top of page
Search

TISOY NA AKTOR, GINAMIT ANG KAGUWAPUHAN PARA MAGKA-GF NG MADATUNG, INUUTANGAN LANG, INIIWAN DIN

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 30, 2020



BLIND ITEM:


Noong kanyang kabataan at sobrang kasikatan ay mala-Adonis ang kaguwapuhan ng tisoy na aktor. Napakaraming babae ang naghahabol sa kanya noon. Mga sikat na artista ang kanyang nakarelasyon.


Ginamit niyang puhunan ang kanyang pagiging pogi at karisma para makakuha ng mga mayayamang babae na nababaliw sa kanya.


May ilang female stars na nagpabola at nag-ilusyon na true love sila ng guwapong aktor. Todo-regalo ang mga ito ng mga mamahaling gamit.


May drama pa ang poging aktor na may malaki siyang problema at kailangan niya ng malaking pera. Utang ang drama ng aktor sa mga babaeng hinihingan niya ng tulong, pero ang ending ay hindi na niya ito binabayaran at basta na lang naglalaho-nawawala sa buhay ng mga babaeng kanyang inutangan.


At kahit na hindi naman maganda ang babae, basta alam niyang maraming datung at madaling mabola, pinapatulan ng poging aktor.


Ngayon na medyo nagkakaedad na ang bolerong aktor, ganu'n pa rin ang kanyang modus operandi para kumita. Kahit na mga matronang mayayaman ay pinapatulan niya.


Parang ang buhay niya ay sumesentro na lang sa salapi at pagpapayaman. Sobra siyang kuripot kahit marami na siyang naisubi. At talagang sinusulit niya ang panahon na guwapo pa siya at may mga babae pang nabobola.

 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 23, 2020



BLIND ITEM:


Bait-baitan at hindi na masyadong demanding ang isang female celebrity na dati-rati ay sobrang angas at kinaiinisang makatrabaho ng mga production staff.


Sobrang maarte at feeling reyna siya dahil kumita noon ang kanyang mga pelikula. Pero likas na may attitude at akala ay super-sikat na sikat pa siya. May ilusyon pa siya na pag-aagawan siya ng mga movie producers at asset siya ng TV network.


Napakarami pa niyang demands kapag nagteteyping ng kanyang show. Madalas niyang talakan ang mga staff kapag may kapritso siyang hindi agad naibibigay, kaya halos isumpa siya ng mga ito.


Sa totoo lang, ramdam na ng lahat ang pagkupas ng ningning ng career ng female celebrity. Kung hindi lang may isa pa siyang show na napapanood weekly, tiyak na wala nang premium ang kanyang pangalan, lalo na ngayon na hindi pa nakakabangon ang movie industry dahil sa Covid pandemic.


Wala nang mapupuntahan pang iba ang nagkakaedad na female celebrity kapag hindi pa siya nagbago ng ugali. Magdadalawang-isip na ang mga producers na kunin siya dahil balitang-balita na ang pagiging maldita niya at mahirap katrabaho. Tiyak na tuluyan nang mababali ang pakpak ng female celebrity na sobrang mapagmataas.

 
 

DATING SIKAT NA AKTOR, PABAYA SA CAREER, NALAOS, SUPORTADO NA LANG NG RICH NA UTOL

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 22, 2020



BLIND ITEM:


Sumikat nang husto ang isang actor na matinee idol ang porma nu'ng kanyang panahon. Magaling siyang umarte at klik sila ng kanyang ka-love team na isang mahusay na aktres.


May pagka-chickboy at pabling ang aktor kaya hindi nagtatagal ang kanyang pakikipagrelasyon. Pero minahal siya ng isang mabait at matiising aktres. Nagkaroon sila ng mga anak ngunit sadyang lapitin ng tukso ang dating matinee idol.


Nabarkada pa siya sa mga taong bad influence kaya nadiskaril ang direksiyon ng kanyang career. Hindi na rin nakaya ng kanyang misis ang kawalan niya ng direksiyon sa buhay kaya nakipaghiwalay sa kanya.


Ang kanilang mga anak ay nasa poder ng misis niyang aktres. Dahil hindi seryoso sa career, humina ang pagkakakitaan ng dating matinee idol. Halos wala nang kumukuha sa kanya sa telebisyon at pelikula. Pero masuwerte pa rin ang dating sikat na aktor dahil may kapatid siyang richie-richie at ito ngayon ang nagbibigay ng suporta at ayuda sa kanya.


Ang mayamang kapatid ng dating matinee idol ang nagbabayad ng inuupahan niyang bahay at nagbibigay ng panggastos niya buwan-buwan. Kaya 'pag tinatanong siya kung papaano siya nakaka-survive sa gitna ng Covid pandemic na wala siyang trabaho, sinasabi na lang niya na marami siyang mababait at matulunging kaibigan na nagpapadala sa kanya ng ayuda. Madalas din siyang mag-post sa social media ng mga groceries at pagkain na ipinadadala raw sa kanya ng mga kaibigan.


Hindi naman itinatanggi ng dating sikat na aktor ang status niya ngayon. Tanggap niya na hindi na siya sikat at wala siyang naipundar na kabuhayan. Labis lang na nanghihinayang ang kanyang mga kaibigan dahil hindi sinuwerte sa buhay ang dating matinee idol, hindi tulad ng kanyang kapatid na super rich ngayon!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page