top of page
Search

ni Lolet Abania | March 3, 2022


ree

Maraming lugar sa baybaying bahagi ng Visayas at Mindanao ang nananatiling positibo sa paralytic shellfish poison o red tide toxin na sinasabing “beyond the regulatory limit,” o lagpas sa itinakdang limitasyon, ayon sa report ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).


Base sa kanilang latest shellfish bulletin, sinabi ng BFAR na lahat ng uri ng shellfish at acetes, kilala rin sa tawag na alamang, na nakolekta mula sa mga sumusunod na lugar ay hindi ligtas na kainin:

• coastal waters ng Milagros sa Masbate

• coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol

• Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur

• Litalit Bay, San Benito sa Surigao del Norte

• Lianga Bay sa Surigao del Sur


Gayunman, ayon sa ahensiya na ang iba pang seafood bukod sa shellfish na nakuha mula sa mga naturang lugar ay ligtas namang kainin.


“Fish, squids, shrimps and crabs are safe for human consumption provided that they are fresh and washed thoroughly, and internal organs such as gills and intestines are removed before cooking,” pahayag ng BFAR.


Samantala, binanggit naman ng BFAR na sa ngayon ang coastal waters ng Bataan, kabilang na ang Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Hermosa, Orani, Abucay, at Samal ay ligtas na at wala nang toxic red tide.


 
 
  • BULGAR
  • Feb 9, 2022

ni Lolet Abania | February 9, 2022


ree

Nakitaan sa mga baybaying lugar sa Visayas at Mindanao na positibo sa paralytic shellfish poison o toxic red tide na lumampas pa sa itinakdang regulatory limit, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).


Batay sa latest shellfish bulletin ng BFAR, ang lahat ng uri ng shellfish at acetes o kilala sa tawag na alamang, na makukuha sa mga sumusunod na lugar ay hindi ligtas na kainin:


• Coastal waters ng Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Hermosa, Orani, Abucay at Samal sa Bataan;

• Coastal waters ng Milagros sa Masbate;

• Coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol;

• Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur;

• Litalit Bay, San Benito sa Surigao del Norte;

• Lianga Bay sa Surigao del Sur. Gayunman, ayon sa BFAR, ang mga coastal waters ng Biliran Islands; Leyte, Carigara Bay, at Cancabato Bay, Tacloban City sa Leyte; San Pedro Bay sa Samar; Guiuan, at Matarinao Bay sa Eastern Samar ay wala nang toxic red tide sa ngayon.


Sinabi pa ng ahensiya na ang mga isda, pusit, hipon at crab o alimango na makukuha sa mga naturang lugar ay ligtas nang kainin.


“Fish, squids, shrimps, and crabs are safe for human consumption provided that they are fresh and washed thoroughly, and internal organs such as gills and intestines are removed before cooking,” ani pa ng BFAR


 
 

ni Lolet Abania | February 3, 2022


ree

Matapos ang tatlong buwan, binawi na rin ang ipinatupad na “closed fishing season” sa hilagang-silangan ng Palawan, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).


Sa isang advisory, ipinahayag ng BFAR na nitong Martes, Pebrero 1, na-lift na ang itinakdang closed fishing season sa Palawan.


“The closed fishing season in northeastern Palawan, which prohibited the use of purse seine, ringnet and bagnet in catching roundscad (galunggong) within the conservation area, has been lifted yesterday, February 1, 2022,” ani BFAR.


Matatandaan na sa isang joint initiative ng gobyerno, fisheries sector, at iba pang stakeholders, na nilagdaan noong 2015, ang closing o pagsasara ng fishing season sa hilagang-silangang bahagi ng Palawan ay ginagawa mula Nobyembre hanggang Enero taon-taon.


“The closed fishing season was initiated to protect and replenish the population of the Decapterus species, also known as galunggong, during its peak spawning season and regulate the use of purse seine, ringnet and bagnet in catching the galunggong within the conservation area northeast of Palawan from November to January every year,” paliwanag ng BFAR.


Una nang inanunsiyo ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar na inaprubahan niya ang importasyon ng 60,000 metric tons (MT) ng mga isda para sa unang quarter ng 2022 upang madagdagan ang lokal na produksyon sa gitna ng inaasahang kakulangan nito.


Inaprubahan ni Dar ang importasyon ng tinatawag na small pelagic fishes gaya ng round scad o galunggong, dahil aniya sa naging projection ng BFAR na potensiyal na supply deficiency na aabot sa 119,000 MT nito sanhi ng closed fishing season.


Ayon pa sa opisyal, matinding naapektuhan din ng Bagyong Odette ang sektor ng pangisdaan habang ani Dar, “We cannot say [whether the] fishing sector will be normal.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page