top of page
Search

SINGER-HOST, OBYUS NA PROBLEMADO SA LAKI NG UTANG SA MGA BFF DAHIL SA BONGGANG KASAL

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 4, 2020



BLIND ITEM:


Naging paboritong topic sa ilang blind items ang singer-host na may malaking problema sa aspetong pinansiyal.


Noon kasing nagpakasal siya sa magandang nobya ay hindi naman ganu'n kalaki ang kanyang ipon. Pero bonggang kasalan ang gusto ng girl kaya napasubo siya at nangutang sa mga kaibigan sa showbiz.


At hindi pa nga siya nakakapag-umpisang magbayad ay dumale na ang Covid-19 kaya humina at halos wala nang pinagkakitaan ang singer-host. At malaking gastos din nang manganak ang kanyang pretty wife.


Mabuti na lamang at may dumating na offer sa singer/host nang magsara ang malaking network. Pero kahit may bagong show, marami ang nakapansin na hindi na gaanong masaya-masigla ang singer-host kapag nagho-host ng bago niyang show sa nilipatang network.


Kitang-kita sa hitsura niya na may malaki siyang problemang pinapasan sa balikat. Malaki pa ang dapat niyang bayaran sa mga kaibigang nautangan niya.


It seems hindi pa ganap na handa ang singer-host sa malaking responsibilidad ng pagiging padre de familia, lalo na ngayon na hindi na siya gaanong kumikita dahil sa Covid pandemic!

 
 
  • BULGAR
  • Oct 18, 2020

AMBISYOSONG AKTOR, 'DI NAMAN RICH PERO NAKABILI NG MANSIYON SA SUPER EXCLUSIVE SUBDIVISION, KALAT NA MAY 'SPONSOR'

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | October 18, 2020



BLIND ITEM:


Ambisyoso ang isang dating patpating young actor dahil talagang nagsikap at ginawa ang lahat upang makilala at makaahon sa kahirapan.


Dati lang siyang crew sa isang fastfood chain pero na-discover ng isang sikat na talent manager, ipinakilala sa mga movie producers at nabigyan ng break.


Dahil may hitsura ang young actor, sa tulong ng kanyang maimpluwensiyang manager ay sumikat siya nang husto at nagbida sa ilang pelikula. Naitambal siya sa mga sikat na female stars at nakuhang endorser ng iba't ibang produkto.


Nakilala niya ang isang maganda at mayamang commercial model, niligawan at pinakasalan.


Ang dami-daming pangarap sa buhay ng hunk actor. Gusto niyang magkaroon ng mga mamahaling kotse, damit atbp. gamit. Pangarap din niyang tanghalin bilang isang natatanging athlete kaya lahat ng national competition ay kanyang sinasalihan.


Nag-ambisyon din siyang maging pulitiko, kaya kahit ilang beses na siyang talunan sa pagsabak sa pulitika ay hindi siya sumuko. Sumubok ulit siyang kumandidato sa tulong ng partidos ng kanyang mayamang asawa, hanggang sa sinuwerte na siyang makapuwesto sa isang probinsiya sa Visayas.


Biglang nabuhayan ng kumpiyansa ang hunk actor at nagpakitang-gilas. Proud na proud siya sa kanyang achievement.


Pero hindi pa ru'n natatapos ang ambisyon ng hunk actor. Gusto rin niyang magkaroon ng mansion sa isang super exclusive subdivision na para lang sa mga rich and famous. Kahit may malaking bahay na rin siya sa isang sosyal na village, pangarap pa rin niya ang makatira sa lugar ng mga sikat at lehitimong mayayamang pamilya sa 'Pinas!


At talagang walang ginusto ang hunk actor na hindi niya nakukuha! Kaya, takang-taka ang kanyang mga kaibigan at co-actors kung saan siya kumuha ng ipinambili sa bago niyang bahay ganu'ng hindi naman malaki ang kanyang suweldo sa kanyang posisyon ngayon. May sponsor daw kaya ang hunk actor?


At aamin ba naman siya?

 
 

SINGER-ACTRESS AT GUWAPONG DRAMATIC ACTOR, NAGKASAMA LANG SA EVENT, NAG-ONE-NIGHT STAND NA

ni Beth Gelena - @Sheet Matters | October 14, 2020



BLIND ITEM:


Isang singer ang naka-one-night stand ng sikat na dramatic actor (DA). Ayon sa kuwento ng nakakakilala sa kanya, nasa isang event daw pareho ang singer at dramatic actor.

Nu'ng magpapaalam na raw ang singer na actress din ay binulungan daw siya ni DA na 'wag munang umalis.


Nagpapigil naman si sexy singer. After ng event ay doon na may nangyari sa dalawang sikat na celebrities.


Kaya naman pala, type rin ni singer-actress ang nasabing guwapong DA. Ang ugali raw kasi ng singer na ito, kapag type ang lalaki ay siya ang nagtatrabaho.


Hmmm… how's disgusting naman. Sa ngayon, si DA ay may sarili nang pamilya. Si singer naman ay may dalawa na ring anak.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page