top of page
Search

TV HOST-ACTRESS AT BAGUHANG AKTOR, COVID POSITIVE, NAKA-QUARANTINE

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | March 15, 2021



BLIND ITEM:


Nagulat kami sa tsikang TV host-actress at kasamang baguhang aktor ang kasalukuyang naka-quarantine dahil nagpositibo sa Covid-19. Paano nangyari?


Ang balita ay dumaan naman lahat sa swab test pero hindi hinintay ang resulta at itinuloy ang taping na isa pala sa mga na-swab ay nagpositibo.


Kaya, kuwentuhan daw ito sa buong production at bakit hinayaang mag-taping nang wala pang resulta?


Oo nga? Knowing na napakahigpit ng production ng network na ito, paano lumusot at ano ang gagawin ng management sa mga artistang lumabag sa health protocol?

 
 

SIKAT NA SINGER, INAPI ANG INA NU'NG BUHAY PA, NAKARMA, WA' NA CAREER, LILIPAD NA PA-TATE

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | March 14, 2021



Blind item:


Depressed na depressed ngayon ang isang singer dahil nawalan na siya ng career simula nang mag-lockdown.


Kung dati-rati ay kumikita siya nang malaki sa kanyang mga shows at TV guestings, biglang nagbago ang lahat nang magkaroon ng pandemya sanhi ng COVID-19. At nataon pa na nagkasakit at naospital ang kanyang mister.


Naranasan din ng singer na siya ang gumawa ng lahat ng gawaing-bahay dahil nawalan siya ng mga kasambahay.


Dahil sa hindi nakayanang hirap at kakapusang pinansiyal, nagdesisyon ang singer at ang kanyang mister na bumalik na lang sa Amerika upang doon maghanap ng trabaho. Naibenta nila ang isa nilang property upang may magamit silang pamasahe, pang-upa ng bahay at panggastos habang hindi pa sila nakakahanap ng trabaho.


May ilang kaibigan din ang nagbigay ng tulong lalo na noong nasa ospital ang mister ng singer.


Lungkot na lungkot ngayon ang singer at hindi niya inakala na daranas sila ng matinding hirap at pagsubok.


May mga naging reaction naman ang mga kakilala at dating kaibigan ng nanay ng singer. Noon daw kasing nabubuhay pa ang kanyang inang komedyana, hindi naging maganda ang trato rito ng singer. Wala raw itong respeto sa kanyang inang nagpalaki at nag-alaga sa kanya, lalo na nang sumikat na rin siya. Kaya raw ngayon ay binabalikan na siya ng karma.


Bukod dito, wala rin siyang utang na loob sa network na unang nagtiwala at nagbigay sa kanya ng magagandang shows at exposure. Nang lumipat kasi ng network ang kanyang BFF na sikat na singer ay sumunod din siya at nilayasan ang network na unang nagbigay sa kanya ng break.


Feeling niya kasi ay makaka-level na rin siya ng mga sikat na singers sa nilipatang network. Pero, nagkaproblema ang network at tuluyang naipasara. Kaya, nganga na rin ang career niya ngayon.


Kaaawaan ba siya ng mga kaibigan ng kanyang ina na inapi niya noon? Siguro, ngayon mari- realize ng singer na totoong walang forever. May katapusan ang lahat ng bagay. Hindi na maibabalik pa ang dating ningning ng kanyang pangalan.

 
 

SUPER-KURIPOT NA AKTOR, BIGLANG NAGPAKAIN SA MGA CO-STARS, NAMIGAY PA NG T-SHIRT NA MAY TITLE NG SHOW NIYA

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | March 13, 2021



Blind item:


May himala raw na nagaganap ngayon sa buhay ng isang sikat na male celebrity na mula't sapul ay nakilalang kuripot at napakahigpit sa pera.


Kung bansagan nga siya ng kanyang mga co-artists ay “inuyat” dahil pati sarili ay tinitipid. Segurista rin ang male celebrity dahil hindi siya basta gumagastos kung hindi rin lang importante.


Kahit nasa set ng teyping o shooting, hindi maaasahan na mag-aambag siya kapag nagpapabili ng pagkain sa labas ang kanyang mga co-stars.


Hindi rin siya ang tipo na pala-bigay ng regalo sa mga kaibigan dahil sanay siya sa libre at bigay lang.


Marami nang naipundar na properties ang male celebrity dahil sa sobra niyang kakuriputan. Sanay na sanay na sa kanyang ugali ang kanyang mga kaibigan at kasamahan sa trabaho.


Pero, isang araw ay nagimbal ang lahat dahil isang malaking pagbabago ang nangyari sa male celebrity. Mistulang may himala dahil ang sobrang kuring na aktor ay nagdadala na sa set ng pagkain at isine-share niya ito sa lahat.


Panay din ang luto niya sa locked-in taping ng bago niyang serye at ipinakakain sa kanyang mga co-stars.


At nagpagawa pa ang male celebrity ng mga t-shirts na nakalagay ang title ng kanyang serye at ipinamigay sa cast.


Kaya ang tanong ng marami, ano kaya ang dahilan kung bakit biglang-bigla ay naging galante ang dating kuripot na aktor?


At wish naman ng iba, sana, tuluy-tuloy na ang pagbabagong ito ng aktor para tuluyan nang mabura ang image niyang inuyat.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page