top of page
Search

KAYA PINAKAWALAN NG SIYETE.


ni Beth Gelena - @Bulgary Files | June 04, 2021




Matagal nang nababalita na lilipat sa Kapuso Network ang Kapamilya star na si Beauty Gonzales, pero paulit-ulit na rin itong idinenay ng aktres.


Ngayon ay muling nabuhay ang chika at mapapanood na raw sa isang bagong soap ng Kapuso si Beauty.


Abangan na lang ang susunod na balita kung kumpirmado na nga bang lumipat na si Beauty.


Komento naman ng mga netizens sa isyung ito…


“Kaya naman pala hinayaan na ‘yung gurangers na si Sunshine (Dizon). Pinalitan ng bata at sariwang si Beauty! Welcome to Kapuso!”


“Daming nangangapit-bahay.”


“Mas exciting kung sina Bea Alonzo, John Lloyd Cruz at Sarah G. ang lilipat.”


“Gusto kong lumipat si Bea para she can have a show with Alden (Richards) after ng kay Jasmine (Curtis-Smith) na teleserye. Gusto ko ring magkaroon ng show si Alden with JLC. Sa level ni Alden ngayon, dapat mga sikat din ang makakasama niya and not the starlets of GMA-7 lang.”


“Oh, bakit siya lumipat? ‘Di ba, lagi naman siyang binibigyan ng project sa ABS-CBN? Mukha tuloy silang exchange deal ni Sunshine Dizon.”


‘Yun na!

 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | June 03, 2021




Mukhang tuloy na ang pagtakbo ng napakahusay na Kapamilya actor na si Arjo Atayde sa 2022 elections.


Balitang hindi lang daw si Arjo ang tatakbo kundi marami pang Kapamilya celebrities ang neengganyong pasukin ang pulitika.


Dahil kaya ito sa hindi pagbibigay ng franchise renewal ng Kongreso sa ABS-CBN nu’ng nakaraang taon kaya may nagpaplano sa ilang Kapamilya actors na tumakbong kongresista sa coming elections?


Pangalan pa lang ni Arjo ang nababalitang tatakbo, though nagpahaging na rin si Luis Manzano sa kanyang Facebook Live kamakailan.


Sinabi ng congressional insider sa Politiko online page na sa 5th District ng Quezon City napipisil ni Arjo na tumakbo.


Si Congressman Alfred Vargas ang siyang nakaupo ngayon sa 5th District ng Kyusi. Last term na ni Cong. Alfred at nababalita namang senador ang tatakbuhin niya sa darating na election.


Ayon pa sa congressional insider, tatakbo ang aktor sa team nina Quezon City Mayor Joy Belmonte at Vice-Mayor Gian Sotto.


Makakalaban umano ni Arjo, if ever na matutuloy siya, ay ang kapatid ni Cong. Alfred na si Patrick Michael Vargas na incumbent 5th District councilor, kaya 'di raw ganu'n kadaling mananalo ang BF ni Maine Mendoza.


Pero may nagsasabi ring malakas ang campaign caravan ng Kapamilya actor dahil makakatulong daw sa kanya ang girlfried na si Maine at ang mga EB! Dabarkads.


Espekulasyon pa ng congressional insider, baka raw magsanib-puwersa ang EB noontime show at ang Kapamilya artists para suportahan si Arjo.


Pero, malalaman lang daw ang lahat kapag naglabas na ng survey sa first half nitong taon. If hindi raw makakapasok sa unang survey si Arjo, may Plan B na raw ang actor at 'yun ay ang pagtakbo sa 3rd District as councilor sa tinatawag na City of Stars.


Anyway, wala pa namang kumpirmasyon mula kay Arjo kung tatakbo nga ba siya sa darating na elections. Malalaman na lang kung sinu-sinong mga celebrities ang magpa-file ng kanilang candidacy sa buwan ng Oktubre.

 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | June 02, 2021




Sa vlog ni Kim Chiu last May 30, sumabak siya sa "Truth or Drink" Challenge.


Isa sa mga naitanong sa kanya ay kung papayag ba siyang maging kaibigan ang kanyang ex-boyfriend.


Natatawang sagot ni Kim, "Friends naman kami. Friends kami!"


Pero dinugtungan niya ito ng, "Ayaw lang niya akong maging friend!"


Hindi man binanggit ang pangalan ng ex-BF, alam naman ng lahat na si Gerald Anderson lang 'yun.


Natanong din siya kung nanloko na siya ng naging karelasyon.


Sagot ni Kim, "Never!"


Sunod na tanong, "Have you ever been cheated by someone?"


Ang bilis ng sagot ng TV host-actress, "Yeeesss! Truuuuth! True!"


Hindi na nagbigay pa ng detalye si Kim tungkol sa karanasang nabanggit.


Nang tanungin naman siya kung naranasan na niyang magpautang sa naging karelasyon.


"No, wala pa. Pasalamat na lang sa Diyos at mga naging karelasyon ko ay may pera naman sila," sambit nito.


Sa ngayon, si Kim ay masaya sa piling ng long-time boyfriend na si Xian Lim.


Siyam na taon na silang magkasintahan kaya ang mga kaibigan nila ay nagtatanong na kung kelan daw ba sila magpapakasal.


Uhhmm… kailan nga ba, KimXi?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page