top of page
Search

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | April 27, 2022



Palapit na nang palapit ang eleksiyon kaya marami na ang pumupuna sa mga celebrities na nag-eendorso ng mga kandidato sa May 9 national elections, tulad na lang ni Angel Locsin.


Ipinost ni Angel sa kanyang socmed account ang komento ng isang netizen hinggil sa pagsuporta niya kay VP Leni Robredo na tumatakbong presidente.


Ayon sa basher, "Mars @143redangel Save the nation, not the station."


Sumagot naman si Angel ng "May prangkisa o wala, kay VP Leni ako :). Mahal pa rin kita, ate:)."


Hindi naman maiwasang magkaroon ng iba't ibang opinyon ang mga netizens at komento nila…


"Your conviction, your choice, your vote."


"Hindi ako maka-Leni pero kakasuya ganito ng mga tao. Susme!"


May kahulugan naman ang komento ng isang ito at tinawag pang ate ang aktres, "Go, go, go, Ate Angel, one of the stockholders ng ABS."


Kaya may nagtanong, "And your point is?"


May sumagot, "Na baka may agenda si Angel?"


Sey naman ng isang empleyado ng network, "FYI, bago pa magka-issue ang ABS-CBN, nabenta na ang stocks ni Angel na napakaliit lang at nai-donate sa mga employees, pinaghatian. At yes, isa ako sa mga nabigyan."


Hindi um-agree ang isang netizen sa reply ni Angel.


"Cringe naman 'yung may prangkisa o wala. Puwede ba?"


Depensa ng isa, "Kung may agenda si Angel, dapat tumakbo nang senador 'yan."


"Jusko, mas malaki pa ang nai-donate ni Angel kesa d'yan sa stocks na 'yan. Mga Pinoy talaga, basta na lang ngawa nang ngawa, mga ignorante naman ang karamihan."


Dahil napunta na ang diskusyon ng mga netizens sa pagpapasara sa ABS, naglabas na sila ng kani-kanilang opinyon.


"Kaya mga celebrities ang boboto kay Leni dahil gusto nilang magkaroon ulit ng prangkisa ang ABS. 'Yun ang pinaka-dahilan ng iba kaya nakasuporta sila kay Leni."


"It makes sense kasi company nila 'yan. Kung ikaw ba, mapasara ang kumpanya mo na pinagtatrabahuhan mo nang ilang taon at bumuhay sa pamilya mo, 'di mo ba nanaisin na mabalik 'to? Ganu'n naman talaga. Let’s admit it, ang daming na-displace na mga artista ng ABS. Left alone 'yung mga crew & staff when the station closed. In fact, ang daming hanggang ngayon ay 'di nakahanap ng malipatan. Masuwerte na 'yung iba na kinuha ng ibang istasyon, papa'no naman 'yung mga hindi?


"So, mabe-blame ba natin sila if ganu'n ang rason nila bakit sila boboto kay Leni? Practical lang sila. May mga ka-FB nga ako na boboto sa kabila kasi pinangakuan ng gold. Mas malala 'yun."


"Ano'ng problema kung maibalik ang franchise? May mamamatay ba?" sagot ng isa pa.


May kumuwestiyon naman sa user ID ni Angel kaya ipinaliwanag ng isang netizen ang meaning ng @143redangel.


"EXCUSE ME 143redangel, 143 is ang hotline number ng red cross! Redangel because Angel is a volunteer of Red Cross! Dekada na! Mahiya naman kayo. I'm also a volunteer ng Red Cross."


Ang mga nananahimik na GMA-7 celebrities ay ibinulgar naman ng isang netizen na si VP Leni rin daw ang sinusuportahan.


"Camille Prats, K Brosas (TV5), Bea Binene, Carla Abellana, wala namang mapapala 'yan kung may franchise or wala ang ABS-CBN, eh, advantage nga sa kanila lalo na sa mga taga-GMA-7, pero they still support for free. Sure ako, majority of GMA-7 artists, especially their journalists, kay VP Leni 'yan.


"May mga Kapuso pa na proud Kakampinks like Chynna, Kokoy, Mikoy, Tuesday, Pokwang, Kris Bernal. Tingin ko, Kakampinks din sina DongYan (Dingdong & Marian), Bea Alonzo, Glaiza etc. kaso bawal silang mag-endorse kasi part sila ng Election 2022 campaign ng GMA News."


 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | April 26, 2022



Nag-post na rin si Janine Gutierrez ng mga kuha niyang larawan sa New York.


Isa sa mga ibinahagi niyang photos ay isang shot ni Paulo Avelino na nakatalikod. Nilagyan niya ng caption ang picture ni Paulo.


Kung dati-rati, si Paulo ang bina-bash ng mga netizens, ngayon naman ay si Janine.

Comments nila…


"Downgrade masyado si Janine. 'Di sila bagay pa."


"Why naman downgrade? If 'di mo alam, galing si Paulo A sa prominent family. Very low key lang talaga siya."


"Kahit na ano ang sabihin n'yo, super love, love, love nila ang isa’t isa."


"Si Rayver (Cruz) ang nakinabang sa relasyon nila ni Janine. Kahit talented siya, pero walang dating pa rin sa tao unlike si Paulo na pinag-uusapan sa mga projects niya kasi magaling talagang umarte at nagka-TV commercial pa kahit ayaw sa kanya ng showbiz reporters kasi suplado."


"Dati, sila ni Rayver sa Paris. Ngayon naman, NYC with Paulo. Ikaw na, Janine!"


"Kaganda kaya ni Janine at edukada pa, hindi high maintenance tulad ng ibang babae."


"Si Janine, 'di na natuto. Naalala ko noon, Villa Quintana days niya pa lang, nakipaghiwalay siya sa non-showbiz BF niya dahil sobrang na-pressure ng mga handlers niya at mga fans na i-promote 'yung love team nila ni Elmo (Magalona).


"Kaya ayun, kahit obvious namang 'di swak personalities nila and 'di naman siya ganu'n ka-happy, naging sila. Tapos, heto na naman ngayon. Parang 'yung tingin ko dito sa batang 'to, 'di niya kayang i-handle ang pressure ng showbiz na hindi siya nawawala sa sarili niya."


"She is high maintenance. She is not even from a very rich family. I find her trying hard."





 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | April 25, 2022



Kung noon ay marami ang humuhusga kay Herlene Nicole Budol kapag sumasagot sa mga interbyu dahil wala raw sustansiya ang mga sinasabi at paliguy-ligoy, ngayon ay marami ang bilib na bilib sa dating co-host ni Willie Revillame sa Wowowin na unang nakilala bilang si Hipon Girl.


Malaki raw ang ipinagbago ni Hipon Girl nang sumabak na sa Bb. Pilipinas beauty pageant.


May bagong interbyu si Herlene para sa kanyang pageant journey at marami ang nakapanood ng video lalo na sa Tiktok.


Gamit ni Herlene ang second name niyang Nicole sa beauty pageant. Kaya tanong sa kanya, why Nicole at hindi Herlene ang ginamit niyang name sa pagsali sa Bb. Pilipinas?


Tuwirang sagot ng aspiring beauty queen, "Konti lang po ‘yung tumatawag sa 'kin sa Nicole. Usually po talaga, Herlene, Budol, tapos Hipon po. Ngayon po, parang si Nicole po ang lalaban."


Napabilib ni Herlene ang mga netizens. Na-appreciate ng mga ito kung paano na-handle ni Herlene ang mga tanong sa kanya.


Maging ang mga kumakalat na stunning photos ni Herlene ay hinahangaan ng mga netizens. Talagang malaki raw ang impluwensiya at transformation sa kanya ng beauty contest.


Heto ang ilang komento na aming nakalap…


"She speaks so gentle na. ‘Yung po at opo talaga, ‘di nawala sa kanya."


"Naa-amaze ako sa ganda niya ngayon."


"Looking great! Our prayers for your success."


"We're rooting for you."


"Go, Herlene! Good luck beautiful."







 
 
RECOMMENDED
bottom of page