top of page
Search

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 07, 2021



Para matigil na ang mga sitsit na buntis diumano si Herlene Budol a.k.a. Hipon Girl at si Kuya Wil (Wiĺlie Revillame) raw ang ama ng ipinagbubuntis nito, ang ginawa ni Hipon ay panay ang rampa mapatunayan lang na impis ang kanyang tummy.


At para sa kaalaman ng lahat, napag-alaman naming ito palang si Ryan Bang, ang anak-anakan ni Vice Ganda at co-hosts sa It's Showtime, at si Hipon Girl ay nagkakamabutihan na raw.


First time pa lang daw na nagkita ang dalawa, magkasundung-magkasundo na. Gandang-ganda rin daw si Ryan kay Hipon.


"Hindi ka pangit, maganda ka," sey ng Koreanong TV host sa co-host ni Kuya Wil.


Nakakaaliw panoorin ang dalawa dahil klik silang magkasama.


Sabi pa nga ni Ryan, komportable siya kapag kaussp si Hipon.


Sabi naman ni Hipon, "So, hindi nga ako maganda kasi hindi ka kinakabahan. Inuunti-unti mo pa ang panlalait sa akin, eh."


Ipinahatid din ni Ryan kay Hipon na hinahangaan niya si Kuya Wil.


"Mabait si Kuya Wil, matulungin at mapagbigay," lahad naman ni Herlene.


Nag-video call si Ryan sa ina na nasa Korea at ipinakilala si Hipon


Sambit naman ni Hipon sa ina ni Ryan, "He's my boyfriend, Mommy!"


Pinaayusan din ni Ryan si Hipon sa salon na kanyang pag-aari, ang Moriduart.

 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 05, 2021



Knows kaya ni KC Concepcion na inuurirat sa social media ng mga netizens ang naging relasyon nila noon ni Rico Blanco?


Si KC ay kasalukuyang nasa America para dalawin ang inang si Megastar Sharon Cuneta na nasa Los Angeles, California, USA ngayon.


Pero habang nasa US si KC, usap-usapan naman sa social media na hanggang ngayon daw ay hindi pa rin sila nagkakaayos ni Rico.


Naging curious ang mga netizens kung ano ang talagang dahilan kaya nagkahiwalay ang dalawa. Mukhang malalim daw ang ugat ng hindi pagkakaunawaan nina Rico at KC.


Sa show nga raw noon ng aktres na Simply KC, ayaw mag-promote ng vocalist ng Rivermaya dahil hindi raw siya interesadong makasama sa isang programa ang anak ng Megastar.


Kasama kasi noon si Rico sa Imortal na pinagbidahan nina Angel Locsin at John Lloyd Cruz noong year 2010.


Kaya naman, nauungkat ngayon ang tungkol sa hiwalayang Rico-KC dahil very open ang young aktres-singer na si Maris Racal sa relasyon nila ng Rivermaya vocalist.


Marami ang nakakaalam kung gaano kamahal ni Rico si KC nu'ng sila pa. Marami ring ginawang kanta si Rico para sa dalaga ni Mega.


Kaya ang tanong ng mga netizens, "Ang pagmamahal ba ni Rico (kay Maris) ay katulad din ng ibinigay niyang pagmamahal kay KC?"


May sumagot namang "Siguro. Kasi, ngayon lang uli nakikitang hindi naman nagde-deny si Rico sa relasyon niya sa young singer."


Anyway, siguro ay may nakita si Rico kay Maris na katangiang hinahanap niya sa isang babae. At tawagin mang manther (male counterpart ng cougar) ang boyfriend ni Maris, wah' care ang aktres as long as she's happy sa piling ni Rico.


And besides, wala naman daw silang natatapakang tao.


Oo nga naman!

 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 03, 2021




May bagong love ang boyfriend ni Kim Chiu na si Xian Lim. Natagpuan ng aktor ang bago niyang love kamakailan lang.


Hindi naman kaila sa Chinita Princess na si Kim na may natagpuan ang boyfriend na bagong mamahalin.


Katunayan ay ipinakilala na ni Xian ang bago niyang love sa girlfriend. Na-amaze si Kim dahil ang kanyang karibal sa pagmamahal ni Xian ay isa palang motorcycle!


Imagine, ginastusan nang milyon ni Xian ang bago niyang sasakyan. Very supportive naman sa bagong kinalolokohan ng boyfriend si Kim.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page