top of page
Search

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | May 25, 2021




Natsitsismis si Gladys Reyes na ang ipinampapaligo raw nito ay ilang gallon na mineral water kaya super-flawless ng kutis, lalo na ang mga binti.


May bali-balita pang may insurance raw ang kanyang legs dahil talaga namang napakakinis.


Pinabulaanan naman ito ng mahusay na kontrabidang aktres. Aniya, hindi ito totoo.


Dalaga pa nga naman si Gladys ay naging usap-usapan na ang kanyang kutis.


Natatawa na lang siya sa mga kumalat na mineral water ang pampaligo niya.


Sadyang maingat lang daw ang kanyang ina sa kanyang kutis mula nang bata pa siya kaya nadala niya na ito hanggang sa siya ay nag-mature na.


Hindi rin daw totoo na insured ang kanyang legs dahil super-kinis nga.


Ani Gladys sa isang panayam, “Hindi po totoo. Chismis lang 'yun (laughs). At saka, hindi rin totoo 'yung sinasabi nila na naliligo ako ng mineral water, hindi po totoo 'yun. Chika lang 'yun."


Dahil napanatili niyang maganda ang kanyang kutis, naging endorser siya ng iba't ibang produkto lalo na ng mga pampaganda.


Ang alam namin, may negosyong sabon na pampakinis ng kutis ang aktres.

 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | May 24, 2021




Ang dami nang nakaka-miss sa guwapong aktor na si Piolo Pascual.


Para sa kaalaman ng mga fans ni Papa P, busy ang inyong idol sa pagbubungkal ng napakalawak niyang hacienda sa Batangas.


Hands-on ang aktor sa pagkukumpuni ng kanyang mansion.


Sa mga posts na larawan sa social media, makikita talaga ang mala-Adonis na pangangatawan ni Piolo. Nandu'ng nakahubad siyang nagkakarpintero, nagpa-farming, nagkukudkod ng niyog at kung anu-ano pa.


Feel mong masaya si Papa P sa kanyang ginagawa na malayo sa kanyang buhay-artista.


Magmula nang nasibak na sa TV5 ang programa nilang Sunday Noontime Live ay hindi na rin napapanood sa TV ang actor.


Kamakailan ay may post si Papa P. sa social media kung saan siya ay nasa beach at katatapos lang yatang mag-surfing.


Komento ng isa niyang fan, "Ang guwapo mo, Papa P."


Sagot ng aktor, "Hindi naman... pero salamat, ha?" sabay "hehehe" na siya lang ang nakakagawa ng ganu'ng tawa.


Para sa amin, 'yun ang trademark na tawa ni Papa P.


By the way, alam n'yo bang ang Niña at Niño na napapanood sa TV5 starring Maja Salvador ay under pala sa production company ni Papa P.?


Naispatan kasi namin ang name nina Papa P, Direk Joyce Bernal at Erickson Raymundo of Cornerstone sa mga nakalagay sa acknowledgement.


So, nagpo-produce na rin pala ng show para sa TV5 si Piolo Pascual.

 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | May 22, 2021




Umagaw na naman ng atensiyon ang isang post ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang Instagram account kung saan makikita siyang nakasuot ng black sweater na may nakasulat na


"I feel like Pablo."


Caption ng Megastar: “I do feel like Pablo. Not Kanye, but Pablo Cuneta. Oh, Daddy… I miss you so much. Wish you were here to punch some people in the face for me! Hahaha!”


Dahil sa word na 'punch' na sinabi ni Mega, tulad ng ibang netizens, maging ang inyong lingkod ay naintriga.


“Punch the people for me???? Ano'ng problema ni Sharon???? Nakapagpahinga na sa Amerika at vaccine? May work naman. Mayaman naman. Mukha namang maayos ang pamilya nila ni Kiko, bati na sila ni KC. May kaaway pa rin????” hirit ng isang netizen.


Samantala, dahil walang diretsong sinasabi si Mega na dahilan ng bigla niyang pagpunta sa Amerika, ang daming espekulasyon na lumabas sa mga vlogs ng entertainment vloggers.


Halos iisa ang kanilang ibinabalita na nakalap daw nila sa kanilang reliable source.


Ayon sa mga entertainment vloggers, kaya raw biglaang umalis ng bansa si Megastar ay dahil napagbuhatan ito ng kamay ng asawang si Senador Kiko Pangilinan.


May balita pang sasampahan daw ng kaso ng aktres-singer ang senador.


Naku, ha? Sa tagal na ng pagsasama nina Sharon at Kiko at umabot na nga sila ng 25 yrs., kung totoong nananakit ang senador, di sana'y noon pa ay hiniwalayan na siya ni Mega.


Si Sharon pa ba ang makakatiis na saktan siya nang pisikal ng mister? Hindi naman siya martir, 'no!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page