top of page
Search

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 02, 2021




Marami ang nakakapuna na laging nagkakasama ngayon sina John Lloyd Cruz at Katrina Halili.


Naispatan si Katrina nu'ng nag-celebrate ang aktor ng kanyang 38th birthday sa kanyang resthouse sa Nasugbu, Batangas.


Sa mga kumalat na larawan sa socmed, makikitang nakahalubilo ang Kapuso actress sa mga kaibigan ng birthday celebrator.


Naroroon din ang humahawak ngayon sa career ni Lloydie na si Maja Salvador kasama ang boyfriend niyang si Rambo Nuñez. Matatandaang nagtayo ng talent agency ang magsyota named Crown Artist Management.


Anyway, bukod sa birthday ni Lloydie ay present din si Katrina sa 3rd birthday ni Elias Modesto, ang anak ng aktor kay Ellen Adarna.


Nu'ng time naman na 'yun ay nasa Palawan ang mag-ama. At kaya raw makikitang naroroon din si Katrina ay dahil magkapitbahay lang ang dalawa.


May rest house rin kasi si Lloydie sa El Nido, Palawan and at the same time, may negosyo rin daw du'n ang aktor, samantalang si Katrina ay may sariling resort doon.


Ang sabi ng mga netizens, "Hindi lang nagkataon ang pagkikita nila. Parang may something nang namamagitan sa kanila."


"Oo nga, obvious naman na may something na namamagitan sa kanila."


Magmula raw nang tumungtong sa GMA-7 ang aktor ay si Katrina na agad ang naging malapit kay John Lloyd.


May mga netizens naman ang nagsabing bagay ang dalawa dahil pareho silang single parent.


Samantala, makahulugan naman ang sinabi ni John Lloyd na 'pamilya' na ang turing niya kay Katrina.


Hmmm... Saan nga kaya papunta ang closeness nilang dalawa?

 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | June 26, 2021




Masayang nag-bonding ang buong pamilya ni Julia Barretto at ang boyfriend niyang si Gerald Anderson sa Subic Fishing and Yacht Charter.


Pinasalamatan ni Julia ang kumuha ng mga larawan na si Marvs Espedido na ipinost din nito sa kanyang Facebook account.


Ang caption ni Julia: “The two best times to fish is when it’s rainin’ and when it ain’t. Another stunning BARACUDA catch by Team Anderson, Team Barretto and Team 3rd Floor. Rain or shine you are all welcome here.


“And experience more exciting adventure & activities as well as best boats, high-end tackle and competent crew services.


“So what are you waiting for, book now. For your private yacht cruise, only here at Subic Fishing and Yacht Charter,” panghihikayat pa ni Julia sa mga gustong mag-adventure.


Sey ng isang netizen, “Magkamukha na sila.”


Pinuna naman ng iba ang pagkakadikit-dikit ng grupo para lang magkasya sa frame habang kinukunan sila ng larawan.


“Wala na bang COVID at kung magsipagdikit-dikit 'tong mga 'to, eh, akala mo members of the same household?”


“Oo nga, porke't nagpabakuna, okay na mag-get-together. 'Kaloka!”


May nakapuna rin na lumusog si Gerald, “Parang tumataba si Gerald, bulging ang tiyan?”


“Pati 'yung kapatid niya. Tinamad na sila mag-workout sa The 3rd kiyeme.”


“Stop body shaming please, pero ganyan kapag in love at hiyang sa partner - nakakataba. Lalo na kung maalaga.”


“Ang ganda ng bond ng family nila together. You can see na 'di sila affected sa mga bashers and they look happy because they have each other's back.”


Pagbubuko naman ng isang netizen, “Puro barkada ni Ge ang kasama, naging kasama ba ang mama niya ever? Wait ka ng feedback ni mama from GenSan.”


Tanong naman ng isang netizen, “Is the Subic Fishing and Yacht Charter owned by Angelica Panganiban's BF?”


Paging, Angelica, pakisagot nga po.

 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | June 25, 2021




Ilang araw na ring isyu ang tungkol sa harassment kung saan nadadawit ang pangalan ng aktor at sumikat sa spoken word poetry na si Juan Miguel Severo.


May pinakawalan kasing cryptic tweets ang bida ng BL series na Gaya sa Pelikula na si Paolo Pangilinan tungkol sa alegasyong harassment kung saan involved si Juan Miguel na co-host ng direktorang si Antoinette Jadaone sa Ang Walang Kwentang Podcast.


Si Juan Miguel ang creator ng Gaya Sa Pelikula kung saan bida nga si Paolo.


June 20 nang mag-tweet si Paolo tungkol sa isang taong ginamit umano ang posisyon upang siya ay maabuso.


Hindi nagbigay ng name si Paolo kung sino ang tinutukoy niya, pero ayon sa mga netizens ay may kinalaman umano si Juan Miguel sa isyu.


Nakarating ang balita sa direktora at nababahala siya, kaya nu’ng Miyerkules, June 23, ay nagpahayag siya ng saloobin sa pamamagitan ng pag-post sa Facebook.


Pero bago nag-post si Direk Tonette ay inalam muna niya ang buong pangyayari.


Sabi ni Antoinette: "Una sa lahat, apologies for speaking up just now.


"I wanted to personally talk to those involved who are close to me, hear both sides, in hopes of having a clearer understanding first before speaking.


"Sexual harassment is very serious and should not be taken lightly."


Hindi raw niya alam ang kabuuan ng kuwento kaya tulad ng mga listeners nila ni Juan Miguel sa podcast ay shocked din siya at nalulungkot sa nangyayari.


Nakarating din kay Antoinette ang feedback mula sa ibang tagapakinig ng podcast nila ni Juan Miguel na dismayado sa pagkakadawit nito sa alegasyong harassment.


Bulalas ni Antoinette, "Sa mga nagtatanong about the podcast: wait lamang.


"This is my baby too, and the community we have all built has become a respite for me.


"Pero sa palagay ko, mas mahalaga sa punto na ito na mag-reflect muna, and clear some space to listen to the voices that need to be heard.”


Pinasalamatan din ni Direk Antoinette ang mga tagapakinig nila ni Juan Miguel sa kanilang podcast program.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page