top of page
Search

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | April 30, 2022



Matindi ang naging epekto ng awayan ng mag-asawang Baron Geisler at Jamie Marie Evangelista.


Bumalik kasi sa pag-inom ang aktor at nalasing na naman kaya nagkaroon sila ng matinding pagtatalo na nauwi raw sa pisikalan.


Nagsisisi si Baron, pero mukhang huli na.


May post si Baron sa kanyang Facebook na nakapagtapos na siya ng kanyang college degree. Marami ang nag-congratulate sa aktor na kanyang pinasalamatan.


Kasama sa kanyang post ang pag-open niya sa isyu hinggil sa kanyang alcohol addiction at ang mga roles na ginagampanan niya sa mga pelikula ng Viva Films.


Aniya, “Guys, I appreciate your congratulatory messages but I really did not work that hard to earn a degree in Theology, I take it as a blessing. I am still a work in progress. I'm still in treatment for my alcohol addiction, hoping that I will get better roles in the future."


Under na ng Viva Agency si Baron at naniniwala siyang bibigyan pa siya ng projects ng Viva sa kabila ng mga nangyari.


“Hopefully, Vivamax will create movies that promote good family values and not just soft porn content for the reason that sex sells. Invest on acting workshops and character development. It is contradictory to my beliefs as a Christian and my image as a transformed family man,” dagdag pa ng aktor.


Aminado rin siyang ang exposure niya sa mga naturang sexy roles ay nakaapekto para magtulak sa asawang si Jamie na gustuhing mag-file ng annulment ng kanilang kasal.


“I am not proud of it and it's taking a toll on my marriage, from my wife who is demanding for an annulment. God bless us all!”


Sa isang interbyu, sinabi ni Baron na nasa Bulacan siya kung saan he undergoes 12-step program.


"I'm working on myself," aniya na daily routine raw niya.


Hindi 'yun ang unang beses na nag-away ang mag-asawa. Kamakailan ay makikita sa video na binato ni Jamie ng water jug si Baron.


Sa YouTube vlog ni Ogie Diaz ay nainterbyu ng batikang manunulat ang misis ni Baron. Ani Jamie, ang dahilan ng pag-aaway nila ni Baron ay lilipad daw sana ito ng Manila para sa isang trabaho pero na-miss daw ng aktor ang flight dahil nalasing ito.


Lagi raw niyang pinatatawad si Baron, pero dumating na raw sa point na napuno na rin siya.


 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | April 29, 2022



Pinayagan na ni Ruffa Gutierrez na makausap ng mga anak niyang sina Lorin at Venice ang ama ng mga ito na si Yilmaz Bektas pagkatapos ng maraming taong lumipas.


Naniniwala si Ruffa na wala na ang sakit at trauma na nararamdaman ng mga anak after what happened years ago.


Lumayo ang loob ng magkapatid sa kanilang ama dahil sa nangyari sa kanilang ina.


Ngayong pinapayagan na ni Ruffa na makipag-communicate ang dalawa niyang girls sa ama, nakakasiguro siyang unti-unting mawawala ang hinanakit nila kay Yilmaz.


Mula nang umalis ang mag-iina sa Turkey para rito na sa 'Pinas manirahan, hindi na nagkausap ang mga anak niya at si Yilmaz.


"The result was an incident that’s both touching and hopeful," ayon kay Momshie Ruffa.


“I’ve always known that the girls feel hurt. That can’t be avoided, even though I never talked ill of their father in front of them. I was there when Venice and Yilmaz talked for the very first time. Hagulgol si Venice. I realized that the pain is still there, so I’m hoping that one day, they will be reunited,” paglalahad ni Ruffa sa isang interbyu.


Dagdag pa ng former beauty queen, “It happened during the Holy week. The sister of Yilmaz sent me a message to say Yilmaz had dreamt of Venice the night before and that he was asking if he could talk with her. I told Venice and she got quite upset, but she still asked to give him her number. She said, 'Mommy, I’m already 17 and I think it’s about time that we have a direct communication.'


“What was touching was that Venice’s personality had always been hard and strong, but when her father said, ‘Hi, Venice! How are you?’ she broke down. That’s when I really saw the pain. I think that the more they are able to communicate with their dad, the faster the pain will disappear.


"Venice said, ‘Where have you been all this time? How come you haven’t seen us? You kept making promises but you never lived up to them. When are we going to see you?’


Yilmaz answered, ‘I have my reasons I can’t see you there. I’ve been telling your mom to let you go to Istanbul.’”


Esplika ni Ruffa, noon daw ay talagang hindi niya pinapayagang pumunta ng Istanbul sina Lorin at Venice dahil nag-aalala siyang hindi safe ang mga anak dahil mga bata pa ito.


“We couldn’t agree on where he could meet the kids. Before, I was really scared that they’d get kidnapped in Istanbul or whatever, but now that they’re adults— Lorin is turning 19 soon and Venice, 18—maybe it’s already OK, especially if they can go with someone older than them. I will have to talk with the kids. After all, he’s still their dad,” esplika ni Ruffa.


Pero ani Ruffa, si Venice lang ang nakausap ni Yilmaz.


“Lorin still didn’t want to talk with him. She said, ‘Does he even know I’m already in college? Mommy, he should pay you because you’re working so hard for us.’


"She’ll talk with him when she’s ready. As for me, I’m just grateful that I have work. It’s not easy to be a single working mom. I’m just happy because I was given the opportunity to take care of my kids on my own,” ang very proud na sabi ni Ruffa.


 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | April 28, 2022



Nang makapasok si Herlene Nicole Budol sa Top 40 ng Bb. Pilipinas 2022, ang isa raw agad na tumawag sa kanya para i-congratulate siya ay ang TV host na si Willie Revillame.


Totoong nang dahil kay Kuya Wil, nagkaroon ng showbiz career si Herlene a.k.a. Hipon Girl. Si Willie ang nagbigay ng break kay Herlene kaya naging co-host ng programa niya ang dating contestant ng Wowowin.


Nagbigay-pugay si Herlene kay Kuya Wil sa kanyang IG account.


Aniya, “Hi, mga Ka-Squammy, after akong ma-announce na official candidate ng Binibining Pilipinas 2022, tumawag sa akin si Kuya Willie Revillame para i-congratulate ako.


“Isa ring karangalan para sa akin na Kuya Wil eto, 'noh?! Hehe.


“Masaya na may halong iyak ako habang kausap ko siya sa phone dahil siya ang humulma sa akin at sobrang proud siya sa akin at natutuwa po siya sa akin kasi lagi ko raw siyang ina-acknowledge! 'Di ko raw siya nakakalimutan!


“Siyempre naman, alagang Wowowin si Hipon Girl. Nag-gain ako ng popularity dahil pag-join ko sa Wowowin segment na Willie of Fortune, tapos siya rin ang nakakita sa aking potential at ginawa akong regular host dahil sa kakulitan at funny jokes ko!


“Malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil kalahating utak ko, siya ang nag-ambag,” pabiro pang sabi ni Hipon.


Samantala, natanggap na ni Herlene ang P100K na ipinangako ni Karen Davila na ibibigay sa kanya mula sa kikitain ng interbyu sa kanya ng broadcaster/journalist, kamakailan.


Sabi ni Herlene, “Ibinigay po niya (Karen) sa akin 'yung earnings sa YouTube niya nu'ng interview niya sa akin nu'ng nakaraang April 2 sa halagang 100,000 pesos po bago ako nag-register ng Binibining Pilipinas na umabot ng 2.2M views.”


Nagpapasalamat si Herlene dahil malaking tulong daw ang perang 'yun para sa kanyang pamilya.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page