top of page
Search

MALA-DIYOSANG AKTRES, BUKING NG BF NA MORENONG AKTOR NA TWO-TIMER, TINUHOG SILA NG BFF NIYANG TISOY NA AKTOR KAYA HINIWALAYAN

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 7, 2020



BLIND ITEM:


Ilang taon ding naging magkarelasyon ang isang maganda at sweet na aktres at ang guwapo at machong morenong aktor. Perfect match sila kung tutuusin dahil mala-diyosa ang kagandahan ng aktres at mala-Adonis naman ang aktor.


Marami silang pelikulang pinagtambalan. Maraming naiinggit sa kanilang relasyon at kasal na lang daw ang hinihintay ng kanilang mga fans.


Sobra kasing in love sa isa't isa ang aktres at aktor. Kahit na alam ng lahat na may pagka-playboy ang guy na nagbilang ng mga girlfriends sa showbiz, sa maganda at sweet na aktres boto ang mga kaibigan niya. Inaapura na nga nila na magpakasal na ang aktor sa magandang aktres.


Pero, shocked ang lahat nang biglang mag-break ang magandang aktres at machong aktor. Parehong tahimik at hindi nagsalita ang sinuman sa kanila kung ano ang dahilan ng kanilang paghihiwalay. Labis na nanghinayang ang marami sa kinahinatnan ng kanilang love story.


Isang malapit sa aktor ang nagkuweto na nahuli pala ng guy ang GF niyang magandang aktres na may lihim na affair sa isang tisoy na aktor na kaibigan pa naman ng morenong aktor. Ang tisoy na aktor mismo ang nagkumpirma nang komprontahin ng morenong aktor.


Sapat na 'yun upang hiwalayan na niya ang magandang aktres na ilang taon din niyang minahal!


Ngayon ay pareho nang maligaya sa kani-kanilang asawa ang aktres at ang morenong aktor. Hindi na nila binabalikan pa ang masasayang alaala ng kanilang relasyon na naunsiyami.

 
 

SINGER-ACTRESS, DINALA NG RICH POLITICIAN SA BUKIRIN NILA, PINAASA LANG PALA, NABUKING NA AKTOR ANG KASAMANG NAMASYAL NG BF

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 6, 2020



BLIND ITEM:


Maganda at may appeal ang singer-actress na hanggang ngayon ay aktibo pa rin sa showbiz. Maraming aktor ang nanligaw sa kanya noon at ilan dito ang kanyang nakarelasyon, pero nauwi rin sa breakup.


Walang suwerte sa love life ang singer-actress kahit mabait naman siya at sunod-sunuran sa kanyang karelasyon kapag in love.


Nang mag-mature na ang singer-actress ay muli siyang umibig sa isang rich politician from the South. Popular ang politician at sadyang attracted sa mga artista. Palibhasa'y matalino at malakas ang personalidad, na-in love sa kanya ang magandang singer-actress.


Minsan ay naimbitahan ng rich politician ang GF na singer-actress na magbakasyon sa kanilang probinsiya. Gusto raw niyang ipakita ang malawak nilang bukirin. Join naman ang singer-actress dahil gusto niyang patunayan kung gaano ka-rich ang politician.


Pero nu'ng nasa vacation house na sila, iniwan naman siya ng politician at hindi ipinasyal sa bukirin. Nalaman na lang niya na may nakasabay siyang guwapong aktor na nagbakasyon din du'n at ito ang ipinasyal sa bukirin ng rich politician.


Kaya nang bumalik na sa Manila ang singer-actress ay nagdesisyon nang makipaghiwalay sa "pekeng" BF na politician. Maliwanag kasing nagoyo at pinaasa lang siya nito. Ginawa lang pala siyang front sa tunay na pagkatao ng pulitiko. Iba pala ang gusto nitong karelasyon, guy din at hindi girl!


Hanggang ngayon, hindi na ibinunyag ng singer-actress ang sikreto ng ex-BF na rich politician. Patago na lang itong pinagtsitsismisan sa mga showbiz gatherings.

 
 

MALAKING DATUNG NG DATING CHILD STAR, NAUBOS LANG NG MADIR, DEPRESSED AT TULIRO NGAYON

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 4, 2020



BLIND ITEM:


Sikat pa rin naman hanggang ngayon ang dating child star na naging singer paglaki at maligaya ngayon sa kanyang love life. Kaya labis na ipinagtataka ng marami kung bakit inaatake na naman siya ng matinding depression at maraming hugot na pinakakawalan.


Hindi lang naman ang singer ang nawalan ng raket ngayon dahil sa Covid pandemic. Pati na ang malalaking artista ay nawalan din ng pagkakakitaan at tanggap naman nila ang mga pangyayari. Patuloy silang lumalaban at hindi nagpapatalo sa stress at depression.


Marami pa ring fans ang singer na napakalamig ng boses. Marami ang nagmamahal sa kanya at napakasuwerte niya sa kanyang lady love dahil napaka-loving at supportive. Naiintindihan din ng kanyang karelasyon ang paiba-iba niyang mood swings.


Madalas, kapag nasa bahay lang ay nakatulala, tamad na tamad kumilos at gusto lang matulog maghapon ng singer kapag inaatake ng depression. Tahimik lang siya at ayaw makipag-usap kahit kanino.


May ilang nagsasabi na ang ugat daw ng depression ng singer ay ang pagkatunaw ng mga properties na kanyang naipundar noong kanyang kasikatan. Nagsimula kasi ang kanyang showbiz career noong bata pa siya. Napakabibo niyang child star kaya marami rin siyang pelikulang nagawa.


Pero ang maderaka niya ay mahilig pumasok sa kung anu-anong negosyo ganu'ng hindi naman alam magpatakbo. Nagtayo ng beauty salon pero nalugi at nagsara. Bumili ng vacation house sa isang resort, napabayaan naman kaya nagsara rin dahil hindi kumikita.


Kaya ang mga naipon ng singer para sa kanilang future ay unti-unting naubos. Tuliro ito ngayon dahil nagkakasakit pa ang kanyang parents na sa kanya umaasa.


Well, kung lalakasan lang ng singer ang kanyang loob at magiging positibo sa buhay, tiyak namang makakabangon pa siya at muling makakapagpundar ng kabuhayan. Bata pa naman siya at 'pag nawala na ang Covid pandemic at nakabalik na sa normal ang lahat, tiyak na bobongga muli ang kanyang career.


Dumating lang ang panahon ng mga pagsubok sa kanyang buhay. Makaka-survive naman siya dahil may talent na puwedeng gamitin. Dagdagan lang niya ng dasal at pananalig sa Diyos.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page