top of page
Search

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 12, 2021



Sa interbyu ni Ogie Diaz kay Robin Padilla, sinabi ng aktor na naawa siya sa asawang si Mariel Rodriguez dahil sa nangyari noon sa kanyang misis at sa kapatid niyang si BB Gandanghari.


Ayon kay Robin, nagkausap na sila ni BB after the sudden death ng kapatid nilang si Royette Padilla.


Na-mention nga ng dating action star na unti-unti nang bumabalik ang dating samahan nila ni BB.


Nabanggit din ni Binoe nu’ng nagkaroon ng isyu ang kanyang misis at si BB, he felt bad daw for Mariel dahil sa kanyang kapatid.


"At nabanggit mo si BB, kumusta na ang relasyon n’yo naman?" tanong ni Ogie.


"Ano’ng credibility ko?


“Bumabalik na sa dati kasi medyo maraming paandar si BB na nagulat kaming lahat, eh.


“Tumambling kaming lahat ng tatlong tumbling. Ano ba'ng nangyari rito?" umpisang kuwento ni Robin.


Sambit pa niya, "Okay na ngayon, mula nu’ng namatay si Kuya Royette. Nag-usap na kami. Sabi ko, ''Tol ano ba’ng nangyari?' Tapos, namatay pa ‘yung aso niya, ‘di ba? Namatay ‘yung aso niya, eh, parang anak niya ‘yun. Kaya ngayon, solo siya."


Kuwento naman ng aktor hinggil sa isyu ni Mariel at ng kapatid na si BB, "‘Di naman nawala ang pangungumusta ko sa kanya, eh, ‘di nawala ‘yun. Kaya lang, may mga nangyari raw na hindi siya napansin.


"Kawawa nga si Mariel. Nagalit pa siya kay Mariel. Eh, siyempre, manganganak ‘yung tao sa Amerika, alangan namang ikaw pa isipin ni Mariel.


"Pero naiintindihan na namin ‘yun. Kaya lang nga, ang sa amin lang, ‘di niya dapat kami huhusgahan du’n kasi bago siya sa amin, eh."


Bandang huli, sinabi ni Robin na malaking mistake raw ang nagawa nila kay BB. Kahit alam daw nilang nagbagong-anyo na si BB at hindi na ito ang dating Rustom Padilla na kapatid nila, ang treat pa rin daw nila kay BB ay si Rustom pa rin.


"‘Yun ang mali namin, eh, kasi lagi naming iniisip siya pa rin si Rustom. Si Rustom na kilala namin," pagtatapos ni Robin.

 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 10, 2021



Ang leading lady ni Aljur Abrenica sa bago niyang pelikulang Nerisa ang itinuturong dahilan ng hiwalayan nila ni Kylie Padilla.


Nadadawit ang pangalan ng beauty queen-actress na si Cindy Miranda sa hiwalayan ng celebrity couple.


Sa virtual presscon ng movie ay off-limits ang personal questions sa aktor.


Matatandaang mismong ang biyenan ni Aljur na si Robin Padilla ang nagsiwalat na hiwalay na sila ni Kylie.


Dàhil off-limits ang mga tanong, hindi nakapagpaliwanag si Aljur ng kanyang side.


Few months ago nang unang mapabalita na naghiwalay na ang celebrity couple, pero pinabulaanan ito nina Aljur at Kylie.


Ang paliwanag nga noon ni Aljur, "Ang masasabi ko, lahat tayo, may pinagdaraanan. Nagkaproblema kaming dalawa at mina-manage namin ito when it comes to posting sa mga tao. Pero to set the record straight, sinasabi ko nga, we’re good, we’re talking and we’re doing everything when it comes to... what’s best sa aming dalawa at sa mga bata."


Marami naman ang duda na ang former beauty queen ang dahilan ng hiwalayan nina Aljur at Kylie. Late na raw kasing nagkakilala sina Aljur at Cindy.


First encounter dàw ng dalawa ay nu'ng virtual storycon ng kanilang pelikula. Bago pa man ito nangyari ay maingay na ang balitang hiwalay na sina Aljur at Kylie.


Anyway, ayon kay Aljur, ang Nerisa na streaming sa iWantTFC, ktx.ph, TFC IPTV, at Vivamax ay mapapanood sa July 30.

 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 08, 2021



Hindi pabor si Daniel Padilla kapag sexy ang isinusuot ng girlfriend niyang si Kathryn Bernardo.


Sinusunod naman ni Kath kung ano ang gusto ng boyfriend dahil alam niyang konserbatibo ito.


Sa YouTube Channel ng actress, nag-share si Kath ng mga style ng pananamit. Mga simpleng damit ang ipinakita niya dahil mas komportable raw siya kapag mga casual lang ang isinusuot.


Hindi rin conscious si Kathryn kung inuulit man niya ang mga isinusuot.


"It's always okay to repeat the outfit. Walang kailangang ikahiya doon. You have to invest on the right pieces," sambit ni Kath.


Sa ipinakitàng limang damit ni Kath, ang huli raw ang pinakagusto niya — isang silk dress na kita ang legs at off-shoulder. Tinernuhan ito ni Kath ng leather jacket na bumagay sa kanya.


Pag-amin ng aktres, "I wore this for DJ's concert. Gusto ko uli siyang suotin. Ang silk and leather jacket, perfect for night outfit."


Dugtong pa ni Kath, "Paired with leather jacket. Sa Japan, may na-discover kami ni DJ. Kasi binili ko ito na kasama siya noong nag-travel kami. Hand-painted leather jacket ito. Bumili rin ako.


"Si DJ kasi, mahilig sa mga leather jacket. So, inireserba ko talaga ito para sa concert ni DJ kasi binili ko ito na kasama siya."


Sobrang lamig daw sa studio at sobrang sexy ng suot niya kaya dapat daw talaga ay may jacket.


"Magagalit si DJ kapag nakita niya na sexy ang suot ko. Comfy naman siya kaya isinuot ko na rin at bumagay naman."


 
 
RECOMMENDED
bottom of page