top of page
Search

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 21, 2021



Bagama'T hindi nagbigay ng detalye si Angel Locsin sa kasal nila ni Neil Arce, ramdam ng marami na malapit na malapit na ito dahil ang sabi noon ng aktres, ang sure ay magaganap ito ngayong 2021.


Dapat ay noong November last year pa natuloy ang kasal nila pero dahil sa pandemic ay na-delay ito.


Hindi lang maiwasang magkaroon ng fear si Angel kapag mag-asawa na raw sila ng businessman-producer na si Neil.


Sa panayam sa kanya ni Matteo Guidicelli sa MattRuns podcast, nabanggit ng aktres na baka raw malaman ng kanyang fiancé na hindi siya marunong magluto.


“Baka kapag mag-asawa na kami at nalaman ni Neil na hindi ako marunong magluto, eh, baka isoli niya ako kay Daddy,” sey ni Angel.


"I started to get bothered about it.


“Siguro, ako muna. Ayusin ko muna 'yung sarili ko. Ayusin ko 'yung kasal ko. Mag-aaral akong magluto para hindi naman ako isauli ng asawa ko sa tatay ko,” natatawang sabi ng aktres.

 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 20, 2021



Hanggang ngayon ay nasa Los Angeles, California, USA pa rin si KC Concepcion.


A week after KC left for US ay siya namang paglipad din ni Piolo Pascual.


Looking forward tuloy ang mga faney ng celebrity ex-lovers na baka sinundan daw ni Papa P ang anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.


But sad to say, wala pong ganu’ng ganap.


May kani-kanya silang itinerary sa LA at nagkataong iisang destinasyon ang kanilang pinuntahan.


Pero, heto ang good news at bad news para sa mga fans nina Papa P. at KC. Muntik na palang magkita ang dalawa sa isang Pinoy restaurant sa LA.


Ayon sa Filipino-based entertainment writer at talent manager na si Oliver Carnay, muntik nang magkita nu’ng Friday, July 16, ang ex-lovers sa Yamashiro Asian fusion restaurant sa Hollywood Hills, Los Angeles, California.


Ang nakakalokah lang daw, si Papa P. ay nasa basement ng Yamashiro, samantalang nasa itaas naman si KC. Kasama umano ng mega daughter ang rapper, singer at record producer na si Apl.de.Ap.


FYI lang po, KC and Apl.de.Ap are not dating. They're only friends at may proyekto silang nilulutong dalawa.


Marami tuloy mga fans na Piolo-KC ang naunsiyami dahil right timing na raw sana na magkita ang ex-celebrity couple.


Anila, siguro raw, walang nagsabi sa kanila na naroon silang pareho, same time and same day.


Ayon kay Oliver, puntahan daw ng mga sikat na Hollywood celebrities ang nasabing restaurant. Naging paborito na rin daw ng mga Pinoy artists na dayuhin ang Yamashiro na dinadayo nga ng mga popular Hollywood celebrities dahil sa Filipina executive chef na si Vallerie Castillo-Archer.


Ang nasabing resto ay paborito ring gamitin para sa mga foreign movies.

 
 

NANG MAGING GF SI JULIA.


ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 19, 2021



Panay ang post ni Julia Barretto ng bonding moments nila ng boyfriend niyang si Gerald Anderson with her family sa kung saan-saang lugar.


Naroong nagpi-fishing sila o ‘di kaya ay nasa beach at ngayon naman ay nasa Baguio ang celebrity couple, again with her family.


Ang mga larawang kuha ng grupo sa Baguio ay naka-post sa socmed account ni Julia at nilagyan niya ng caption na: “Memory box.”


Komento ng mga netizens…


“Ano ba ‘yan, laging kabuntot ang family ng gurl.”


“Next time daw, pamilya naman ni Gerald ang i-feature, chos.”


“Sad eyes. Guilty eyes.”


“Gusto ba ni Mader na sumama?”


“‘Yung side lang ni gurl ang maingay sa socmed.”


“Kung may choice si Mader, siyempre, hindi si Gerald ang pipiliin niya para kay Julia.”


“Laki ng itinanda ng hitsura ni Gerald, dami na ring white hair.”


“Pogi pa rin kaso ang laki nga ng itinanda.”


“Pagod lang siguro pero pogi pa rin. Si Julia, kamukha na si Gretchen sa 3rd photo.”


“Cute naman ng mag-tiyo, charot!”


“Honeymoon stage.”


“Battle of the Jowa IG post, hahaha! Back to you, Bea-Dom!!!”


“US vs. Baguio, hahaha!”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page