top of page
Search

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 24, 2021



Ngayong talk of the town ang relasyong Bea Alonzo at Dominic Roque, ayaw nga bang pumayag ni Julia Barretto na mapunta sa new couple ang atensiyon ng publiko?


Gumawa rin kasi ng ingay si Julia para mabaling ang atensiyon sa kanya at mapag-usapan sa social media at 'yun ay sa pamamagitan ng pagsusuot ng skimpy bikini!


Kaya ang tanong ng mga netizens, coincidence lang ba o sinadya ni Julia ang pag-post niya ng kanyang skimpy bikini photo?


Eksaktong araw din kasi ng paglabas ng larawang magkasama sina Dom at Bea ang pag-post ni Julia ng kanyang sexy photo.


Ang nakalagay na caption ni Julia sa skimpy bikini pix “Nothing but blue skies.”


Nakakainggit naman ang beautiful photo ng girlfriend ni Gerald Anderson na ex-BF naman ni Bea. Naka-highlight ang maganda niyang figure sa suot na bikining itim.


In a matter of minutes ay naka-200K likes agad ang nasabing larawan.


Ang komento ng mga netizens…


“Stealing Bea’s thunder…again?”


“Papansin much, girl?”


“Ayaw niya na kay Bea ang attention, kanya raw dapat lahat!”


“It’s no coincidence. Julia sure knows how to play the game. She’s not a Barretto for nothing…”


'Yun na!!

 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 23, 2021



Wow, in a span of four years, naka-hit na ng 1 billion views ang YouTube channel ni Alex Gonzaga bilang vlogger.


Patuloy na umaani ng magagandang feedback ang actress/vlogger magmula nang nag-concentrate siya sa pagba-vlog.


Saktung-sakto sa fourth anniversary ni Alex as a content creator nang ma-reach niya ang 1 billion views.


Sa social media ni Alex, ibinahagi niya na ang kanyang channel ay umani na ng 11 million subscribers at ang kanyang mga videos ay may total nang 1,000,324,417 views, as of this writing.


“NETIZENS!!! We are now 11M and we have 1 billion views over all!!!! Thank you, thank you!! Best way to celebrate our 4th year together! To God be the glory,” pagbabahagi ng sister ni Toni Gonzaga.


Limang buwan na ang nakararaan nang maka-hit ng 10 million subscribers si Alex.


Kahilera niya sina Raffy Tulfo, Ivana Alawi at Zeinab Harake.


Agad namang binati ni Toni ang kanyang sister at maging ang mga kapwa celebrity vloggers ni Alex ay bumati sa kanya.


“Nice one, sis, congrats,” komento naman ng kanyang brother-in-law na si Paul Soriano.


Pagbabahagi ni Alex, "I wanna share lang na before I started my channel I was made to believe and I've accepted the fact that I will never have my OWN audience."


"So can you imagine how grateful and happy I am to have all of you! Nothing is impossible with Jesus!" dugtong ng TV host-actress-vlogger.

 
 

MAS OKS PA RIN KAY GERALD PARA KAY BEA.


ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 22, 2021



At last, tapos na rin ang "guessing game" sa relasyong Bea Alonzo at Dominic Roque dahil finally, nag-post na sila ng mga photos na magka-holding hands, magkaakbay at magkadikit ang mga ulo habang sila ay nagbabakasyon ngayon sa Los Angeles, California, USA.


'Yung mga unang larawan kasi nila na lumabas sa social media, kundi sila magkahiwalay kahit pa obyus naman na nasa iisang lugar lang sila sa USA, mga bahagi lang ng kanilang katawan ang ipino-post nila, na para bang pinahuhulaan sa mga tao kung sino ang kasama nila sa bakasyon.


Hanggang nitong kamakailan ay lumabas na nga ang picture nina Bea at Dominic na um-attend sa baby shower ng tita ng aktor, ang dati ring aktres na si Beth Tamayo na nakabase na ngayon sa USA.


At nitong Martes, July 20, nang magselebreyt ng 31st birthday si Dominic, nag-post siya sa kanyang Instagram stories ng mga clips ng kanyang birthday celebration kung saan isa itong intimate outdoor party with some family members and close friends present.


Sa finale ng video na kanyang in-upload ay makikitang nandu'n si Bea. Pareho silang nakangiti at masaya sa harap ng camera.


May kuha rin sila kung saan nakalabas ang dila ng aktor habang medyo nakahilig ang ulo niya sa head ni Bea while she was smiling.


Pawang mga heart emojis ang makikita sa comment section ng IG ng aktor.


“Dominic may not be an A-list actor, but as long as he loves, respects and protects Bea, mas ok na 'yun kaysa sa cheater, liar and fake na type.


“He knows sikat si Bea but he still pursues her. Genuine naman siguro intentions niya. Hope Bea feels at ease."


“SANA SILA NA..."


“Rebound is real.”


“Bea looks so young up close! She’s happy w/ Dom!”


“At this point, hindi na kailangan ni Bea ang A-lister dahil naabot niya na 'yan as an actress. Siguro, kailangan na lang niya ng very supportive na partner.”


“Kakilig sila. Bagay na bagay..”


“Ayan na… Happiness is a choice. BeaDom."


“Sobrang vain at pabebe nu'ng lalaki. Sana, sumikat finally.”


May dumi-disagree pa rin sa relasyon nila kung sila na nga talaga.


“Sana, iba na lang, Bea.”


Pinuna naman ng iba ang paglabas ng dila ni Dominic sa piktyur, para raw itong batang paslit.


“Sticking out your tongue is highly inappropriate! 10 years old ka koyah?”


“Bakit labas-dila??”


“May padila si mayor, gurl...”


“Sumikat naman talaga siya kakadikit sa mga sikat noon pa.”


Muli, may isang ipinasok ang pangalan ng ex ni Bea na si Gerald Anderson.


“MAS GUSTO KO NA SI DOM NA MAKATULUYAN NI BEA, KESA KAY GE NA GHOST NA, GAS BOY PA, BWUAHAHA!!!”


“Mukhang mabait naman 'yung guy saka neat tingnan. Sana, siya na nga."


“Bagay na bagay! So kiliggg."


“Just enjoy the moments. BeaDom.”


“They don’t care about people having a problem w/ them kaya masaya sila, mas marami namang pabor kesa hindi."


"More adventures to come. (One month vacation) Wow!"

 
 
RECOMMENDED
bottom of page