top of page
Search

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 17, 2021



Nagpaunlak ng interbyu si Angel Locsin sa podcast show ng Over A Glass or Two nina Jessy at Jcas, entertainment talk show sa Californa.


Excited ang dalawang hosts dahil first time raw nilang maiinterbyu ang humanitarian actress.


Naganap ang interbyu kay Angel last Saturday, 10:30 PM dito sa 'Pinas.


Ang haba ng introduction ni Jessy sa actress na para namang ikinahiya ni Angel.


Aniya, “Sobra namang haba ng intro mo, parang inilalagay mo na ako niyan sa pedestal. Nakakahiya sa mga manonood.”


Agad namang tinanong ni Jessy ang fiancée ni Neil Arce about sa pagkakahanay niya sa mga philanthropists na lumabas sa Forbes Asia magazine.


Sey ni Angel, “Nakakahiya nga, eh, kasi mga bilyonaryo ang kasama ko. Kung sa akin lang kasi, okey na 'yung nabanggit ako, go na ako du'n. Pero, ang mga pangalang nakasama na pawang mga bilyonaryo, nanliliit talaga ako.”


Naikuwento rin ni Angel kung papaano siya nagsimula bilang artista.


Sobrang aliw ni Jessy habang nagkukuwento si Angel na very natural sa kanyang kinakausap.


Sabi pa ni Angel, nag-audition siya sa ABS-CBN na kasabay si Heart Evangelista. Naghahanap daw kasi ang Kapamilya Network ng makakapareha ni John Prats para sa isang teleserye.


“Eh, sa tingin kasi, parang mas mataas ako kay Kuya John kaya halos ikuba ko ang sarili ko para ako magmukhang mababa.


“Nakasabay ko si Heart doon. Eh, mas mababa sa akin si Heart, siya ang nakuha.”


Kahit daw hindi siya nakuha noon ng ABS-CBN, nanatili naman siyang positibo at nagpapasalamat na she got to stand beside John.


Kahit daw si Heart ang kinuha ng Kapamilya, naging magkaibigan sila ng aktres.


So far, busy si Angel sa pagha-handle ng kanilang nalalapit na kasal ni Neil. Tinanong siya ng dalawang hosts kung kelan talaga ang kasal nila this year, pero hindi sinabi ng aktres kung kelan at saan gaganapin.


“This year na ang kasal, hindi ko pa puwedeng sabihin kasi baka ma-preempt, eh. Pero malalaman din naman ng lahat if lahat ay ayos na kaya 'wag kayong mag-alala,” lahad ng aktres.


Sa ngayon, hindi raw muna siya tumatanggap ng mga offers dahil naka-focus siya sa kasal nila ni Neil.


Though, sa kanyang social media account ay nagbigay ng hint si Angel na may nilulutong project para sa pagsasamahan nila ni Marian Rivera.


Hindi naman siguro ngayon ang sinasabing project ni Angel. Malamang na ang negotiation nila ng grupo ni Marian ay after na ng kanilang kasal ni Neil.

 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 16, 2021




Ang daming rebelasyon ni Robin Padilla sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz sa vlog nito para sa YouTube channel.


Bukod sa kontrobersiyal na hiwalayan nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica, naikuwento rin ni Binoe nu'ng magkaroon siya ng depression.


Ayon sa actor, na-depressed siya nang hindi matuloy ang dapat na gagawin nilang Marawi movie.


Nagtulung-tulong daw sila nina Piolo Pascual, Direk Bb. Joyce Bernal at Sharon Cuneta na makabili ng lupa na pagtatayuan ng bahay para sa mga kapatid na Muslim na nabiktima ng giyera noon sa Marawi.


Maging ang ABS-CBN ay nag-donate rin daw ng P3.5 M para sa proyekto nila.


'Yun nga lang, hindi raw natuloy ang naisip nilang proyekto kaya na-depressed ang aktor.


Dapat daw kasi, ang kikitain ng pelikula ay para sa pagpapagawa ng bahay ng mga taga-Marawi.


Nakausap na rin daw niya ang pinakamahusay na developer ng bansa named Jun Palafox.


Ani Robin, “Nagbigay siya ng libreng serbisyo samantalang ang ibinabayad sa kanya, ang pinakamura ay P50 milyon. Nagbigay na siya ng lahat… plano and everything, sabay na hindi natuloy 'yung ano…” panghihinayang ni Robin.


Nang maka-recover ang aktor, natuwa naman siya dahil kinuha ng National Housing Authority ang proyekto. 'Yun nga lang, hindi raw natuloy ang planong ginawa ni Palafox.


Tinanong naman ni Ogie kung papaano tine-take ni Robin ang kanyang mga bashers.


“Wala, hindi ko iniintindi ang mga bashers. Eh, kasi, minsan bayad, eh.”


Ogie: “Bakit pumunta ka ng West Philippine Sea?”


Robin: “Number one… gusto ko talagang makita ang totoo… kung ano ba talaga ang sitwasyon du'n… Ano ba talaga?”


Dahil sobrang generous ni Robin, naitanong din kung may ipon ba siya.


“Wala na… ang ginagastos namin ngayon, 'yung pag-aaral ng mga anak ko… kaya nagnenegosyo na si Mariel (Rodriguez)… Pero, okey lang ako ‘tol, wala akong regrets, buti nga naisip ko 'yung mga anak ko, mag-aaral sa Harvard.”


Ayon pa sa mister ni Mariel, gusto niyang pantay-pantay ang ibigay sa mga anak pagdating sa edukasyon.


Lahat kasi ng mga anak ni Robin sa mga dati niyang nakarelasyon ay pawang sa ibang bansa nagsipagtapos.


Pero sa ngayon, malamang daw na sa University of the Philippines muna mag-aaral ang dalawa nilang anak ni Mariel.


“Ako naman, kung halimbawa, worse comes to worse, ibenta ko itong Museleo Padilla… Hindi ko naman balak na mawawala ka sa mundong 'to na marami kang property… Si bossing, naku, ang kulit niyan… 'Ano ang mangyayari sa 'yo?' Sabi ko naman, 'Di ibenta natin ang museleo, problema ba 'yan?'”


May mga pabahay ding ibinigay si Robin sa mga taong kinupkop at kanilang kasambahay.

Dugtong niya, “Hindi puwedeng ibenta 'yun. Sa kabilang side na 'yun, sa kanila 'yun.. Nasa will ko 'yun… may mga trabaho naman sila.. 'yung iba, naipasok namin sa delivery…'yung iba, nagtatrabaho rito sa museleo.


“Noong wala pang pandemic, ang lakas nito, palaging may malalaking events lalo na mga kasal… malakihan kasi… Sayang, pero wala akong kinikita ru'n, ha? Lahat 'yun sa tao, maintenance ng lugar. Ngayon lang humina kasi nga, maliitan na lang ang event.”


Tungkol naman daw sa pulitika, marami ang nagtutulak sa aktor na pasukin ang politics dahil sa kanyang genuine generosity.


Paliwanag ni Robin, “Ang pulitika, ‘tol, hindi porke’t matulungin ka, puwede ka nang mag-pulitiko. Matulungin lang ako, dapat sa 'yo, pulitiko? Walang logic 'yun, pare. ANG PULITIKO, DAPAT 'YUNG KAYA MONG GUMAWA NG PAGBABAGO… Ang dami ‘tol na pulitiko, ang galing tumulong, pero magnanakaw…Hindi ako tumutulong dahil gusto kong mag-politician. Tumutulong ako dahil gusto kong tulungan ang sarili ko, dahil ako, ang dami kong ginawang kasamaan sa mundong ito.


"Para sa akin, 'yung pangungulungan ko, kulang pa 'yun. Binigyan lang ako ng tsansa uli ng Panginoon kasi ikinulong Niya ako, eh, at nangako ako sa Kanya noon na 'pag lumabas ako, tutulong ako talaga… Hindi ko sasarilinin 'yung… 'yun naman ang ginagawa ko hanggang ngayon,” mahabang paliwanag ni Binoe.


Sey naman ng komedyanteng actor-talent manager, columnist, vlogger, saksi siya sa kabutihang-loob ni Binoe at consistent ito sa pagtulong na ginagawa.

 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 15, 2021



After Bea Alonzo, ang target na aktres naman ng mga Kapuso fans na gusto nilang lumipat sa GMA-7 ay si Kathryn Bernardo.


Gusto raw nilang bumalik na si Kath sa Kapuso… BUT without her boyfriend, Daniel Padilla!


Dati nang nakagawa si Kathryn ng teleserye sa Kapuso kung saan nagkasama sila ni Marian Rivera, ang Endless Love. If I am not mistaken, year 2010 'yun.


Hindi lang sila nagkaroon ng eksena ni Marian dahil ang ginagampanan niyang role noon ay young Marian.


At ngayon nga, gusto raw uling kunin ng Kapuso ang serbisyo ng aktres, pero hindi kasama ang boyfriend nitong si DJ.


Well... Abangan na lang natin kung isa si Kath sa mga sinasabi ni Mr. M (Johnny Manahan) na may lima pa raw na taga-Kapamilya ang gustong sumunod sa kanya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page