top of page
Search

ni Mylene Alfonso / Jeff Tumbado | May 26, 2023



ree

Naghain ng kasong kriminal ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DOJ) laban sa mga mangangalakal ng sigarilyo dahil sa ilegal na pagbebenta ng produkto na siyang dahilan ng pagkalugi ng gobyerno sa P1.8 bilyon buwis.


Ang mismong hepe ng ahensya na si Jun Lumagui, Jr., ang nagsampa ng nasa 69 reklamo sa DOJ kahapon kung saan sinabi nito na nagmula ito sa nangyaring sunud-sunod na pagsalakay ng mga awtoridad sa iba't ibang lugar sa bansa simula noong Enero 25, 2023.



“Ang sigarilyo kasi ay dapat niyan, bago kayo makapagbenta niyan dapat bayad ang excise tax n'yan, so dapat bayad ang buwis n'yan. May stamp na nakadikit d'yan sa mga sigarilyo, doon sa pakete ng sigarilyo," paliwanag ni Lumagui.


“Ngayon, itong mga nahuli natin noong nakaraang January 25 na raid ay ‘yung iba dito walang stamp, ‘yung iba dito ay peke 'yung stamps na kunwari na pinapalabas na bayad ang tax,” dagdag pa ng opisyal.


Napag-alaman kay Lumagui na ilan sa mga traders na kasama sa mga inireklamo ay nagbebenta ng mga pekeng sigarilyo.


Ang 69 kaso ay kinasasangkutan ng 15 revenue regions kung saan tinukoy ng opisyal na karamihan ay malalaking sindikato.


Ayon kay Lumagui, nasa pagitan ng P50 bilyon hanggang P100 bilyon ang nalulugi sa gobyerno kada taon dahil sa ilegal na pagbebenta ng sigarilyo sa bansa.


 
 

ni Mylene Alfonso | March 28, 2023



ree

Inanunsyo ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na pinayagan nito ang paghahain at pagbabayad ng annual income tax return (AITR) noong 2022 kahit saang lugar nang walang penalty para mapalawig ang kanilang serbisyo.


Ito ay kasunod ng inilabas na Revenue Memorandum Circular (RMC) No. 32-2-2023 na nagpapahintulot sa taxpayers na mabayaran ang kanilang dues saan mang lugar sa mismo o bago ang Abril 17, 2023 nang walang ipinapataw na penalty para sa maling venue filing.


Ipinaliwanag ni BIR Commissioner Romeo D. Lumagui, Jr. na layunin nito na mabigyan ang bawat taxpayer ng panahon na makapaghain at mabayaran ang tamang buwis sa kanilang most convenient time at lugar nang walang ipinapataw na penalties.


Ayon sa BIR, kailangang gamitin ng taxpayers ang Electronic Filing and Payment System (eFPS) sakaling maghain ng kanilang annual tax returns electronically at magbayad ng kanilang taxes due sa pamamagitan ng Electronic Filing and Payment System-Authorized Agent Banks (AABs) kung saan sila naka-enroll.


Subalit maaari namang gamitin ng mga taxpayer ang eBIRForms sa paghahain ng kanilang annual ITR.


Para sa taong 2023, target ng BIR na makakolekta ang ahensiya ng P2.6 trilyong buwis


 
 

ni Mylene Alfonso | March 22, 2023



ree

Namimiligrong makulong at mawalan ng lisensya ang Certified Public Accountant (CPA) na sangkot sa P25.5 bilyong “Ghost Receipts”.


Ito ang tiniyak ni Bureau of Internal Revenue Commissioner Romeo D.  Lumagui, Jr., matapos na pamunuan ang pagsasampa ng reklamong administratibo laban sa accountant na hindi muna pinangalanan sa Professional Regulation Commission (PRC) at kasong kriminal sa Department of Justice (DOJ) dahil sa paglabag sa CPA Code of Ethics.


“We have a list of all the buyers and sellers of these ghost receipts, including the accountants that allowed the buyers and sellers to profit from these ghost receipts by evading taxes. Businesses and taxpayers who use these ghost receipts in their returns will not only be audited by the BIR, they will also be arrested and spend 6-10 years in prison,” ayon kay Lumagui.


Ang naturang accountant ay ikinukonsidera na “conspirator” sa Ghost Receipts scam kung saan ineksamin nito at ini-audit ang book of accounts ng mga kumpanya.


Una nang nagsampa ng kasong paglabag sa National Internal Revenue Code of 1997, as amended (Tax Code) noong Marso 16, 2023 laban sa apat na korporasyon sa

Department of Justice (DOJ) dahilan para mawalan ng may P25.5 bilyon buwis, ang gobyerno.


Kinilala silang mga “ghost corporation” dahil wala silang lehitimong business activity at inestablisa lamang sila para makapagbenta ng mga pekeng sales invoice sa kanilang mga buyers na ginagamit para mabawasan ang bayarin nilang buwis.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page