top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | October 21, 2023


ree

Wala nang buhay ang isang lalaki nang matagpuan sa pumping station sa Binondo, Maynila nu’ng gabi ng Oktubre 20, Biyernes.


Wala itong saplot at basag ang ngipin nang matagpuan bandang alas-dose nang hatinggabi.


Nangongolekta umano ng basura sa pumping station ang mga operator (ng alin?) nang matagpuan ang bangkay.


Agad namang naipaalam sa pulisya ang kinaroroonan ng bangkay na ngayon ay iniimbestigahan pa rin ng Manila Police District ang pagkakakilanlan at ang dahilan ng ikinasawi nito.



 
 

ni Lolet Abania | April 6, 2022



Binuksan na ang Binondo-Intramuros Bridge sa mga motorista matapos na pangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inagurasyon nito kahapon.


Batay sa ulat, mayroong apat na lane ang Binondo-Intramuros Bridge, kung saan kaya nito ang may 30,000 motorista na papasok at lalabas ng Intramuros at Binondo kada araw.


Gayundin, mayroong bike lanes at sidewalk ang nasabing tulay. Sa ginanap na pasinaya nitong Martes, pinasalamatan ni Pangulong Duterte ang China sa paglalaan nila ng pondo para mabuo ang naturang proyekto.


Dumalo sa nasabing event si Chinese Ambassador Huang Xilian. “I also thank and with gratitude the People’s Republic of China for the confidence and for being a partner in enhancing key infrastructure projects in our country,” pahayag ni Pangulong Duterte.


“As my administration comes to a close, we remain committed to providing a comfortable life for every Filipino through various opportunities for growth and success,” sabi pa ng Punong Ehekutibo.


Ayon naman kay Ambassador Huang, ito ang ika-16 na proyektong nakumpleto ng gobyerno ng Pilipinas sa China sa ilalim ng administrasyon ni Chinese President Xi Jinping.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 9, 2021




ree

Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang tinatayang aabot sa halagang P150 million unregistered personal protective equipment (PPE) kabilang na ang mga face masks at shields sa isang warehouse sa Binondo, Manila noong May 5.


Sa pakikipagtulungan ng BOC sa Manila International Container Port’s (MICP) Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at Enforcement and Security Service (ESS), at Philippine Coast Guard (PCG), hindi nakalusot ang mga naturang produkto.


Kaakibat ng Letter of Authority (LOA) na nilagdaan ni BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, nag-inspeksiyon ang awtoridad sa storage facility at natagpuan ang mga hindi rehistradong Aidelai masks at Heng De face shields, cosmetic/beauty products, luxury clothing, mga laruan at cellphone cases.


Saad pa ng BOC, “Further inventory and investigation are underway to ascertain the value and for the possible filing of charges for violation of Section 1400 of RA 10863 also known as the Customs Modernization Act (CMTA).


“The Bureau reiterates the importance of ensuring the authenticity of items especially for items such as face masks and other PPE.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page