top of page
Search

SIKAT NA AKTRES, 'DI MAIWAN ANG ONLINE CHAT KAYA HANGGANG SA CR, DALA-DALA ANG LAPTOP, KITA SA CAMERA

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | October 13, 2020



BLIND ITEM:


Tawang-tawa kami sa kuwento ng aming source na sa gitna ng online chat ng kilalang aktres ay naiihi ito at hindi na niya kayang pigilan kaya ang ginawa ay dala-dala ang laptop hanggang banyo at ipinatong sa kung saan hagip ng camera ang hanggang dibdib kaya kita ang pag-upo sa bowl, pag-aayos nito ng kanyang underwear at paghuhugas ng kamay at pagpunas, saka ulit bumalik sa upuan.

Nagkatawanan ang mga kausap dahil puwede naman daw mag-excuse ang aktres sandali pero hindi niya ginawa.

Ang aktres ay kilala sa pagsasabi nang totoo at kahit na matagal na siya sa showbiz ay hindi pa rin siya showbiz sumagot lalo na 'pag love life ang pinag-uusapan dahil talagang sasabihin niya kung ano ang nasa loob niya.

‘Wag ka nang humingi ng clue, Ateng Janiz, huh? (Siya ba 'yung may krisis na pinagdaraanan ngayon? Charot! — JDN)

 
 
  • BULGAR
  • Oct 5, 2020

MAANGAS NA ACTION STAR, FEELING SUPER-SIKAT, NADAWIT SA ISKANDALO, BIGLANG NANAHIMIK DAHIL ISINUSUKA NG MGA KAPWA ARTISTA

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | October 5, 2020



BLIND ITEM:


Mistulang naputulan ng pakpak ang maangas at masyadong feeling-super-sikat na action star dahil lumamig na ang kanyang career ay nasabit pa siya sa isang anomalya.


Noong kasagsagan ng kanyang kasikatan ay sobra siyang makaporma. Feeling ng action star ay siya na ang pinakasikat sa showbiz. Pati na ang ilang malalaking action stars ay kanyang pinaaandaran, lalo na nang mag-produce na rin siya ng pelikula.


Magaling dumiskarte ang dating sikat na aktor, magaling siyang mambola, kaya nakakakilala ng mga taong may mga koneksiyon sa negosyo at pulitika.


Yumaman at nakapagpundar ng mga properties ang aktor. Marami siyang nakuhang sponsors nang kumandidato siya sa isang mataas na posisyon. Medyo nasilat lang ang aktor nang masabit sa isang anomalya sa transaction ng isang government office kaya biglang nawala at nanahimik. Medyo nagpalamig muna siya kaya nawala sa limelight.


Hindi na aktibo sa kanyang showbiz career ang aktor. May naipon naman siya kaya hindi apektado ng Covid pandemic. Pinakikiramdaman muna niya ang pulso ng showbiz at muli raw niyang babalikan ang kanyang career. At kapag nakapuwesto na ulit ang mga dati niyang kaalyado sa pulitika, tiyak na sasabak siyang muli at lulutang na naman.


Pero, basang-basa na ang kartada ng aktor sa mga dating kasamahan sa showbiz. Nakita na ng lahat ang tunay na kulay niya. Mismong mga naging bahagi ng buhay niya ay ayaw na siyang balikan pa.

 
 

MAGALING NA AKTOR, MAY TOPAK ANG EX-MISIS, BAGONG GF NA AKTRES, MAY SUMPONG AT SARILING MUNDO RIN

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | October 3, 2020



BLIND ITEM:


Kung minalas ang magaling na aktor sa babaeng pinili niyang pakasalan na nauwi rin sa paghihiwalay, marami ang nag-aabang kung liligaya na ba siya sa bago niyang karelasyon ngayon.


Parehong artista ang naugnay sa magaling na aktor. Ang kanyang pinakasalan ay grabe ang topak at may mood swings. Minsan, para itong tupa na ang bait-bait, pero kapag sinumpong naman ay daig pa ang dragon at tigre sa tapang!


Labis na ipinagtataka ng partidos ng magaling na aktor kung ano ang nakita niyang katangian sa kanyang pinakasalan. Kilala na kasi sa showbiz ang aktres na pasaway, matigas ang ulo at may pagka-war freak. Pero dahil mahal nga ng aktor ang sumpunging aktres, natiis niyang pakisamahan ito, hanggang sa naubos na ang pasensiya niya kaya nakipaghiwalay na sa aktres.


Lately, lumutang ang balitang na-in love na naman nang seryoso ang aktor sa isang aktres na may kakaiba ring ugali at sumpong. Ayon sa ilang kaibigan ng aktres na kilala ang kanyang ugali, may panahon daw na may sariling mundo ito at ayaw makipag-usap kahit sa mga taong mahal niya.


Mabait naman at tahimik ang aktres, pero mahirap basahin kung ano ang iniisip at kung ano ang gustong gawin. Minsan, bigla na lang daw itong nagdi-disappearing act at walang nakakaalam kung saan siya nagpupunta.


Kaya naman ngayon pa lang ay nagpupustahan na ang mga kaibigan ng magaling na aktor kung tatagal siya sa aktres na bago niyang karelasyon.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page