top of page
Search

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | April 14, 2021




'Kaaliw din naman itong si Joshua Garcia. Imagine, binulabog niya ang social media dahil sa post niyang natagpuan na raw niya ang kanyang new love.


Post ng ex-boyfriend ni Julia Barretto, “My new love, Marley.”


Talaga namang mamahalin ni Joshua si Marley dahil isa pala itong golden retriever puppy.

Caption ni Joshua sa kanyang new love, "I promise I'll take care of you."


Sobra ang pag-aalaga ni Joshua sa kanyang bagong love.


Si Marley ay gift ni Moira dela Torre, kung saan nag-collab sina Joshua at Julia Barretto sa music video ni Moira na Paubaya.


Komento ni Moira sa picture ni Marley, "Match made in heaven."

May mga nagsabi namang, "Paw-baya."





 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | April 12, 2021




Muling bumuwelta si Derek Ramsay sa basher na tinawag siyang fake dad.


Nag-post kasi si Derek ng larawan nila ng anak ng fiancée niyang si Ellen Adarna na si Elias Modesto na nasa swimming pool sila at nilagyan ng caption na: “Such a brave little boy.”


Nag-comment ang basher ng hunk actor, “Such a brave fake dad, bakit ‘yung real anak mo, ‘di mo i-post? Baka kaya ngayon ka lang tinawag na dad and yes, oo, iisa lang ang sagot mo, ‘Wala akong alam, blah.. blah.. haha.”


Knowing Derek na bawat pamba-bash sa kanya ay hindi nito pinalalampas, insultong clap emoji ang sagot niya saka sinabihan ang basher na “Good job.”


Samantala, inaabangan naman ng marami ang sasabihin ni John Lloyd Cruz tungkol sa closeness ngayon ng anak niyang si Elias Modesto kay Derek pero until now, tahimik pa rin ang ex-BF ni Ellen Adarna.


 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | April 11, 2021




Espekulasyon ng mga netizens, ang post ni Gerald Anderson sa kanyang socmed ay sagot daw sa tell-all interview kay Bea Alonzo kamakailan.


“How much better to heal than seek revenge to injury,” ang post ng ex-boyfriend ng actress.

Ayon sa mga netizens, pa-victim effect ang actor. Siya naman daw kasi ang nag-umpisang nagpainterbyu at sumagot lang ang ex niyang si Bea.


“Sinimulan mo, pa-interview ka pa, tapos 'pag sinasagot 'yung mga paratang mo, pa-victim epek ka. Hahahahaha!”


“Ghoster na, gaslighter pa, lol.”


“Kadiri nga, eh. Tapos, sasabihing revenge when the girl did speak up after niya umpisahan. Run from these kinds of people. Sobrang narcissistic and loves to gaslight people. Kasuka, uy.”

Depensa naman ng fan ni Gerald, “Once lang nagpa-interview si Gerald, si Bea, nakailan na. Haha! Ilang interview at pagpaparinig ginagawa. Move on na, pakisabi sa idol mo :)”


“Well that interview, for once, sinagot na niya ang mga tanong ng mga tao. Si Bea, daming hanash since last year pa, ewan ko kung naka-move on na ba talaga. Well, kung nasaktan siya, ganu'n talaga. Pero sana, 'wag na siyang magpaka-bitter.”


Sagot naman ng fan ng aktres, “Eh, kasi Gerald, inungkat mo pa 'yung 2 taon nang nakalipas. Tapos ngayon, nu'ng nag-react 'yung kabila, eh, aaray ka. Dapat 'di ka na nagpa-interview. Ay, oo nga pala, may serye ka. Galawang promotion eh, 'no?"


“Kung promo 'yan, eh, di nu'n pang Soldier's Heart. Siguro, gusto na nilang maging malaya (ni Julia) sa mata ng tao kaya ayaw na nilang magtago. Si Bea talaga ang hindi matanggap na Gerald dumped her, inisip na niya kasi na siya na makakatuluyan nito. Sobra niyang minahal si Gerald na inagaw niya kay Kim (Chiu), nagkahiwalay, tapos nagkabalikan ulit.


"I bet 'pag binalikan 'yan ni Gerald, saka lang 'yan tatahimik, pero for sure, wala nang balak kasi nga toxic, walang nakakatagal sa ugali niya. Nakuha naman ni Bea 'yung sympathy ng mga tao kasi paawa effect siya, dumami ang projects at followers niya, pero in the end, she still feels incomplete kasi kahit sobrang siniraan niya sina Gerald at Julia, eh, masaya pa rin sa isa't isa ang dalawa. 'Yun ang 'di niya matanggap,”


May nagsasabi namang kaya raw nabanggit ni Gerald ang ‘heal’ dahil totoong sinaktan niya si Bea.


“So, inamin niya na sinaktan niya nga si Bea? Lol! Easy for him to say na mag-heal kasi siya palagi ang nang-iiwan. Hindi niya naman masisisi si Bea, ipinagpalit ni Bea si Z sa kanya, tapos nu'ng toxic pala si Bea, iniwan niya na. Tama naman talaga ang mama ni Bea, tanga talaga 'yung anak niya sa pag-ibig. Nasa matino na, bumalik pa kay Gerald.”


“Very ungentleman indeed.”


“Hay naku, Gerald... imposible si Bea lang ang merong kasalanan sa lahat ng nangyari sa relasyon n’yo... Kahit isang apology, wala ka man lang sinabi, sinisiraan mo pa.”


Sabi naman ng iba, tigilan na nilang pareho ang mga sagutan sa social media. Pareho lang naman daw nilang minamanipula ang publiko.


“Gerald is manipulating the public. Deny pa siya dati na wala raw ibig sabihin 'yung love bracelet nila ni Julia.”


“Bea is manipulating the public, it's been more than a year, the first time is understandable 'coz she's hurt.”



 
 
RECOMMENDED
bottom of page