top of page
Search

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | May 16, 2021




Nag-sorry si Iwa Moto sa anak ni Jodi Sta. Maria sa partner niyang si Pampi Lacson na si Thirdy.


Si Jodi ang first wife ni Pampi na anak ni Senator Panfilo Lacson.


Panimula ni Iwa sa kanyang vlog, “Hi, kuya! Congratulations, anak! We are proud of you!”

Ayon sa Kapuso actress, nagiging nagger daw siya kay Thirdy pagdating sa mga requirement nito sa school.


“Pasensiya na kung nagger ako tuwing may need kang ipasang requirements. Hahahaha!”

Biniro pa niyang maririnig pa rin daw ni Thirdy ang kanyang pagna-nag sa susunod nitong school year.


“Next school year ulit, maririndi ka na naman sa 'kin, hahaha! But kidding aside, we love you. See you soon, babe. @iam.thirdy P.S. sana ganyan na lagi hair mo.”



 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | May 05, 2021




Nag-react ang mga netizens sa inamin ni Maja Salvador sa isang interview na diumano, nawalan siya ng mga endorsements nang maging BF niya si Gerald Anderson noon, habang umalagwa naman daw ang career ng aktor na BF na ngayon ni Julia Barretto.


Sabi ni Maja sa interview, “Dapat hindi namin pinilit. Oo, na-in love kami sa isa’t isa. Pero siguro 'yung mahirap na sa umpisa, pero parang 'and'yan na, eh! Alam mo 'yung ganu'n? Pero alam mong nag-struggle kaming dalawa, individually. Kasi ako, gapang talaga from the start. Kasi siya, dumadami pa 'yung commercials niya. Ako talaga, as in gapang ako, wala ako. Nawalan ako ng mga endorsements.”


Komento ng mga netizens…


“Ano ba 'yan? Bakit ngayon lang? Napaka-unfair.”


“Siyempre, pa-good person ang peg ni koya (kuya) mo, kaya ayan, may nagsasalita pa lalo para mainis siya, hahaha, and honestly? Deserve niya.”


“Hindi pa kasi solid ang fanbase ni Maja nu'ng sila ni Ge.”


Kaya raw nakakapagsalita na ngayon si Maja ay dahil hindi na siya Star Magic talent. Hindi na sila magkasama ni Gerald sa nasabing talent agency.


“Bakit naman? Is it because she just proves na Gerald is a disaster? Or is it because parang bini-bring down pa ni Maja si Gerald? Puwede rin namang both. But what can we expect? Gerald keeps doing interview and telling na his exes ang may kasalanan ng lahat kahit lahat ng exes niya ay nagdusa (mas nagdusa pa kaysa kay Gerald).”


Curious naman ang isang netizen. Bakit daw kinakailangan pang magsalita ng petite actress gayung sinasabi raw nito na "she can just live in peace"?


“Jinx pala si Gerald, hahaha!”


“Lahat ng ex niya, masaklap niyang iniwanan kaya wala siyang respeto sa mga kababaihan.”


“Wow, ano kaya'ng naisipan ni Maja at nagbigay siya ng statement na ganito? Parang may pa-warning eh.... joke lang.”


“In-interview siya ng Mega magazine. Siya kasi ang cover this month. Tinanong siya, sinagot niya.”


Anyway, dapat pala ay kay Maja ang sex-drama teleserye na Init Sa Magdamag at hindi kay Yam Concepcion. Siya dapat ang leading lady nina Gerald Anderson at JM de Guzman.


Kaso, tumanggi umano si Maja dahil na rin sa respeto sa boyfriend niya ngayong si Rambo Nuñez.


“Bago pa nga lang 'yung relationship namin, itinodo ko na, eh,” referring to her businessman boyfriend.


“Kasi, ‘di ba, grabe ako sa pagpapahalaga ko sa work? So, walang makakapigil sa 'kin if mag-kissing scene ako, love scene, ganyan, kahit ‘di comfortable ‘yung ka-relationship ko. I do it because it’s my work.


“And then, noong nagkabalikan kami ni Rambo, meron akong moment na, ‘Gusto ko mag-work ‘to.’ Baka kaya hindi nagwo-work kasi wala akong pakialam. Kasi sarili ko lang iniintindi ko, parang hindi ko pinapahalagahan ‘yung nararamdaman ng partner ko.


“So, 'yun ‘yung nag-start na kinausap ko ‘yung mga bossing, ‘I want this relationship to work. Sorry po,’” pagbabalik-tanaw ni Maja.

 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | April 15, 2021




Para may mapaglibangan si Ion Perez habang nagpapagaling ng kanyang pilay, naisipan ni Vice Ganda na bilhan ng PS5 ang boyfriend.


Napilayan kasi si Ion last Lenten Season nang mag-badminton ang dalawa.


Ani ng It’s Showtime host sa kanyang vlog, “Naawa ako kasi si Ion, siyempre, ang buhay lang naman niya, magbisikleta o kaya du'n sa gym niya, workout-workout siya. Eh, kasi nga, 'di ba, nag-ECQ, 'di siya nakakalabas?”


Patuloy pa ng TV host, mahirap daw na kalaban ang pagkabagot sa gitna ng lockdown at nakakulong lamang sa bahay ang mga tao kaya sinikap niyang makahanap ng makakapagpasaya kahit paano sa taong mahal niya.


“Alam ko, nalulungkot siya. Eh, 'di ba, ang hirap-hirap lalo ngayong ECQ, kasi ang daming pinapatay ng kabagutan? Mahirap ding laban ang boredom,” ani Vice.


Pansamantalang nakabenda ang paa ni Ion at gumagamit muna ng saklay.


Ganyan kamahal ni Vice si Ion, iniisip pa rin kung ano ang ikasisiya nito kahit napilayan na.


Sabi nga niya, “'Pag mahal mo 'yung tao, 'di ka papayag na makitang malungkot siya. 'Di naman magsasabi 'yan, eh, makikita ko, mararamdaman ko, pero 'di 'yan magsasabi. 'Di niya aaminin.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page