top of page
Search

ni Reggee Bonoan - @Teka Nga! | January 21, 2022



Blind item:


Sa panahon ng pandemya na walang masyadong project ay may mga kakilala kaming artista na nangangatok sa mga kakilalang producer at direktor na sana ay maisama sila kapag may bagong show o project na gagawin.


Maliban na lang sa mga superstar o super-sikat na talaga dahil ang trabaho na ang mismong lumalapit sa kanila, kahit pa katatapos lang nila ng isang proyekto.


Perfect example rito si Jodi Santamaria na pagkatapos ng seryeng Ang Sa Iyo ay Akin ay siya ang napiling gumanap na Dra. Jill Ilustre sa The Broken Marriage Vow na mapapanood na sa Lunes, Enero 24.


Ang bida sa aming blind item ay isang aktor na bilang na nga lang ang proyektong dumarating sa kanya ay namimili pa dahil hindi niya type ang maging suporta lang.


Inalok ang aktor na maging second lead sa bida pero tumanggi siya dahil ang katwiran niya ay nagbida na siya at hindi na puwedeng bumaba sa level na lead role.


Naloka ang producer at direktor na ang tanging sagot lang ay, “NOTED!”


Ito naman kasing si aktor, wala na ngang regular na trabaho at wala rin kaming alam na may negosyo siya para sana may pagkunan ng gastusin sa araw-araw, eh, namimili pa.


Ilang beses na nga siyang naba-blind item na kailangan daw niya ng trabaho base sa mga kaibigan niya, pero namimili naman ng role. Dapat daw ay bida siya.


“Bida pala lagi ang gusto niya, sana, inaayos niya ang pag-arte niya para hindi siya nawawalan ng project. Minsan lang naman siya nakatikim ng lead role, ah?” sabi ng nakatsikahan naming artista rin na naka-work niya.


Oh, well, may ganu’n talaga, para sa profile na 'pag tiningnan, eh, pang-leading man siya.


 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | January 19, 2022



Blind item:


Kung sa pinansiyal na aspeto ay masasabing umaapaw ang suwerte ng isang female celebrity.


Galing siya sa buena familia kaya nasusunod lahat ang gusto niyang bilhin at hindi siya nakaranas ng hirap.


Puro branded ang kanyang mga gamit. Magaganda ang kanyang mga bahay na tinitirhan.


Nakakabiyahe siya sa kahit saang panig ng mundo anumang oras na gusto niya.


At dahil sikat, marami siyang malalaking product endorsements. Naabot ng female celebrity ang peak ng kanyang career dahil nagkaroon siya ng sariling show. Naging makulay din ang kanyang mga naging karanasan sa pag-ibig. Pero, sad to say, laging nauuwi sa paghihiwalay.


Sabi nga, ang lahat ay may katapusan, may hangganan. Nawala ang programa ng sikat na female personality. Hindi na siya nakabalik pang muli sa telebisyon. Tuluyang nawala ang kanyang korona. At pati na ang kanyang love life ay minalas din.


Sobra siyang magmahal pero lagi siyang nabibigo. Ang huling lalaki na nagmahal at nag-alok ng kasal sa kanya ay umurong na rin at sumuko.


At this point of her life, hindi masasabing asset ang female celebrity. Isa na siyang malaking liability at pabigat sa kanyang makakarelasyon, kaya walang nagtatagal sa kanya.


Kung kailan pa naman niya kailangan ng damay at moral support ngayon, saka naman ipinagkait sa kanya.


Ganunpaman, tanggap naman ng female celebrity ang kanyang kapalaran at ipinagpapasa-Diyos na lang niya ang lahat.


 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | January 15, 2022



Blind item:


Sumobra raw ang ilusyon ng isang dating sikat na singer-actress.


Matagal-tagal din siyang nawala sa sirkulasyon. Wala siyang show o concert at walang bagong kanta na sumikat. Hindi naman siya lumalabas sa telebisyon o pelikula at halos limot na ng karamihan ang kanyang pangalan.


Hindi kasi siya nagmarka sa publiko noong pumasok siya sa showbiz kaya hindi siya naging kawalan, lalo na't maraming artista ang nagsulputan na mas bata at mas talented.


Pero, may ilan siyang kaanak na aktibung-aktibo pa rin sa showbiz at regular na napapanood sa telebisyon. Halos kasing-edad din ng singer-actress ang mga ito.


Kaya naman isang TV executive ng malaking network ang nakaisip na isama siya sa cast ng bagong serye. Pero sa halip na ma-excite at matuwa ang hindi na sikat na singer-actress, medyo nag-alangan pa na tanggapin ang offer sa kanya dahil hindi siya ang bida sa serye kundi kontrabida ang kanyang role.


Isa pang dahilan ng singer-actress ay 'yung mga eksenang kailangan niyang gawin sa serye. Sa tagal daw kasi niya sa showbiz ay never pa siyang gumawa ng love scene.


Wow! At her age na may anak na nga siya ay choosy pa talaga ang laos nang singer?


Feeling like a virgin ang drama niya sa buhay. At ang ilusyon niya ay marami pa siyang fans na excited na siya ay mapanood sa TV, may ganern???


Anak ng… Teteng! Sarap ipako sa krus, ha?!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page