top of page
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 21, 2022



ree

BLIND ITEM:


MAY kasabihan na “Walang lihim na ‘di sumisingaw…” ay, nabubunyag pala, chos!


Kaya naman kahit dekada na ang binilang ng umiikot na kuwentong minsan din palang naging pa-booking ang isang dating beauty queen sa mga rich businessman, eh, nahalukay na naman ito sa pagkakatago sa baul.


Isang source ang nakapagbulong sa amin na isang doctor umano ng sikat na beauty clinic ang nag-Marites sa kanya na nai-take home raw for one night ng businessman na may-ari ng isang sikat na tindahan ng inihaw na manok ang naturang beauty queen.


Kabataan days ‘yun ng beauty queen at katatapos pa lang sumali sa isang beauty pageant.


At dahil fresh pa nga at height ng kasikatan ng beauty queen, P100 K lang naman ang naging asking price nito sa negosyante na agad-agad namang kumagat sa presyo at walang tawad-tawad, ha?


Take note, napakalaking halaga na ng P100 K that time dahil mga dalawang dekada na po ang nakalilipas nang mangyari ang ‘isang gabing milagro’ ng beauty queen.


Well, ewan lang namin kung nalaman ng aktor na mister ng beauty queen ang kanyang ‘skeleton in the closet’ at kumbaga, mahal lang talaga siya kaya siya tinanggap.


Wa’ na kami give ng clue dahil tahimik na ang buhay nila. Nai-Marites lang naman kasi sa amin ng aming source na kating-kati ang dila kapag ‘di nakapag-chika.


Hahaha!







 
 

ni Janiz Navida - @Showbiz Special | February 28, 2022



Blind item:


May kasabihan na kapag mahal mo, kahit ano pa siya, tanggap mo.


So, klaro na sa amin ngayon na hindi talaga totoong mahal o minahal ng guwapong aktor ang byuti pero medyo chubby niyang girlfriend na sikat na aktres.


Nakarating sa amin ang kuwento na nu’ng magkarelasyon pa ang dalawa at nagsasama sa iisang bubong (yes, nag-live-in sila, never lang umamin), araw-araw daw tinitimbang ng aktor ang GF na aktres at pilit na pinagdidiyeta.


Kapag tinimbang ng aktor ang GF at hindi pumasa sa kanyang desired weight, ang linya niya rito, “You’re fat!”


Ouch, devah? Be a gentleman naman sana… kahit konti lang, charot!


Tsika pa ng aming source, ang weakness daw kasi talaga ng aktor ay ‘yung mga skinny type.


No wonder na natukso siya sa ipinalit niya sa kanyang girlfriend, pero sana lang ay tumagal sila ng young actress na ang nipis ng katawan.


Kaya for sure, magiging weight and body conscious ang young actress na GF ngayon ng guwapong aktor or else, tiyak na iiwanan din siya ng kanyang BF.


 
 

ni Janiz Navida - @Showbiz Special | February 27, 2022



Blind item:


Napa-"Woooow!" at "Sana all" na lang kami sa kuwento ng aming source tungkol sa sikat na aktres na hindi naman kilalang mahilig sa material na bagay, lalo na sa mga branded stuff, pero hello… may kabonggahan din palang taglay, ha?!


Nakarating sa amin ang kuwento na minsang mag-shopping ang aktres at pumunta sa isang boutique ng mga branded bags at alahas, aba, in cold cash, binayaran daw nito nang tumataginting na P14 milyon ang nagustuhang Louis Vuitton bag at iba pang alahas!


Ooooh, devah, mayaman si Mama!!!


Nawindang siguro 'yung cashier ng boutique dahil hindi na idinaan ng aktres sa tseke ang kanyang bayad, ora mismo, paysung na siya!


Well, sa laki naman siguro ng kinikita ng aktres dahil kahit pandemic at nasa bahay lang ay may show siya, eh, can afford na talaga siya.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page