top of page
Search

PARA SA PAGTAKBO SA 2022.


ni Beth Gelena - @Bulgary Files | June 15, 2021




Kinumpirma ni Direk Erik Matti na si Mayor Isko Moreno ang gaganap as Andres Bonifacio sa upcoming historical film tungkol sa mga bayani.


Sambit ng director, “We’ve decided upon so many considerations… we decided to get Yorme Isko Moreno as our Bonifacio for this movie.”


Aniya pa, ang aktor-pulitiko raw ang perfect sa role dahil aside from their physical resemblance, both were theater actors who hailed from Tondo, Manila. And just like Moreno, the hero’s father, Santiago Bonifacio, was a former Manila mayor.


Natanong tuloy si Direk Matti kung ang biopic ni Andres Bonifacio ay gagamitin daw ba sa pangangampanya ni Yorme, if in case na tatakbo siya for higher position.


Sagot ng director, “From our end, we just want to do a movie and if he runs for higher office I’m there for him.”


Ang magiging tentative title ng movie ay May Pag-asa.


Esplika niya, “We wanted to tell a story that could be relevant for 2021…


“Upon looking at it, I think the divisiveness that we are having right now in the country is really what made us think that the Bonifacio movie which also was rife with divisiveness during that time they wanted to win over the Spaniards, I think those issues during that time make the whole film relevant to us nowadays.”


Mag-uumpisa raw silang mag-shoot ng biopic ni Bonifacio three to four weeks from now.

 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | June 14, 2021




Napanood namin ang vlog ni Zsa Zsa Padilla kung saan ang bagong in-upload niya sa kanyang Buhay ProbinZsa YouTube channel ay ang pagdalaw niya sa napakalawak na lupain ng lovey niyang si Tito Dolphy (RIP) sa Calatagan, Batangas.


Kasama niya sa tripping ang anak nila ni Comedy King na si Zia at ang isa pang anak ni Tito Dolphy na si Epi Quizon.


Ayon sa Divine Diva, matagal na raw nilang nabili ni Tito Dolphy ang nasabing lote.


Aniya, “Parang eight or ten years na ang aming relasyon, ganyan.”


Ang value raw ng lupang nabili nila noon ay sobrang layo na kumpara sa halaga nito ngayon na doble o triple na.


Tinawag na DolphyVille Estate ang lupaing nabili nila sa Calatagan.


Sambit pa ng batikang singer, doon daw itatayo ang museum ng Comedy King.


Pagkokorek naman ni Epi, tatawagin daw na Dolphy Manor ang lugar dahil ang whole estate ay close to 14 hectares at magkakaroon daw ang whole Quizon family ng mango farm at ang iba naman ay iko-convert to Quizon residential sa tulong daw ng Exceed Realty.


Lalagyan din daw nila ng resort type na may swimming pool at mausoleum kung saan doon naman ilalagay ang mga personal things na ginagamit ni Tito Dolphy noon sa kanyang mga pelikula at maging ang mga kotse nito.


May part din daw ng residential complex.


Anila, 90 percent nang gawa ang mga road which is ipapangalan daw nila ang mga kalye sa naging character ni Tito Dolphy noon.


Sabi ni Epi, dapat ay sa pangalan ng mga anak ng kanilang ama, pero mukhang kukulangin daw ang kalye kaya napagkasunduan nilang sa mga naging characters na lang ng Comedy King.


Pero ang pinaka-main road, papangalanan nilang Dolphy Street.


Sabi ni Zsa Zsa, sa mga interesadong kumuha ng lote ay tawagan lang ang DolphyVille Estates Batangas.


Sey pa ni Zsa Zsa, patapos na ang project niya sa Lucban, Quezon kaya after daw doon ay tututukan naman niya ang DolphyVille.


Ang tinutukoy na project ni Zsa Zsa ay ang Casa Esperanza at ang ancestral house na ipinagagawa nila ng kanyang partner na si Architect Conrad Onglao.


Si Arch. Conrad ang pumalit sa puso ni Zsa Zsa after na pumanaw ang Comedy King.


In fairness, ilang taon din bago muling nagmahal ang Divine Diva.


Pero, kahit may bago na siyang partner, hindi pa rin niya nakakalimutan ang kanyang lovey dovey na si Tito Dolphy.


Ang dami ring pumuri sa Divine Diva sa magandang relasyon niya sa Quizon family hanggang ngayon.


Sey pa ng mga netizens, “Bilib ako sa relationship niya with the Quizons kahit na may Onglao na siya.”


“Mature kasi ang mga isip nila kaya hindi big deal ‘yan.”


“I remember Dolphy left 600 million worth of properties, nasa news ‘yan, in-auction nila.”

 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | June 12, 2021




May nagtanong kay Jessy Mendiola kung hindi raw ba siya aware na isa na siyang laos na aktres.


“What do you feel when people call you laos?"


Sagot ng misis ni Luis Manzano, “Hindi ko rin naman nakikita 'yung sarili ko as super-sikat, superstar, or whatever.


“I don’t feel hurt or anything. In a way, totoo naman din. Hindi naman na talaga ako super active.


“Wala rin naman talaga akong magagawa. Grateful lang ako na nasa circulation pa ako sa showbiz.”


Sinagot din niya ang rumor noon pa na isa siya sa ‘classic Lopez girl.’


May previous article raw kasi na lumabas sa Facebook na nakalagay ang mga pangalan ng local celebrities at isa ang pangalan ni Jessy sa nandu'n bilang untouchable dahil sa "Lopez’s protection."


“No, hindi po totoo. And hindi ko alam kung saan nanggaling 'yun, but no, it’s not true.”


Ang mga sagot na ito ni Jessy ay mapapanood sa kanyang latest vlog.


Ibinahagi rin ni Jessy sa kanyang vlog na handa na siyang magka-baby.


Plano nila ni Luis ay dalawa o tatlong anak lang.


Gusto niyang pagdating niya ng 33 ay may mga anak na sila. Twenty-eight years old na ngayon ang actress at dapat ay buntis na siya sa kanyang late 20s rather than her early 30s.


Ayan, Luis, malapit na, at kailangan nang mabuntis ni Jessy kaya bilis-bilisan n'yo na ang paggawa ng baby.


And surely, ang higit na matutuwa bilang lola ay si Ate Vi dahil atat na atat na itong magkaapo.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page