top of page
Search

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | June 01, 2021




Nainterbyu virtually ng King of Talk na si Boy Abunda ang Miss Universe-Philippines na si Rabiya Mateo sa kanyang YouTube Channel last May 30.


Nakakabilib sumagot si Rabiya na umaming papasukin ang showbiz kapag nakabalik na siya sa bansa.


Ang daming tanong ni Kuya Boy na nasagot naman nang maayos ng beauty queen kaya hangang-hanga sa kanya ang King of Talk.


Napag-usapan din nila ang tungkol sa swimsuit competition na hindi raw ngumingiti ang beauty queen habang rumarampa.


Paliwanag ni Rabiya, hindi siya aware na hindi pala siya nakangiti. Siguro raw, 'yun ang time na sobrang pagod siya sa maghapon dahil ang dami niyang ginawa.


Nakaranas daw siya sa pagpo-promote na umaabot nang pito o hanggang walong promotions. May time na hindi pa siya kumakain na talagang gutom na gutom na siya at nangangatog na ang tuhod. Pero, hindi raw niya iniinda ang lahat ng hirap na dinanas dahil gusto raw niyang maiuwi ang korona.


Hindi pa raw siguro meant to be. Katunayan, idinadasal niya na kahit sa Top 5 lang ay makapasok siya.


Very thankful naman daw siya dahil pumasok siya sa Top 21. Siguro raw, hanggang doon na lang talaga.


"But I did my best, Tito Boy,” sabi ni Rabiya.


Pinasalamatan ni Rabiya ang lahat ng Pilipinong sumuporta sa kanya. Binanggit din niya ang Miss Universe organization, sina Shamcey Supsup, Pia Wurtzbach na naroon daw sa event at mahigpit na yumakap sa kanya after ng Miss U pageant.


Pero, ang hinihintay ng inyong lingkod na banggitin ni Rabiya at pasalamatan ay ang pangalan ni Miss Catriona Gray, pero hindi namin ito narinig.


Anyway, sa July ang uwi ni Rabiya sa 'Pinas, pero wala pa raw specific date kung kelan.


Habang nasa Tate raw siya ay kukunin na niya ang pagkakataong hanapin ang ama.

 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | May 31, 2021




Pinuna ni Alessandra de Rossi ang mga trolls na sa online lang daw matatapang.


Post ni Alex sa kanyang Twitter account, “Ang toxic ng social media. Nakaka-miss ang outside world kung saan nakatatakot magsabi ng nega sa personal ang isang taong ‘di ka kilala at baka makuyog ng barangay (laughing emojis). Makalayas na nga.”


Sagot ng mema/nega netizen, “‘Wag ka nang babalik! ‘Di ka namin kailangan.”


Buwelta naman ni Alex, “Ikaw owner ng internet? Char!”


Reaksiyon pa ng isang netizen sa post ng aktres, “Hindi nila kayang sabihin ‘yan sa personal. Mga binayaran sila para sumira ng buhay ng ibang tao.”


“No, kahit walang bayad. Ang yayabang sa internet. Puro lait, puro puna. In person naman, walang personality. Ano na?” reply pa ni Alex.


Hindi naman tinantanan ng mga netizens si Alex sa kanyang post at komento pa ng mga ito, “Eh, di umalis ka sa social media, Alessandra! Hindi ka kawalan.”


“Ayaw n’ya pala sa social media pero tweet nang tweet. Labo.”


“Alex has a choice to either ignore the trolls or leave social media for now if it's too toxic for her. Making parinig will only make her antis hate her more.”


“Ikaw ba may-ari ng social media? Lol, ‘wag ka nang mag-internet.”


“Walang career kaya nag-iingay na lang sa socmed para mapansin.”


“Galit s’ya dahil hindi s’ya naba-bash in person?”


Pagtatanggol naman ng isang netizen, may point daw si Alex sa kanyang ipinost.


Sey pa nito, “Tama naman siya. Ang daming nagsasabi sa internet ng pangit, etc.. Panay puna. Pero ang mga mukha nila in person, nakakasuka. Then, meron pa ang profile, eh, about GOD and Proverbs, tapos ang mga comments, puro pintas.”




 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | May 26, 2021




Ayon sa mga netizens, mukhang nagpaparamdam na raw si Angelica Panganiban na gusto nang magkaroon ng sariling pamilya.


Sa Instagram post kasi ng aktres ay nagbi-build siya ng tahanan at isang Volkswagen car sa pamamagitan ng Lego toys kasama ang non-showbiz boyfriend na si Gregg Homan.


Caption ni Angge: “Love Bug.”


At isa pang caption: “We might be building our home together.”


May paalala sa aktres ang komento ng isang netizen, “Hinay-hinay dzai, baka umiyak ka na naman.”


“Kasal na kasal na si Atih. Siyempre naman.”


“Kawawang Angge. Sana, 'di na siya magkamali.”


“Grabe naman kayo! In fairness to Angelica, matatagal ang relationship niya and mukhang ibinibigay niya lahat sa relationship… hoping this will be her last.”




“Sana, 'di siya nag-uumpisa na naman na nagpapasaring sa social media ng gustong gawin ng BF n'ya sa kanya. Feeling ko, du'n natatakot mga BFs n'ya 'pag gumaganu'n s'ya.”


“Live-in na sila, 'di ba?” sey naman ng isang netizen dahil sa balitang sa Subic na nakatira ngayon si Angelica kasama ang BF.


“I think so, kasi she always says du'n siya nag-stay sa place ng guy.”


“Nadadaan naman sa usapan 'yan, pero sana, she learned her lesson not to involve social media agad-agad lalo na non-showbiz naman si guy. Baka masayang na naman.”


“A is emotionally needy. She's an adopted child who grew up not knowing her real parents are. She tried to search for them when she's already grown up and a popular movie star, thank God she found her American father and met w/ him in the U.S. Her mother unfortunately had already passed away. People should understand how difficult it is for an adopted child to grow up feeling that deep void in your life, maybe that's why she always needs somebody to make her feel wanted and needed.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page