top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | February 7, 2022



Umpisa na muli ang pageant season sa paghahanap ng Binibining Pilipinas Charities Inc. at Miss Universe Philippines ng mga bagong reyna.


Sa February 15 ang deadline sa pag-apply para sa Miss Universe Philippines.


Isa sa mga requirement para mag-apply ay dapat fully vaccinated na laban sa COVID-19 ang nagnanais maging kandidata.


Sinabi ni Gines Enriquez ng Bb. Pilipinas Charities na sila ay mahigpit na susunod sa health protocols.


“Official contestants and everyone involved in the pageant must be fully vaccinated at least 14 days prior to the kickoff of events for the competition,” ani Enriquez. “We will adhere to the policies set by the LGU/IATF.”


Magsisimula naman sa Marso ang screening ng mga aplikante para sa Bb. Pilipinas.

Flores de Mayo parade ang magiging opening salvo ng pageant na gaganapin sa Araneta City sa Mayo at susundan ng pre-pageant activities at charity work.


Sa July 2022 nakatakdang ganapin ang coronation para sa apat na crowns — Bb. Pilipinas International, Globe, Intercontinental, and Grand International.


Samantala, kukumpirmahin pa ng organisasyon kung may madadagdag na Bb. Pilipinas crown.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | October 30, 2021



Wagi ang pambato ng PIlipinas na si Cinderella Obeñita bilang Miss Intercontinental 2021 sa pageant na ginanap sa Sharm El Sheik, Egypt.


“Second Miss Intercontinental crown for the Philippines," anunsiyo ng Binibining Pilipinas sa Facebook. "Congratulations to our Miss Intercontinental 2021 Cinderella Faye Obeñita! The whole country is proud of you!"


Ang 25-anyos na senior tourism officer mula sa Cagayan de Oro ay nanguna sa 70 kandidata.


Siya na ang pangalawang Pinay na nagwagi bilang Miss Intercontinental matapos na nakuha ni Karen Gallman noong 2018.


Matatandaang kinoronahan si Cindy bilang Binibining Pilipinas Miss Intercontinental noong Binibining Pilipinas coronation night noong Hulyo.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 12, 2021



Kinoronahan ang pambato ng Masbate na si Hannah Arnold bilang Miss International Philippines 2021 noong Linggo nang gabi sa Smart Araneta Coliseum, Quezon City.


Ang 24-anyos na si Arnold ay isang sleep scientist at professional model.


Lalong marami ang humanga kay Arnold sa performance niya sa swimsuit at evening gown competition.


Kasama niyang kinorohan sa Binibining Pilipinas coronation event sina Bb. Pilipinas Grand International Samantha Alexandra Panlilio ng Cavite; Bb. Pilipinas Intercontinental Cinderella Faye Obeñita ng Cagayan de Oro, Misamis Oriental; at Bb. Pilipinas Globe Maureen Ann Montagne ng Batangas.



Si Gabrielle Camille Basiano naman ng Borongan, Eastern Samar ang itinanghal na 1st runner-up at si Meiji Cruz ng Valenzuela ang 2nd runner-up.


Sina Miss Universe 2018 Catriona Gray at Miss Grand International 2016 1st runner-up Nicole Cordoves ang nagsilbing host sa naturang coronation night.


Samantala, ngayong taon sasabak sa Miss International pageant si Arnold.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page