top of page
Search
  • BULGAR
  • Sep 18, 2020

BYUTING AKTRES, MALAS SA LALAKI, UNANG LABS, GINAMIT SIYA PARA SA CAREER, SECOND, GUWAPO LANG PERO TAMAD, THIRD IPINAGPALIT SIYA SA IBA

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 18, 2020



BLIND ITEM:


Maganda at sikat ang aktres na bumida na sa mga pelikulang nag-box-office hit. Marami ring kalalakihan ang lihim na nagpapantasya sa kanya, kaya ang akala ng lahat ay makakakuha siya ng karelasyong puwede niyang sandalan at ipagmalaki. Kahit pa pulitiko at milyonaryong businessman, tiyak na maaakit sa kanyang kagandahan.


Pero wala ngang suwerte sa pag-ibig ang magandang aktres dahil lagi na lang siyang nagagamit at niloloko ng mga lalaking minahal niya.


May isang sikat at guwapong aktor na naging super close sa kanya at feeling niya ay mahal din siya. Akala niya ay naghihintay lang ng tamang panahon ang aktor para mauwi sila sa tunay na relasyon. Pero ang ending, pang-showbiz lang pala ang sweetness na ipinakita sa kanya ng guwapong aktor. Mas kumikita kasi ang pelikula nila kapag nababalita na may relasyon na sila at hindi lang screen love team. Hindi pala siya type ng aktor na maging dyowa.


Isa pang guwapo at machong aktor ang naging BF ng magandang aktres. Pormang modelo ang aktor kaya maraming babaeng nagkakagusto sa kanya. Pero, pang-display lang siya, ubod naman nang tamad at walang ambisyon sa buhay. Kapag wala itong project o show, maghapon at magdamag lang na natutulog sa bahay. Ang magandang aktres lang ang todo-kayod. Kaya, sobrang inayawan ng partidos ng aktres ang batugang aktor. Dito nauntog ang magandang aktres at dinispatsa ang user at Juan Tamad niyang BF.


Sumunod na BF ng magandang aktres ay ang kilalang chickboy na aktor na nagpaasa lang sa kanya. Na-take for granted lang ang lahat ng atensiyon at pagmamahal na ibinigay niya sa aktor dahil may iba pala itong GF bukod sa kanya.


At ang masakit pa, ni hindi man lang maayos na nagpaalam ang aktor nang iwan ang magandang aktres. Para lang itong multo na biglang naglaho at hindi man lang nagparamdam. Saka na lang na-realize ng aktres na ipinagpalit na siya sa iba. Kaya masakit man, tinanggap na lang ng magandang aktres ang kanyang kapalaran.

 
 

BYUTING TISAY NA AKTRES, NAUBOS NA NGA NG MADIR ANG DATUNG, WALA PANG CAREER AT MALAS DIN SA LALAKI

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 14, 2020



BLIND ITEM:


Labis na nagtataka ang mga kaibigan, kakilala at tagahanga kung bakit sobrang minalas sa buhay ang byuti at tisay na aktres-TV host na dati-rati ay maganda ang career.


Nu'ng bagu-bago pa lang sa showbiz ang aktres ay marami siyang manliligaw. Pinagpapantasyahan siya ng maraming aktor. Paborito rin siyang kunin na leading lady ng mga action stars. In demand din siya sa mga out of town shows dahil napapanood siya sa isang sikat na youth-oriented show. Marami rin siyang product endorsements kaya mabilis siyang nakabili ng mga properties.


Sobrang istrikto ang parents ng tisay na aktres, lalo ang kanyang nanay na pinagbawalan siyang makipag-boyfriend. Naging masunurin siyang anak kaya nakipaghiwalay sa aktor na una niyang minahal noon.


Kayod-kalabaw ang ginawa ng tisay na aktres. Halos wala na siyang pahinga dahil sa kanya lang umaasa ang kanyang pamilya. Maraming naipundar na properties ang aktres, pero isa-isa ring nawala at hindi maipaliwanag ng kanyang ina ang dahilan.


Ang mommy niya ang humahawak ng kanyang kinikita sa showbiz. Huli na nang malaman ng aktres na wala na ang mga bahay atbp. ari-arian na kanyang naipundar. Wala na siyang sariling bahay at nakikitira na lang ngayon sa kanyang kapatid. Wala na rin siyang career dahil matagal na siyang hindi napapanood sa TV at wala rin siyang pelikula.


Hindi rin siya sinusuportahan ng kanyang ex-husband kaya sumubok ang aktres na balikan ang kanyang career sa 'Pinas. Pero, nataon naman na nagka-Covid pandemic.


Awang-awa sa tisay na aktres ang mga kaibigang artista. Hindi nila akalain na sasapitin niya ang malaking indulto sa buhay. Mabait naman ang aktres at masunuring anak. Hindi lang siya nagkaroon ng lakas ng loob na ipakipaglaban kung ano ang kanyang karapatan. At hinayaan niyang ang kanyang mga magulang ang magpalakad ng kanyang buhay.

 
 

AKTRES NA HIWALAY SA MISTER, BAGETS ACTOR NA CO-STAR SA SERYE AT MAY GF ANG DYOWA, SOBRANG SELOSA KAYA BANTAY-SARADO ANG GUY

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 12, 2020



BLIND ITEM:


Labis na ipinagtataka ng mga kaibigan ng poging young actor kung bakit pa ito nali-link sa mass matanda sa kanyang aktres na kasama niya sa serye. Alam kasi ng mga katropa ng young actor na may non-showbiz GF na siya.


Ayaw lang maging open ng young actor sa kanyang love life dahil baka makaapekto sa kanyang career, pero marami ang nakakahalata na may lihim na silang relasyon ng aktres na ilang taon din ang agwat ng edad sa kanya.


Pareho nilang idinedenay sa media ang kanilang relasyon kapag tinatanong sa kanilang mga interviews at consistent ang aktres sa pagtanggi sa tsismis.


Kung tutuusin, malaya naman na ang aktres na magmahal ng kahit sinong lalaki dahil maayos naman siyang nakipaghiwalay sa dati niyang mister. Dapat pa nga na maging proud ang aktres dahil nakakuha siya ng bata at guwaping na karelasyon.


Sey naman ng mga kaibigan ng guwapong aktor, siguro ay tinukso o natukso lang ito sa aktres dahil madalas silang magkasama sa serye at may mga love scenes pang ginawa. Natural lang sa lalaki ang matukso lalo na kung ang babae na ang nagpapakita ng motibo.


Ang siste, may pagkaselosa raw ang aktres at laging inaalam kung nasaan ang aktor at ano ang mga ginagawa nito. Panay din ang tawag nito sa telepono ng young actor at napakakulit pa raw. Daig pa ng aktres ang guwardiya sibil sa higpit ng pagbabantay.


Good luck na lang sa kanya kung magtatagal ang relasyon nila ng poging young actor.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page