top of page
Search

ni Janiz Navida - @Showbiz Special | November 8, 2022


BLIND ITEM:


Awang-awa ang ilang taga-showbiz sa maganda at sikat na aktres dahil parang may 'sinusitis' ito at hindi maamoy ang tunay na gender ng boyfriend na guwapong aktor.


Usap-usapan na ng ilang showbiz insiders ang nakaraan ng guwapong aktor na naging dyowa raw ng bigtime businessman kaya kahit 'di naman super-sikat at wala ring gaanong shows, movies at endorsements, can afford itong sabayan ang bonggang lifestyle ng GF na aktres.


Pasyal dito, pasyal doon ang drama ng dalawa at bongga rin itong magregalo sa GF.


Meron na rin daw itong mga naipundar na negosyo na courtesy ng kanyang yayamaning ex na businessman.


Naku, kung true ang chikang ito ng mga showbiz insiders, kawawa naman ang aktres. Kaya siguro hanggang ngayon, 'di pa nagpo-propose ng kasal ang kanyang BF.


 
 

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | November 1, 2022


ree

BLIND ITEM:


Nagtataka ang mga taga-production sa sikat na aktor dahil kapag ang topic sa kuwentuhan ay tungkol sa mga gays, talagang nakikinig siya nang husto at nakikitawa.


May gay actor kasing kasama sa isinu-shoot na movie kung saan kasama rin ang sikat na aktor kaya naka-locked-in sila.


Kapag maaga raw silang natatapos sa shoot ay mega-tsikahan bago nagpapasukan sa kani-kanilang kuwarto.


Marami kasing kuwento ang gay actor sa mga taga-prod na tsika na rin niya kaya ang ingay-ingay nila at si sikat na aktor, talagang mega-babad din sa kuwentuhan kahit wala naman mai-contribute, nakikitawa lang.


Kaya napapatingin nang palihim ang mga taga-prod at gay actor sa kanya dahil bakit nasa umpukan siya, eh, kuwentuhan 'yun ng mga bakla?


Hanggang madaling-araw na ay nandoon pa rin ang sikat na aktor at saka lang ito pumasok sa kuwarto niya nang magpaalaman na ang lahat.


Kinabukasan ay nakita nilang ang saya-saya ng aura ng sikat na aktor at nagyayang mag-inuman kapag day-off nila. At dahil libre kaya umoo naman ang mga inimbita.


Walang sinasabi o inaamin ang sikat na aktor pero pansin nila na pumipilantik ang kamay nito pero halatang kinokontrol pa dahil aware pa rin ito sa estado niya.


Hanggang sa natapos ang shooting ng movie ay wala pa rin silang narinig na pag-amin sa sikat na aktor. Wish na lang ng mga naka-work nito ay dumating ang araw na palayain niya ang nararamdaman para hindi siya nahihirapan dahil nakakaapekto ito sa kanyang mental health.


Nakadagdag-duda pa ay walang nababalitang jowang babae ang sikat na aktor, pero may nabalitang naging close siya sa male social media influencer.


 
 

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | October 16, 2022


ree

BLIND ITEM:


Dahil sa sobrang nipis ng built ng katawan ng kilalang aktor ay pinagtatawanan siya ng mga co-actors niya sa TV series na isinu-shoot nila dahil may pagka-action ito.


May mga action series nang nagawa ang kilalang aktor at kasama nga niya noon ang mga sikat na aktor din na humataw sa ratings game, pero kasi noon ay malaman pa siya kumpara ngayon na sobrang nipis, pero may abs kaya nga proud siyang i-post ang mga larawan niya sa kanyang social media accounts na dahilan din kaya siya nakuhang endorser ng kilalang underwear brand.


Pinagtatawanan ang kilalang aktor dahil may eksenang babaril at tatakbo siya pero bigla siyang nasagi ng batang aktor na ikinatumba niya na hindi dapat. Sabi, nawalan siya ng balanse.


Pero imbes na mapahiya o magalit ang kilalang aktor ay tawang-tawa rin siya sa nangyari sa kanya kaya gusto siya ng mga co-actors niya dahil hindi siya pikon.


In fairness, ilang beses na naming nakapanayam ang kilalang aktor at lagi lang siyang nakangiti at hindi napipikon sa mga tanong sa kanya. Higit sa lahat, wala kaming naramdamang ere kumpara sa kapatid niyang pikon.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page