top of page
Search

SEKSING AKTRES, SYUNGA SA PAG-IBIG, TODO-REGALO AT LAGING TAYA SA DATE NILA NG BF NA 'DI NAMAN SIKAT AT MAHILIG SA LIBRE

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | March 3, 2021



Blind item:


Mabait, disente at hopeless romantic ang isang maganda at seksing aktres. Maraming guys ang nagkakagusto sa kanya dahil maganda na, malakas pa ang sex appeal.


Napaka-wholesome rin ng image niya. Karespe-respeto ang magandang aktres at hindi cheap. May breeding kasi kaya classy.


Ang tanging setback lang ng magandang aktres ay ang sobra niyang pagiging naive at ang mabilis na pagtitiwala sa kanyang karelasyon. Siya ang tipo ng babaeng madaling ma-in love at mabola. Kaya naman, madalas ay nasasaktan at tine-take for granted siya ng kanyang mga nagiging boyfriend.


Sa halip kasi na ang aktres ang magmalaki at maging spoiled sa kanyang karelasyon, siya pa ang nagagamit at sunud-sunuran sa lalaki. Todo-regalo siya sa BF at siya ang madalas na gumagastos sa kanilang date at lakad.


Tulad ng nangyari sa isa niyang BF na hindi na nga guwapo, hindi pa rin stable ang kabuhayan. Maraming kaibigan ng sexy actress ang nagtataka kung bakit nito nagustuhan ang aktor na hindi naman gaanong sikat at puro patawa lang.


Mabuti na lang at agad naumpog at natauhan ang sexy actress kaya kumalas na sa BF na actor na walang future at mahilig lang sa regalo at libreng date.


Nang makatagpo naman ang sexy actress ng guwapong hunk actor, akala ng lahat ay sa kasalan na mauuwi ang kanilang relasyon. But sad to say, not the marrying type ang hunk actor kaya naghiwalay din sila after one year.

 
 

BABAERONG HUNK ACTOR, ‘DI MA-TAKE NA SUPER RICH ANG IPINALIT NG EX-GF KAYA TODO-DISPLEY SA SEXY STAR NA BAGO NIYA

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | March 1, 2021



Blind item:


Hanggang saan at hanggang kailan kaya ang ginagawang palabas ng isang hunk actor na markadong babaero?


Nang mag-break sila ng isang maganda at sexy actress ay agad-agad kumuha ang hunk actor ng babae na ipinalit sa ex-GF.


Todo-post din siya sa social media ng kanilang mga happenings ng bago niyang GF.

Gustung-gusto ni hunk actor na idinidispley ang sexy star na bago niyang karelasyon. Ayaw niyang isipin ng publiko na apektado siya sa paghihiwalay nila ng ex-GF na sexy actress.


Panay-panay din ang pa-party sa kanyang bahay kasama ang bago niyang babae at mga kaibigan. Madalas din silang mag-road trip para ipaalam sa buong mundo na ang saya-saya ng buhay niya ngayon.


Pero iba ang nakikita ng mga showbiz observers sa mga ikinikilos ng hunk actor. Hindi raw totoong masaya siya sa kanyang ginagawa. Panandalian lang ang kanyang kaligayahan. Fake ang lahat ng kanyang ipinakikita sa publiko.


Cover up lang niya ang lahat dahil hindi matanggap ng hunk actor na nakatagpo siya ng babaeng hindi niya kayang paikutin at hindi sunud-sunuran sa kanya tulad ng mga nauna niyang nakarelasyon.


Masyado ring nasaktan ang amor propio ng aktor dahil ang ex-GF na aktres ang unang nakipagkalas sa kanya at ang mas masakit pa, mas mayaman sa kanya ang bagong manliligaw nito.


Mas marami ring kakampi na nakisimpatya sa magandang aktres at siya ang negang-nega ngayon.

 
 

PLAYBOY NA AKTOR, GUSTONG KINAIINGGITAN KAYA GINAGAWANG TROPHY ANG MGA GF, PINAGSASABAY-SABAY


Between "maybe" o "yes"… yes talaga!

BABAERONG AKTOR, 'DI PA RIN HAPI SA GF NGAYON, SUMA-SIDELINE PA SA IBA

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | February 23, 2021



Blind item:


Likas na ang pagiging babaero at mapaglaro sa pag-ibig ng isang tisoy na hunk actor. Lahat ng kinukursunada niyang female stars sa kanyang network ay nakukuha niya at nagiging GF.


Mula sa isang young actress na ipinareha sa kanya noong nag-uumpisa pa lang siya hanggang sa mga mas sikat at mas magagandang nakasama niya sa kanyang home studio ay napaibig niya.


Ang husay-husay naman kasing magpa-cute at dumiskarte ng guwapo at tisoy na hunk actor. Hindi nararamdaman ng kanyang mga nagiging GF na ginagamit lang sila at ginagawang trophy.


Gusto niyang siya ay kainggitan ng kapwa niya aktor dahil nakukuha niya ang magagandang aktres sa kanilang network.


Paano namang hindi mai-in love ang mga babae sa hunk actor, eh, idinadaan muna kasi niya sa mga regalo at pa-flowers ang kursunadang actress? Pa-impress ang kanyang drama dahil bongga ang setup sa mga unang araw ng kanyang pakikipag-date. Mistula siyang isang prince charming at knight in shining armor ang kanyang galawan habang nanunuyo at hindi pa nakukuha ang tiwala ng female star na gusto niyang jowain.


Pero kapag hulog na hulog na ang loob ng babae sa kanya, doon na makikita ang tunay na kulay ng aktor, tulad na lang ng ginawa niya sa kanyang dating ka-love team na sobrang na-in love sa kanya. Todo-regalo ang young actress ng mga mamahaling gamit at halos sunod-sunuran na lang sa hunk actor. Pero, iniwan pa rin dahil may bagong nakursunadahang aktres na kasama rin nila sa network.


Hindi rin naman nagtagal ang babaerong aktor at bago niyang love interest. May nabola na naman siyang isang maganda at magaling umarteng aktres. Muli, napaikot na naman ng chickboy na hunk actor ang bagong GF. Walang kamalay-malay ang magandang aktres na may milagrong ginagawa ang hunk actor nang makapareha sa pelikula ang isang kontrobersiyal na young actress.


Alam na halos sa buong showbiz ang lihim ng tisoy na hunk actor, pero walang kamalay-malay ang maganda at magaling na aktres na naagaw na sa kanya ang playboy niyang BF.


Ngayon, may bulong-bulungan naman na patuloy pa rin sa paghahanap ng mabibiktima ang babaerong hunk actor. Suma-sideline pa rin siya kapag may mga babaeng nagpaparamdam sa kanya.


Ingat lang dapat ang hunk actor dahil 'pag nahuli siya ng kontrobersiyal na young actress, tiyak na tapos na ang kanilang relasyon. Hindi siya panghihinayangang bitawan ng young actress.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page