top of page
Search

PFIZER, BINASH NG NETIZENS.


ni Beth Gelena - @Bulgary Files | June 11, 2021




Bina-bash ang mag-asawang Isabelle Daza at Adrien Semblat dahil sa kanilang tweet na larawan kung saan nakasuot ng cap ang mag-asawa na may nakasulat na "Vaccinated by Pfizer."


Para sa mga netizens, mayabang ang mag-asawa.


Anila, “Rich people are so annoying.”


“Ginawang bragging rights 'yung vaccine brand. But what do we expect ba from Isabelle Daza?"


“They live in HK where they got vaxxed, but not sure those caps are standard issue for people who get jabbed.”


“They’re not, they bought them from soloclubapp. Supposedly for a good cause but in really poor taste considering they’re flaunting getting a vaccine that isn’t even available where most of their fanbase is. 'Di ba puwedeng mag-donate na lang sila? Lol.”


“As usual, Isabelle Daza being the out of touch rich-rich person that she is. Like why the need?”


May nagsasabi pang “I hope Isabelle Daza deletes this. Basura kasing tingnan. At very cheap lang.”


“Alam n'yo si Isabelle Daza 'yung taong problematic at unapologetic about it like…. 2021 na, wala pa ring character development si siz.”


“Isabelle Daza needs a jab in the face.”


Isang netizen naman ang naghahanap ng “Wala bang vaccinated cap in Sinovac? Because I want that #RichPeople.”


“There’s something with Isabelle Daza in her caps/hats talaga, 'no?”


“Back to toxicity muna. I think the problem with Isabelle Daza's post is that it gives emphasis on their privileges to have access to a brand of vaccine. And let’s not fool ourselves. It’s insensitive and plain stupid of a flex.


“'Yung sa Pfizer issue 'wag na tayo bulag-bulagan 'noh, kasi people fooled vaccine sites when Pfizer units were delivered to ph na. Even mayors had express priorities over it. Ayernn. As Filipinos we just need to encourage people that. The best vaccine is what is available to us”


Sagot naman ng netizen, “So, ano'ng purpose nu'ng post ni Isabelle Daza na vaccinated sila ng Pfizer? Magyabang? If it’s meant to raise awareness on the importance of vaccination, bakit kailangang included 'yung brand?”


Well, for me, Pfizer man o Sinovac ang mai-inject na bakuna, ang mahalaga ay nabakunahan tayo ng panlaban sa COVID.


Eh, ang inyong lingkod nga, AZ (AstraZeneca) ang first dose at ang tagal ng second dose, ha?


My first jab was May 15, ang second dose ko ay August 7. Matok n'yo 'yun, two months waiting pa ang lolah n'yo?


And sana, aware rin ang mga netizens sa pagpo-post na may kinalaman sa COVID-19. You know naman ang mga tao, may marinig o mabasa lang tungkol sa pandemya, sensitive na sila.

 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | June 10, 2021




Malakas ang bulung-bulungan na tatakbo umano si Manila Mayor Isko Moreno bilang presidente sa 2022 elections. How true kaya ang tsikang ito?


Sa aming pagkakaalam, wala pa siyang plano sa pagtakbo sa mas mataas na posisyon.


Natatandaan ng inyong lingkod na nabanggit niya sa vlog ng isang celebrity — kung saan pinuntahan pa siya sa kanyang opisina sa City Hall para interbyuhin kahit na araw ng Sabado — na gusto raw muna niyang tutukan nang husto ang Maynila.


Kailangan pa raw siya ng kanyang mga constituents lalo na at talagang taal siyang taga-Manila. Batang-Tondo si Yorme kaya alam niya ang buhay-buhay ng mga taga-Manila.


Natanong din ang dating aktor na kung active pa siya sa pag-aartista, sino raw bang ina-idolize niyang aktres ang gusto niyang makapareha?


Ani Isko, “Sina Anne Curtis at Bea Alonzo.”


Hmmm… Mahilig pala sa tisay ang alkalde.

 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | June 09, 2021




Ang ganda ng interbyu ni Ogie Diaz sa mahusay na news anchor-broadcast journalist na si Ms. Karen Davila.


Ayon kay Karen, nakakatakot daw ang mga showbiz interviewers kasi kung tumira ay… “My God, talagang buong kaluluwa mo, patay din.”


Sey naman ni Ogie, hindi na raw uso 'yun ngayon.


Naitanong sa mahusay na broadcaster kung nasuhulan na ba siya lalo na't 27 years na siya sa radio and TV broadcasting.


Sagot niya, “Absolutely. Alam mo, ang pinakamalaking attempt na suhol ay sa radio. Sa radio kasi, hindi mo alam ang komentaryo, eh, napakadali.


“Eto po ang masasabi ko sa inyo na talagang with the straight face is all the times na I have been offered, I have never taken a single centavo in my life.


“Because I felt ayokong babuyin ang propesyon ko. Hindi rin po ako magiging ganito o rerespetuhin nang ganito kung kakalat 'yan.


“Sasabihin nila, ''Yang si Karen, tumitira 'yan pero bayaran din 'yan… na tumatanggap 'yan.


“Bina-bash nila ako that it hurts me na ginagawa mo ang effort mo, but no one can say na bayaran 'yan and ABS-CBN knows.”


Natanong din siya kung gaano kalaki ang in-offer sa kanya.


“Name your price kada buwan. Nagbanggit pa sila ng ibang anchors na si ganito, ganyan. Dinala pa nila ako sa isang restaurant at magugulat ka na that was oil industry issue.”


Sinabi pa raw sa kanya na walang makakaalam.


"But I know and they know," aniya.


Sa paraan ng pagha-handle ng interbyu ni Karen sa mga prominenteng tao, marami siyang natatanggap na pamba-bash na mga below the belt.


Aniya, “P.I.! Mamatay ka na sana! Ma-gang rape ka sana! Ipapapatay kita!" at kung anu-ano pang masasakit na salita na talagang hindi raw malulunok ng kung sinumang makakabasa.


Pero, hindi raw niya sinasagot ang mga bashers. Ipinapasa-Diyos na lang daw niya ang lahat. Iyon daw ang time na 2016 presidential elections dahil sinabihan siyang bias sa tumatakbong presidente noon na si Rodrigo Duterte.


Samantala, natanong din si Karen kung magkagalit ba sila ni Korina Sanchez. Matagal na kasi silang pinagsasabong sa ABS-CBN.


Natawa si Karen at aniya, nagkita lang sila kamakailan ni Korina sa party ni Anton San Diego.


Ipinost daw 'yun ni Korina at marami ang natuwa na sila ay magkasama.


Paliwanag ni Karen, “Korina was already an icon. Lumipat po ako sa ABS-CBN, (year) 2001. Hindi po ako competitor ni Korina. Korina Sanchez na po siya. Kailanman, hindi po kami nagpantay.”


Mga tao lang daw ang nagpapaaway sa kanila. Wala lang daw talagang opportunity na sila ay magkasama.


Nanghihinayang nga raw siya dahil marami siyang naririnig na masarap maging kaibigan ang isang Korina Sanchez.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page