top of page
Search

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | June 08, 2021




May plano rin daw ang GMA Network na proyekto para kina Derek Ramsay at Ellen Adarna. Mukhang sagot ito para sa John Lloyd Cruz-Andrea Torres sitcom.


Matatandaang sina Derek at Ellen ay parehong ex nina JLC at Andrea.


Ang WBR Productions ni Willie Revillame ang magpo-produce ng sitcom para kina Lloydie at Andrea.


Nang tanungin si Andrea hinggil sa proyekto nila ni John Lloyd, ayon sa aktres, hindi naman siya na-surprise dahil mas na-excite raw siya.


Samantala, si Derek daw ang mismong lumapit sa isang GMA executive para kuning artist si Ellen. Si Ellen ay may sitcom sa TV5 with John Estrada kung saan ang isa sa mga producers ng show ay si Derek.


Kuwento raw ng isang source, “Inalok o binanggit diumano ni Derek sa isang executive ng network na bakit hindi na lang kunin ng GMA si Ellen.”


If kukunin ng Kapuso si Ellen, may posibilidad na magsama sa isang project ang celebrity couple. Kaya, puwedeng pantapat sa JLC-Andrea ang Derek-Ellen team-up.


In that case, mukhang magkakaroon ng salpukan na sa iisang network lang mangyayari.

 
 

'THANK YOU'.



ni Beth Gelena - @Bulgary Files | June 07, 2021




Ano kaya ang dahilan ni Julia Barretto at ginawa na niyang pribado ang kanyang vlog interview sa amang si Dennis Padilla?


Ang video na kanyang in-upload last May 3 titled Julia Barretto and Dennis Padilla Reveal Ups and Downs of Relationship ay pinick-up ng Fashion Pulis at nilagyan ng title na Daughter Proud of His Dad’s Change of Heart.


Nang i-open ang sinabing video ay hindi na ito naka-public. May nakalagay nang private at kung gusto raw i-open, kinakailangang mag-sign-in sa YouTube ng owner.


Palaisipan sa mga netizens ang ginawa ni Julia.


Sabi tuloy ng mga netizens, “Dapat, kung gagawa sila ng movie ng tatay n’ya, ang magandang title is, I Love You, Thank You.”


“Bakit niya pinrivate?”


“I love you, thank you and goodbye dapat, kasi gustung-gusto na ni tulya na hindi ma-involve sa tatay niya in whatever it is, hahaha!”


Marami naman ang nanghihinayang sa interview ni Julia sa ama dahil ‘yun daw ang pinakamaraming views niya sa kanyang YT Channel.


“LAGOT! BABALIK NA NAMAN ‘YUNG GALIT NIYA SA TATAY NIYA DAHIL SA INTERVIEW NI OGIE DIAZ! ‘YUNG MGA ALAALA NU’NG MGA NO PROVISIONS SI DENNIS SA KANILA!”


“Ironic. Kung ano pa ‘yung may pinakamarami niyang views, ‘yun na ang inihinto. Hehehehe.”


“Baka dumami ang dislikes. Minsan, tinitingnan ng YouTube kung bakit maraming dislikes sa video.”


“More like, mas kinaayawan siya ng madlang people.”


“After Dennis' interview, sangkatutak na pamba-bash ang ginawa sa kanya dahil nakita kung gaano siya 'ka-well raised daughter'... ayan, may time sa jowa pero sa dad, wala.”


“Bakit private na?”


“Wow! Back to zero sila uli. Well, kumita na rin naman s’ya, sana, ibinigay sa tatay. Goes to show, mas kampi s’ya sa BF n’ya. Ang tatay naman, sana, ‘di na sinagot pa ang tanong.”


“Ito ‘yung nag-I love you ‘yung tatay, ang sagot n’ya, ‘Thank you.’ 'Kaloka!!!”


“Well-raised dawter kuno. Pero ungrateful sa tatay. Buti pa kay Gerald, nakakapag-ILY.”

“Panay sabi ng love, love, love kay Gerald. Sa tatay, ang sagot sa ILY is thank you.”


“At mas nairita pa ang mga netizens doon sa interview ni Ogie kay Dennis, na wala man lang financial help itong mga bata habang muntik nang mamatay ang tatay.”


“Sabi nga ni Julia, ‘yung ibang mga words ni Dennis, nakaka-trauma sa side nilang magkakapatid.”


“Not on Julia's side pero based kasi sa interview na ‘yan, both may mistakes at pagkukulang sa isa’t isa.”


“Si Dennis ang ipinahiya n’ya r’yan sa vlog n’yang ‘yan, kalerks. Ipinamukha nang ipinamukha ni Julia na napakasama ni Dennis kahit sorry nang sorry.”


“Wala namang masamang sinabi si Dennis sa interview kay Ogie. You can feel Dennis’ sincerity and humility.”


Ang daming analysis ng mga netizens sa interbyu ni Julia sa ama.


Sey pa ng ibang netizens: “Du’n sa pag-uusap nilang mag-ama, una n’yang inilubog ang sarili n’ya. Ang daming pumuna na nagmalinis sila at ipinasa lahat ng mali sa tatay n’ya. She tried so hard na palabasin na ok na ulit sila ng tatay n’ya pero ‘di pa rin napanindigan. Thank you ang sagot sa ILY ng ama... S’ya talaga ang naglulubog sa sarili n’ya.”


“Buti na lang in-interview ni Ogie si Dennis para naman malaman ng mga tao kung ano ang nangyari sa tatay habang nagkasakit ng Covid.”


“Before, deleted lang ang bad comments, puro praise comments lang ang allowed. Now, private na. Why kaya? Baka because of Ogie’s interview din, hehe.”


Pagtatanggol naman ng isang fan ni Julia: “All of your negative comments about Julia, it goes to show what kind of human being you are, not her, so keep barking because she keeps on winning.”


Sagot naman ng isa pang netizen: “Yup, she is winning the bashers ire all the time.”

 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | June 05, 2021




In-unfollow na pala ng dating magdyowang Rabiya Mateo at Neil Salvacion ang isa't isa sa Instagram.


Naniniwala tuloy ang mga netizens sa rumors na lumalabas na habang nasa Miss Universe competition si Rabiya ay break na sila ng BF for 7 yrs.





Kamakailan lang ay sinabi ng beauty queen sa interbyu ni Kuya Boy Abunda na hindi lang daw sila nagkakausap, pero walang breakup na nangyayari.


Sabi pa nga ni Rabiya, they just need some space and they will patch things up pag-uwi niya sa 'Pinas. Hindi raw niya isinasara ang pinto para sa kanila ni Neil.


Komento tuloy ng mga netizens, "Mas maganda talagang piliin na maging GF ang Ms. World. Just saying lang po."


Ang pinatutungkulan ng netizen ay sina Megan Young na former Miss World at ang actor na si Mikael Daez.


"Good for Neil, sana bumalik na siya sa tahimik. I mean, hindi na siya maging laman ng social media."


"Sayang ang taon kung totoo man 'yan."


"Ang sumpa ng Miss Universe!"


"Sobrang nakakahinayang dahil ilang taon ang binilang ng relasyon nila."

 
 
RECOMMENDED
bottom of page