top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

RESPETADONG AKTRES, NAGKA-SECRET AFFAIR SA MAS BATANG GUWAPONG AKTOR BAGO NAGPAKASAL SA PULITIKO

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 11, 2020



BLIND ITEM:


Napakagaling magtago ng sikreto sa buhay ng magaling at inirerespetong aktres. Dahil maganda, sikat at malakas ang karisma, naging napakakulay ng kanyang buhay-pag-ibig. Maraming aktor-basketball players at negosyante ang nanligaw sa magaling na aktres. Marami siyang nakarelasyon lalo na noong kanyang kabataan.


Pero hindi siya makondena ng publiko dahil mabait siya at karespe-respeto. Hindi siya hinusgahan at nilait-lait. Tinanggap na lang ng lahat maging ng kanyang mga loyal fans ang mga kaganapan sa love life ng magaling na aktres.


Unang nagpakasal ang aktres sa isang aktor na hindi kasingsikat niya, pero malakas ang personalidad. Nagkaanak sila pero nauwi sa paghihiwalay. Marami silang hindi mapagkasunduan at laging nag-aaway. Pareho silang mataas ang standard sa buhay at ayaw magpadaig-magpatalo sa isa't isa!


May ilang karelasyon pang sumunod bago nakilala ng magaling na aktres ang isang non-showbiz guy na nalilinya sa pulitika. Naging daan ito upang mabuksan ang oportunidad sa aktres na subukan ang kanyang kapalaran sa pulitika. Mismong sa bayan ng kanyang mister pinalad na makapuwesto ang magaling na aktres.


Pero bago pa nagpakasal ang aktres sa baguhang pulitiko, may lihim na siyang May-December affair sa isang guwapo at mas batang aktor. Tanging ang mga taong nakapaligid sa respetadong aktres ang nakakaalam ng kanyang sikreto. Patago ang lahat pero totoong na-in love sila sa isa't isa.


Masaya at tahimik na ang buhay ngayon ng guwapong aktor sa piling ng kanyang maybahay at mga anak, gayundin naman ang aktres na masaya sa napangasawa niya.

 
 

YOUNG STAR, WA' IPON KAYA PURDOY NA, 'DI PA MARUNONG MAKISAMA KAYA WA' RIN SHOW

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | September 11, 2020



BLIND ITEM:


Dahil sa kawalan ng regular show at wala ring naitayong negosyo ang young star na produkto ng reality show, namomroblema siya ngayon ng pagkukunan ng pangkain nila sa araw-araw, bukod pa sa sangkaterbang bills na kailangang bayaran.


Ang young star ang breadwinner sa kanila dahil may sakit ang ina at hindi na nito kayang magtrabaho pa.


Isa sa mga dahilan din kaya sumali sa reality show ang young star ay hoping na siya ang mananalo dahil may paggagamitan ng premyong cash at ang bahay sana para hindi na sila nangungupahan pa.


Pero hindi masyadong sinuwerte ang young star katulad ng ibang kasabayan niya sa reality show na kaliwa’t kanan ang projects bukod pa sa hindi niya nakasundo ang manager niya na sa paniniwala niya ay malaki ang kinukuha nitong komisyon.


Kaya lumipat siya sa ibang manager, pero ang ending, mas malaki pa pala ang kukuning komisyon kaya nagdesisyon siyang hindi na lang mag-manager.


Ang nanay niya na ang nagma-manage sa kanya na wala namang koneksiyon sa showbiz kaya wala ring nangyari.


Sabi ng talent coordinator na nakausap namin nu’ng i-guest siya sa isang variety show, “Diretso na siya ang kausap namin, payag na kahit mababa ang talent fee, kailangan daw kasi niya.”


Awa ang naramdaman namin sa young star. Kung sana kasi, nakisama siyang mabuti sa mga co-actors at sa mga taga-production na nakatrabaho niya dati, eh, di sana, maski paano, maaalala siya kapag may projects o guestings man lang.


Feeling magaling at hindi nakakakilala kasi itong si young star kaya ngayon niya natitikman ang balik ng salitang hindi marunong makisama.


Sayang nga, eh, dahil nagkaroon siya ng boyfriend na feeling niya ay makakatulong sa kanya dahil maski paano ay may kaya ito, pero waley dahil naghiwalay din sila pagkalipas lang ng ilang buwan.

 
 

GUWAPING AT FLAWLESS NA AKTOR, BUKING NA BADING DAHIL SA ITINAYONG NEGOSYONG BEAUTY SALON AT SKIN CLINIC

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 8, 2020



BLIND ITEM:


Nagsasama pa noon ang isang guwaping at flawless na aktor at ang kanyang misis na isa ring aktres, pero may duda na ang mga tao sa kanilang paligid na may itinatagong sikreto ang aktor na galing din sa angkan ng mga artista.


Lihim lang kung pagtsismisan sa showbiz circle ang misteryo dahil maingat na maingat ang aktor at ayaw magpabuking. Mismo ngang misis niya ay hindi naamoy kung ano ang lihim ng pagkatao ng aktor.


Pero, nang magtayo na ng negosyo ang aktor ay doon na nakumpirma ng lahat na berde pala ang dugo niya. Bakit naman hindi maghihinala ang lahat, eh, sa dinami-dami ng negosyong puwedeng pasukin, beauty salon at skin clinic ang itinayo ng aktor?


Yes!!! Sa aktor ang beauty salon at skin clinic at hindi negosyo ng misis niya. Ang aktor mismo ang nagpapalakad nito.


Masyadong banidosa sa kanyang kutis ang aktor. Daig na daig niya ang kanyang misis na aktres sa pag-aalaga ng kutis. Kaya noon pa lang, kahit hindi pa sila naghihiwalay ay naaamoy na ng tao sa kanilang paligid na miyembro ng federacion ang guwapo at flawless na aktor!


Sayang ang aktor dahil hindi na siya nakatagpo ng peace of mind at true happiness kahit pinili na niya ang magpakatotoo at kung ano ang tunay niyang pagkatao. No wonder na bitter na bitter siya sa buhay at nandadamay pa ng ibang tao.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page