top of page
Search

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | April 24, 2022



Excited talaga bilang momshie si Angeline Quinto.


Malapit na ang due date ng panganganak ng singer kaya ang lahat ng gagamitin niya ay inilagay na niya sa hospital bag.


Ang nakakatuwa, aside sa mga gamit ng baby ay hindi rin niya nakalimutang ilagay sa kanyang inihandang hospital bag ang kanyang make-up kit!


Ibinahagi ni Angeline ang laman ng hospital bag at maging ang kanyang doktor ay nagulat nang makitang kasama sa kanyang mga dadalhin sa panganganak ang kanyang make-up kit.


Esplika ni Angge, nais lang daw niyang magmukhang presentable sa unang pagkikita nila ng kanyang anak.


Maaaring manganak na sa mga susunod na linggo ang singer.


Handang-handa na talagang suungin ni Angge ang bagong yugto ng kanyang buhay.






 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | April 23, 2022



Hindi na nagpatumpik-tumpik pa, sinagot agad ni Derek Ramsay ang basher na binibigyan ng 'expiration' ang relasyon nila ni Ellen Adarna.


May post si Derek na larawan nila ni Ellen kasama ang unico hijo ng huli. Nakahiga ang happy family na parang bagong gising.


Caption ni Derek sa kanilang photo: "Morning."


'Di yata feel ng netizen ang magandang gising ng aktor sa umaga, komento nito, "You are too clingy, almost like the woman in the relationship. I give 1 year max before you breakup. You love this kid more than your own blood so you can please your woman."


Ang sagot ng aktor, "If you are feeling alone and unloved I can help. I can feel your sadness and loneliness, sending you virtual hugs and kisses. Take care."


O, 'di ba, in a nice way pa rin ang sagot ng aktor.


Nakatataba naman ng puso ang komento ng mga netizens.


"Simpleng caption at simple lang naman ang photo pero ginagawang masama ng ibang tao. Gaano ka ka-bored?"


"Normal naman na mapamahal si Derek kay Elias, eh, lalo na sa age ni Elias na bata pa so 'andu'n 'yung pagiging makulit din and all. Siyempre, 'yung anak ni Derek nu'ng ganyang age, nasa nanay dati. Kung hindi handa si Derek maging dad dati, mukhang now, handa naman siya based sa mga nakikita natin sa kanya and nothing wrong with loving Elias as his own."


"It's funny how people are so self-entitled that they think they speak on behalf of other people."


"Bakit 'di na lang kasi nila pakialaman ang sarili nilang buhay?"


Inggit lang naman siguro ang netizen sa masayang love life ng celebrity couple.





 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | April 22, 2022


Nag-react si Mocha Uson sa sinabi ni Toni Gonzaga nang ipakilala ng huli si BBM sa isang campaign rally ng UniTeam.


Introduction ni Toni sa aspiring presidentiable, “Konting-konting panahon na lamang at magbabalik na si BBM sa kanyang tahanan — ang Malacañang.”


Reaksiyon ni Mocha sa kanyang TikTok, “Alam mo, Ma’am, hindi maganda ‘yang sinasabi ninyo. Napaghahalataang wala po kayong alam sa public service. Si Pangulong Duterte nga po, sinasabi niya na ang Malacañang ay kanya lamang opisina, hindi po niya ito tahanan. Ito ay pag-aari ng taumbayan.


“Para sabihin mo na babalik na sa kanyang tahanan sa Malacañang si Marcos, ay parang sinabi mo na rin po na diktador ang kanilang pamilya na ginawa na talagang tahanan ang Malacañang noon. Umalis lang saglit, at ngayon ay babalik muli para angkinin ito.


“Paalala lang po: Ang Malacañang ay pag-aari ng bawat Pilipino. Ito ay opisina lamang ng public servant ng ating bayan. Sana po, Ma’am, matuto kayo sa mga sinasabi ng Pangulong Duterte.”


Wala pang reaksiyon si Toni hinggil dito.





 
 
RECOMMENDED
bottom of page