mga events sa showbiz ay halatang hindi siya masaya sa buhay niya. May mga bali-balita nga na hindi naman daw siya pinahahawak ng datung ng kanyang mister at naka-budget lang ang dapat gastusin.


Hindi rin makapag-display ng kanyang branded bags ang magandang aktres sa kanyang social media account dahil hindi galante ang mister. Pati nga 'yung post ng aktres na luxury car na b-day gift daw sa kanya ng mister ay hindi totoo. Gamit din daw kasi ito ng kanyang mister na pulitiko.


Kaya naman nabubuhay sa ilusyon ang magandang aktres. Ginagawa lang siyang pandispley at trophy wife.


Kaya ang kapatid na babae ng magandang aktres ay hindi rin lumalapit at humihingi ng tulong kahit nagigipit sa aspetong pinansiyal. Paninindigan na lang ng matangkad na aktres ang kanyang katayuan ngayon. At least, pulitiko ang kanyang mister at baka mabigyan din siya ng parte sa yaman nito.

 
 

SMART AT PRANGKANG AKTRES, GUSTO NG MISTER NA SA BAHAY LANG KAYA NAGHIWALAY, PERO BAGONG MISIS NG EX, PINAYAGANG MAG-SHOWBIZ

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | August 29, 2020



BLIND ITEM:


Matapos makipaghiwalay sa kanyang mister na veteran TV host, may ilang relasyon pa rin na nagdaan sa buhay ng aktres na malakas ang personalidad, ngunit nauwi rin sa wala at hindi nagtagal ang mga sumunod niyang pag-ibig. Masyado kasing matalino at outspoken ang aktres. Hindi uubra sa kanyang standard ang isang ordinary guy lang.


Kailangang pantayan ng kanyang karelasyon ang pagiging smart niya. Ang aktres kasi ang tipo ng babaeng hindi basta pambahay lang at lalong hindi siya nagpapakamartir sa larangan ng pag-ibig.


Ang kanyang ex-husband naman ay ayaw na ayaw sa babaeng masyadong matalino at demanding kaya sila nagkahiwalay makaraang magkaroon ng dalawang anak.


At dahil hindi nga sinuwerte ang aktres sa mga sumunod niyang nakarelasyon, minsan ay may emote siyang gusto raw siyang balikan noon ng kayang ex-husband pero sa kondisyon na titigil na siya sa pag-aartista at tuluyan nang iiwan ang showbiz. Siyempre, hindi pumayag ang aktres na i-give-up ang kanyang career.


Nagtataka lang siya kung bakit ang pinakasalan ngayon ng kanyang ex-husband ay pinayagan nitong magpatuloy sa showbiz. Unfair naman daw na siya lang ang may kondisyong tumigil na sa pag-aartista.


Mabuti naman at nakatagpo ang aktres ng lalaking ka-level niya sa talino at status sa buhay na hindi niya puwedeng taray-tarayan. Pero pakiramdam ng malalapit na kaibigan ng aktres, hindi siya gaanong in love sa pinakasalang guy. Ayaw lang niyang masabi na talunan siya sa pag-ibig kaya nagpakasal na rin siya.


After all, malaki ang maitutulong ng kanyang mister sakaling may ambisyon siyang pumasok sa pulitika.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page