top of page
Search

'DI MAGANDANG GINAWA SA PARTY?


ni Beth Gelena - @Bulgary Files | June 24, 2021




May lumalabas na balitang hindi na raw itutuloy ni Willie Revillame ang pagpo-produce ng sitcom para sa comebacking project ni John Lloyd Cruz. May alegasyon na nagbago na raw ng isip ang Wowowin TV host kaya nag-backout na.


Ang WBR Productions ni Kuya Wil ang dapat magpo-produce ng pagbabalik-TV ni Lloydie. Ito rin daw sana ang pagbabalik ni Kuya Wil sa larangan ng pag-arte.


Supposedly, siya ang line producer ng nasabing sitcom kung saan kasama rin siya sa planning project na si Andrea Torres ang makakapareha ni JLC.


But suddenly, sa vlog ni Ogie Diaz with Mama Loi na Showbiz Update, na-tackle nila ang nasabing isyu.


Tanong ni Mama Loi sa beteranong writer-cum comedian-actor-talent manager, totoo raw bang hindi na itutuloy ni Kuya Wil ang pagpo-produce ng sitcom ni John Lloyd na mapapanood sa GMA-7?


Shocked si Mama Ogs dahil wala raw siyang alam na may ganoong balita.


Kuwento naman ni Mama Loi, may nakita raw kasi si Kuya Wil kay John Lloyd na ikina-disappoint ng TV host nu’ng nag-cast party after nilang mag-TV special para sa Shopee.

“May nakita raw si Willie, at saka ‘yung mga ibang bossing ng network na hindi kaaya-ayang ginawa ni ano, ni John Lloyd,” pagbabahagi ni Mama Loi sa nakalap niyang isyu.


Tinanong ni Mama Ogs kung ano ang nagawa ni JLC. Ibinulong lang ni Mama Loi kung ano ang dahilan.


Nang marinig ang bulong ni Mama Loi, sey ng manager ni Liza Soberano, kung may nakita raw na something si Kuya Wil sa ginawa ng aktor, hindi raw niya puwedeng i-reveal dahil ayaw naman daw niyang husgahan agad si JLC.


Sabi pa ni Mama Ogs, baka raw in-allow naman si JLC na gawin kung anuman ‘yun. Singit naman ni Mama Loi, if that was the case, bakit naman agad magba-backout si Kuya Wil sa supposedly project nilang dalawa?


Dagdag pa ni Mama Loi, GMA na raw ang magpo-produce ng nasabing proyekto para kay JLC at out na raw si Kuya Wil.


Hmmm… how true kaya ang chismis na ito?

 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | June 23, 2021



IG officialkikoestrada, heavenperalejo, devonseron


Pinuri ng ina ni Kiko Estrada, ang dating aktres na si Cheska Diaz, ang ama ng ex-girlfriend ng anak na si Devon Seron.


May post si Cheska ng kanilang larawang mag-ina kasama si Devon sa kanyang social media account. At isa pang larawan na magkasama naman sina Kiko at Devon nu’ng time na mag-on pa ang dalawa.


Ang caption ni Cheska, “Happy Father’s Day. Truly you raised a very good and loving daughter.”


Sinagot naman ni Devon ang dating aktres, “Thank you, Tita Cheska. Happy Father’s Day din po to Tito Carlos!”


Nag-react ang mga netizens sa post ni Cheska dahil kamakailan lang ay kumalat ang mga pictures na sina Kiko at Heaven Peralejo na ang magkasamang nagba-bonding sa beach.


Sabi nga ng mga netizens, “Mukhang kay Devon boto si mudra. Mabait naman talaga kasi.”


“Medyo insensitive si Cheska sa part na 'yan. Ano na lang mararamdaman ni H?”


“Nakakahiya naman kay Cheska at insensitive pa siya sa lagay na 'yan, ha! Devon must have shown respect towards her nu'ng sila pa ni Kiko and she acknowledged Devon’s dad for that.”


“Makapal din naman ang mukha ni H. I don't think H really cares what people say about her or may natatapakan ba siya. As long as makuha ang gusto niya, keber kung ano'ng sasabihin ng tao.”


“You can see in Cheska's IG post that they invite Devon on special occasions. They have treated her like a family kasi naman mabait at may respect si Devon. 'Di ko lang alam doon sa bago.”


May nagsasabi namang, “Mukhang 'di boto ru'n sa bagong jowa.”


“Ibig sabihin, kilala niya ang bata for her to express that and she appreciates how she was raised.”


“Ano kaya ang reaction ni Heaven sa comment na ito? Hahaha!”


“So, alam na, bet ng mom ni Kiko si Devon. Legit na well-raised daughter, haha!”


“Wala siyang magagawa, eh, iba ang mahal ng anak niya, kahit boto pa siya sa old GF.”


“Hahaha! Subtle shade ni Mommy. I love it!! Isa sa mga winning moments talaga in life 'yung 'pag napamahal sa 'yo ang mother ng BF mo, kahit mag-break pa kayo. So, cheer up, Devon!


Mukhang ikaw na nga ang itinadhanang 'well-raised daughter.'"

 
 

DEDMA KAY DENNIS.


ni Beth Gelena - @Bulgary Files | June 22, 2021




May post si Julia Barretto sa kanyang Instagram Stories na larawan ng kanyang lolo, ang father ng inang si Marjorie Barretto, nu’ng Father’s Day.


May picture rin siyang ipinost na kasama niya si Ian Veneracion, ang gumanap na tatay niya sa teleseryeng A Love to Last kung saan nagkasama rin sila roon ni Bea Alonzo na ex-GF ng kanyang BF ngayong si Gerald Anderson.


Ang sabi tuloy ng mga netizens, “Mabuti pa si Ian, kasama sa post, si Dennis (Padilla), wala.”


Si Dennis ang tunay na ama ni Julia. Never din niyang ginreet ng Happy Father’s Day ang ama sa kanyang post.


"Well-raised daughter."


“Never pang bumati.”


“Mabuti pa si Ian Veneracion, kasama ang picture sa post, si Dennis, wala....”


May nagsasabi namang hindi raw kasi naging good provider ang komedyanteng aktor.


“Nakakabuwisit naman kasi talaga 'yung ama. Panira. Hindi na nga good provider, wala pang ginawa kundi hilahin pababa (ang) mga anak.”


Isang netizen naman ang nagtanggol kay Dennis.


“We should not just comment like that. We do not know the real story. We don't even know what really happened to their father. What I know is he has a first family, sina Julia ay 2nd lang.”


“Galit pa rin kay Dennis. Haayst.”


“Lahat naman silang magkakapatid, walang post for their dad. Even the eldest, no post for Kier.”


“Sana, hindi na lang siya gumawa ng YouTube video with her dad, 'no? Tapos tinanggal pa niya. Tapos, ito pa. Masakit ito sa tatay, ha? Akala mo, okay kayo pero hindi naman pala…”


“I thought kinalimutan na ni Julia ang A Love to Last since kasama niya rin dito si Bea. Choz! Hahahahaha!”


“Infer naman kina Julia at nanay niya, hindi nila iniispluk 'yung details nu'ng mga ginawa ni Dennis. I'm sure though kung bilyonaryo si Dennis, greet pa rin siya sa pudra niya.”


“Ayaw nila kay Dennis kasi jologs, pa-class kasi sila!”


Payo naman ng isang commenter, marunong daw siya dapat magpatawad dahil tatay pa rin niya si Dennis.


“She is clearly adding insult to the injury. Injured na image n'ya, dinagdagan n'ya pa 'to. Kung wala ang tatay mo, wala ka rin sa mundong 'to. Sa totoo lang tayo. 'Di naman mamamatay-tao or durugista ang tatay mo para itakwil mo. Tatay mo pa rin 'yun. Matuto kang magpatawad.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page