top of page
Search

ni MC @Sports | July 10, 2024



Sports News

Umuusok ang gulong at pedalan ni Jan Paul Morales nang makarating sa dulo ng meta ng finish line at hawakan ang paghahari sa Go For Gold Criterium Race Series 2 sa City Di Mare sa Cebu City. 


Nagawang manaig ng reigning national champion ng Standard Insurance continental team mula sa isang batalyon na malulupit na riders at kumalas sa final 50 meters para lampasan sina Esteve Hora Jr. ng SIP team at Go For Gold’s Marc Ryan Lago sa finish line. 


Naorasan si Morales, ang two-time local Tour champion at sprint specialist ng 55:00.79 sa men’s elite category matapos kumarera sa 35 laps ng 1.1-kilometer course  kasama si Hora, ang Go For Gold Criterium Race Series 1 champion nitong unang bahagi ng taon, habang si Lago na ilang segundo lang na kabuntot.


"Naghintay ako ng tamang pagkakataon at nabiyayaan ng maganda sa dulo,’’ ani Morales sa pagtatapos ng  day-long series ng karera na pakay na ibalik ang init ng pagtanggap sa sport sa naturang lugar.  


Ang  second phase ng three-leg race series at suportado ng Go For Gold, Scratchit, Cebu City govt at ng PhilCycling.


Umarangkada rin si Mathilda Krogg nang manguna sa women's open sa bilis na 41:04.71 (20 laps) habang ang teammates sa Standard Insurance na sina Raven Joy Valdez at Angela Joy Marie Bermejo ay dumating na segunda at tersera sa karera.


"Thank you to all Cebuano cyclists and cycling fans for coming over. Also, the support of Cebu City Vice Mayor Dondon Hontiveros made it doubly successful,” ani Go For Gold founder Jeremy Go, na nagpasalamat din sa  cycling teams ng kompetisyon. Nagwagi rin si Steven Tablizo sa men’s under-23 category at iniwan sina   Rorking Roque ng SIP at James Paul Ryan Escumbien.

 
 

ni MC @Sports | June 3, 2024



Sports Photo
Si Patrick Coo (kaliwa) kasama ang gold winner na si Komet Sukprasert ng Thailand at bronze medalist Shimada Ryo ng Japan. (fbpix)

Pilak na medalya ang nasungkit ni Patrick Bren Coo mula sa  2024 Asian Cycling Confederation BMX Championships sa Thailand upang ganap na umangat ang kanyang potensiyal sa naturang sport. 


Ang silver medal na kanyang nakuha sa Kamol Sports Park sa Nong Chok  ay mula na rin sa unang nakuha niyang men’s elite bronze medal ng nakaraang taon sa Hangzhou Asian Games at ang gold medal na kanyang nahamig bilang junior rider noong 2019 Asian championships sa Malaysia.


“I’m so blessed and I’m happy that all my hard work are paying off,” ayon sa 22-anyos na si Coo, isang  Olympic Solidarity scholar na inilaan ang buong taon ng pagsasanay sa UCI World Cycling Center sa Aigle, Switzerland at pagdayo na rin sa iba't ibang bansa para sa kompetisyon. 


Nagtapos si Coo sa likod ni Thailand's BMX ace Komet Sukprasert, na nagwagi ng kanyang ikatlong diretsong Asian championships gold medal habang pakay nito ang  Paris Olympics.


Nakumpleto naman  Shimada Ryo ng Japan ang men’s elite podium ng championships na nilahukan ng mahigit sa 500 atleta sa Asya.


My congratulations to Patrick, he’s been working hard and his dedication and passion for BMX is getting stronger each day,” ayon kay Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino, na pinuno ng national association for cycling, PhilCycling.


Pinasalamatan naman ni Coo si Tolentino at ang  Philippine Sports Commission sa kanilang matinding suporta sa kanyang kampanya para sa 2028 Los Angeles Olympics.

 
 

ni Lolet Abania | May 30, 2021



ree

Pumanaw na si Dumaguete City Vice-Mayor Alan Gel Cordova matapos makaranas ng heart attack nang dumalo sa isang bike event ngayong Linggo.


Si Cordova na nasa early 50s ay nakumpleto ang kanyang 14-day quarantine at nakarekober na sa COVID-19. Sinabi naman ng kanyang asawa na wala na silang alam na iba pang health condition ng bise-alkalde.


Ayon kay Councilor Joe Kenneth Arbas, kaalyado at malapit na kaibigan ni Cordova, nakibahagi ang vice-mayor sa isang “bike for a cause” sa Tanjay City na nasa 41 kilometro ang layo mula sa lungsod.


Habang sakay ng kanyang bisikleta pabalik na sa Dumaguete, bigla itong nag-collapse sa national highway sa Barangay Bantayan.


Isinugod si Cordova sa Negros Oriental Provincial Hospital subalit namatay din matapos na ilang beses i-revive.


“He [Cordova] would have been one of our legacies of good governance and honest service to the city. I have lost hope that Dumaguete would have a good leader like him,” ani Arbas sa mga reporters.


Unang nagsilbi si Cordova bilang councilor sa lungsod bago nahalal na vice-mayor noong 2019 elections.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page