top of page
Search

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | March 11, 2021



BLIND ITEM:


Kasamang aktres sa isang teleserye ang dahilan kung bakit naghiwalay na ang baguhang aktor at girlfriend niyang aktres din na hindi masyadong aktibo ngayon.


Ayon sa tsika sa amin ay naging malapit sa isa’t isa ang baguhang aktor at kasamahang aktres sa serye dahil sa locked-in tapings na aminado naman ang lahat na nakakaburyong dahil hindi mo nakikita ang mga mahal mo sa buhay, lalo na kung pamilyadong tao ka.


Si baguhang aktor at ang girlfriend niyang aktres ay laging nagkakaroon ng pagtatalo dahil kapag tapos na ang tapings ay mas gusto pa ng una na makipagkuwentuhan sa kasamahang aktres gayung tawag nang tawag ang kasintahan nito.


Laging sinasabi ng baguhang aktor ay hindi pa sila tapos at kung anu-anong dahilan nito. At kapag nagkausap naman daw sila ng girlfriend niya ay parang laging nagmamadali na hindi naman ganu'n dati, ayon sa taong malapit sa aktres.


Nabanggit na may duda na noon pa ang girlfriend ng baguhang aktor, pero dinededma niya hanggang sa napatunayan niya, na hindi naman binanggit ng taong kausap namin kung paano.


Anyway, kung tama ang bilang namin ay halos 2 years din ang relasyon ng baguhang aktor sa kasintahan niyang aktres.

 
 
  • BULGAR
  • Mar 9, 2021

SIKAT NA MALE CELEB, BINUHAY NG EX NU'NG WALANG-WALA PA, NGAYONG RICH NA, BUMAWI, TODO-BIGAY NG DATUNG SA GIRL

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | March 9, 2021



Blind item:


Umaapaw ang suwerte ngayon ng isang sikat na male celebrity. Napakarami na niyang naipundar na properties na mula sa kinita niya sa kanyang mga shows. Ang bilis-bilis ng pasok ng pera sa buhay niya.


Nakuha niya sa tamang timing ang kanyang pagsikat sa telebisyon. Ang lakas-lakas ng kanyang show na napapanood araw-araw. Kahit na walang sikat na artista na nagpe-perform sa kanyang show ay tinututukan pa rin ito ng mga viewers.


Araw-araw kasing namimigay ng cash gift ang male celeb. Daig pa ang nakakuha ng SAP at 4Ps kapag natawagan niya.


Sa dami ng assets at ari-arian ng sikat na male celebrity, kahit lifetime na siyang magpahinga at hindi magtrabaho ay mamumuhay pa rin siyang masagana at marangya. Sobra-sobra na rin sa kanyang mga anak ang naipon niya.


Naalala tuloy ng isang taong malapit sa sikat na male celeb noong walang-wala pa siya sa buhay, walang trabaho, walang career at walang bahay. Pero, nakapangasawa siya ng babaeng mabait at mahal na mahal siya. Tinanggap at tinulungan siya nitong makabangon.


Pati sa aspetong pinansiyal ay suportado rin siya ng dating karelasyon. Ipinag-produce pa ang male celeb ng isang sitcom.


Bagama't nagkahiwalay din sila, hinding-hindi makakalimutan ng sikat na male celeb ang kanyang first wife na masaya ang buhay sa ibang bansa.


Ngayong super rich na ang sikat na male celeb, sa tuwing nagbabakasyon sa 'Pinas ang ex niya ay pinadadalhan niya ng regalong cash gift bilang pagtanaw ng utang na loob.


Minahal ni male celebrity ang babaeng tinanggap siya nang buong-buo noong siya ay kapos pa sa buhay at walang career na maipagmamalaki.

 
 
  • BULGAR
  • Mar 8, 2021

DATING CHILD ACTOR NA PILYO, PASAWAY AT SAKIT NG ULO, NANALO LANG SA PULITIKA DAHIL SA DAMI NG FANS NG MADIR

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | March 8, 2021



Blind item:


Marami ang natutuwa sa total transformation na nangyari sa isang dating child actor na noon ay sobrang kulit, pilyo, pasaway, bratty at sakit ng ulo ng kanyang mga magulang.


Mahal na mahal kasi ng kanyang daddy na isang sikat na comedian ang dating child actor at lahat ng gusto nito ay sinusunod at pinagbibigyan.


Labis na kinaiinggitan ng iba niyang kapatid ang child actor. Lagi pa itong isinasama sa mga pelikula ng kanyang daddy kaya bata pa ay may sarili nang pera sa bangko at nakapagpundar ng ari-arian.


Nang magbinata at nag-mature na ang dating sikat na child actor ay hindi na ito gaanong pasaway at bratty lalo na nang magkaroon ng posisyon sa isang siyudad at naging public servant. Naging responsable na ito at nagkaroon ng goal sa buhay.


Malaking tulong sa political career ng dating child actor ang kanyang magandang mommy na dati ring artista. Mabait at champion ang PR ng kanyang mommy at ito ang matiyagang nag-house-to-house para ikampanya ang dating child actor.


Sa dami ng mga fans at supporters ng dating aktres, nakalusot at nanalo ang dating child actor sa posisyong gusto niya. Sa tulong at guidance ng maganda at mabait na aktres, naging maayos ang takbo ng political career ng dating pasaway na child actor at ngayon ay isa nang respetadong public servant.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page