top of page
Search

ni Ambet Nabus @Let's See | May 19, 2023



Blind item:


Nakakaloka pala ang nangyari sa isang hunk actor na noon pa napapabalitang nagpapa-booking sa mga mayayamang bading at cougars.


Noon palang may nangyaring mga delays at cancellations ng flights kamakailan, dapat ay may booking ito sa isang tagong lugar sa South.


At dahil hindi nga ito natuloy, hindi na rin nito ini-refund ang down payment ng nagpa-book sa kanya. Besides, ganu'n naman daw talaga ang kalakaran.


Ang nakakaloka, sa nasabing pag-istambay niya sa airport habang waiting sa posible pang flight ay nakita raw nito ang isang female dancer na madalas niyang nakakatrabaho.


Maganda, petite at sexy si dancer na dapat ay magbabakasyon din pala somewhere. At dahil pareho silang feeling nasasayangan sa pag-istambay sa airport, minabuti raw ng mga ito na pumunta sa kalapit na hotel.


Nakasabay pa nila ang mga sources nating minabuting mag-check-in din sa same hotel kesa matulog sa airport.


Ayun nga raw, nakita nilang magkasabay nag-merienda, nagkuwentuhan at nagpatay-oras ang dalawa hanggang sa pareho raw itong nawala sa kanilang mga paningin.


The next thing daw na nakita ang mga ito ng mga sources natin ay nu'ng sabay na lumabas mula sa isang private room the following day na.


Simpleng kaso nga ito ng pa-booking na nag-booking, 'di ba, mga ka-BULGAR?


 
 

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | May 15, 2023


ree

BLIND ITEM:


Sa kawalan ng mga regular projects ay rumaraket bilang events coordinator ang sikat at mabait na aktres na kilala rin sa larangang ito.


Ito ang press release niya na kapag wala siya sa harap ng kamera ay kailangan niya ng ibang sideline dahil siya ang breadwinner ng kanyang pamilya.


Heto na ang kuwento, itong si so-so actor ay may ipinakitang listahan ng mga female stars na puwedeng maging tourist guide ng mga kilalang negosyante na gustong mamasyal sa ibang bansa.


Nagulat ang katsika naming aktor dahil nasa listahan ang sikat at mabait na aktres na ang drama ay events coordinator siya, na puwede nga naman dahil sinasamahan niya ang kanyang mga clients sa pamamasyal which makes sense, pero may kakaibang raket palang escort service.


Doon lang nagbalik-tanaw ang katsika naming aktor na kaya pala kahit walang regular projects ang kilala at mabait na aktres ay well-provided nito ang kanyang pamilya at may sarili silang magandang bahay.


Well, saludo pa rin kami sa sikat at mabait na aktres dahil pinaghihirapan naman niya kung anuman ang kanyang kinikita at wala siyang tinatapakang tao.


 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 12, 2022



BLIND ITEM:


Tawang-tawa kami habang ikinukuwento sa amin ng friend naming gay manager kung paano nairita at nabuwisit sa kanya ang super-selosang beauty queen-actress na girlfriend ng guwapong aktor.


Kuwento ni gay manager, grabe kung hawakan sa leeg ni beauty queen ang dyowa. Pati ang cellphone ng guy, 'di nakakaligtas sa kanya at binabasa niya talaga ang mga nagte-text dito.


One time, nabasa ni beauty queen-actress ang mga mensahe ni gay manager sa kanyang alagang guwapong aktor.


Du'n nabuking ng beauty queen na may relasyon si gay manager at ang BF niya kaya tinext niya ang manager gamit ang cellphone ng BF para sabihing siya ang mahal na mahal ng aktor at hindi ang gay manager.


Sa galit naman ni gay manager, tinawag niyang negra at retokada ang beauty queen.


Bagama't totoo naman, ikinagalit din ito nang bongga ng beauty queen nang marinig niya ang sinabi ng gay manager kaya nag-away sila.


Hahaha! 'Kalokah!


Dahil love na love ni gay manager ang kanyang guwapong alaga, siya na ang nag-give way. After all, there are many fishes in the ocean!


Ipinaubaya na niya sa tinawag niyang 'negra at retokadang' beauty queen ang kanyang favorite na guwapong aktor.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page