top of page
Search

MGA COMMERCIALS.


ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 01, 2021




Patok pa rin sa mga commercials si Maine Mendoza.


Kamakailan lang ay kinuha ng malaking kumpanya ang instant celebrity para i-endorse ang kanilang produkto.


Dahil daw sa pagiging social media darling at influencer ng TV host-actress kaya kinuha siya ng Smart Communications para sa collaboration ng company sa PayMaya.


Si Maine ang mukha ng GigaPay, na napapadali ang transactions between Smart and PayMaya via the former's GigaLife App.


Ayon sa celebrity endorser, “We've all run out of data while doing something important, and we know it's such a big hassle. GigaPay addresses that so nothing gets in the way of your passions.”


In a couple of months nang umentra si Maine sa showbiz bilang Yaya Dub at Dubsmash Queen ay kaliwa’t kanan ang kumukuha sa kanya para gumawa ng commercial.


But after a year, dumalang na rin ang kumukuha sa girlfriend ni Arjo Atayde to do another commercials.


May mga nagsasabi kasing mula nang mabuwag ang tambalan nila ni Alden Richards ay dumalang na raw ang kumukuha sa kanyang mga companies.


Ang hindi alam ng iba, sadyang si Maine mismo ang tumatanggi sa mga lumalapit sa kanya para gumawa ng commercial.


Naranasan na nga rin niya ang maging Queen of Commercials kaya nag-lie-low daw siya sa pagtanggap ng mga TVC.


Sa bago niyang commercial, na-amazed daw siya dahil “There are more platforms today than when I started six years ago, which means there are more ways to discover what you're good at, try different hobbies, and improve your craft online. You just need to be connected all the time - and you can now rely on the GigaLife App for that."

 
 

TALAGA SILA NI BEA.


ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 31, 2021



Guest ni Karen Davila ang actor na si John Lloyd Cruz sa kanyang podcast.

Sa pag-uusap ng dalawa, ibinahagi ni Lloydie ang apat na taon niyang pagkawala sa showbiz.


Naging topic din ang label ng relationship nila ng perennial love team na si Bea Alonzo, kung bakit hindi naging sila.


Komento ng mga nakapanood sa interview ni Karen…


“Sobrang awkward nu'ng interview. Karen is good in interviewing politicians, but with this one, medyo hindi siya sanay pumreno at makiramdam kung ayaw sagutin nu'ng artista 'yung tanong. She couldn't get a hint that it’s awkward, ipu-push pa mas lalo."


“Karen needs to learn from G3 (San Diego)."


“Alam n'yo 'yung movie na My Amanda? Ganu'n siguro sila. #ParangIkawPEROHindiIkaw

“That was such an awkward interview.”


“I don't understand why some still insists a Bea-JL real life romance. Hindi ba obvious na they just never see each other that way.”


“Hindi natin alam kasi lagi sila nagkakasabay mag-break sa partner nila. Possible hindi sinasadya kaya lang, 2 times nangyari 'yun.”


“Same thoughts. Bata pa si Bea, pinagsama na sila. I think close friends lang talaga sila and ayaw nila sagutin kasi nga, kinakagat pa ng masa 'yung tambalan nila.”


“'Di masagot ni JLC kasi maraming masasagasaan at ayaw niyang ma-bash na naman si Bea. Palagay ko, minahal niya si Bea sa maling pagkakataon at 'di na lang itinuloy.”


"Hindi lang talaga bet ni JL si Bea.”


“Jusko. Hahaha! Ipinipilit talagang ibalik ang JL-Bea. Haha!”


“At dahil d'yan, aasa na naman ang mga fans nila. Sinabi naman niya, hindi naging sila. Pero 'di masagot nang diretso kung nag-date or hindi. Malamang conflict dahil may jowa pa yata si JL nu'ng time na 'yun. Anyways, mag-move on na sana tayo sa JLC-Bea, 2021 na. May anak na si Lloydie, may love life na si Bea. Obvious namang hanggang friends lang talaga sila. 'Di ko alam bakit lagi silang tinatanong niyan. Tapos, sila naman, ang tatanda na, simpleng yes or no, 'di masagot. Jusko lang, hahaha!”


“Bituing walang ningning na talaga si JLC.”


“Jusko, tigilan n'yo na sina Bea at JL. Sa tagal na magkakilala ng mga 'yan at edad nilang dalawa, malamang, sinubukan nilang mag-date at maging magkarelasyon pero hindi talaga sila puwedeng dalawa. Sa mga faneys nila, i-enjoy n'yo na lang ang mga projects ng Bea-JL kung meron. Pabayaan n'yo ang love life ng mga 'yan."


“No one asked for a JLC-Bea romance. They are so 15 years ago. Parang testing the waters pa rin ang management nila.”

 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 29, 2021




How true na next year na raw napipintong magpakasal sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo?


Kaya lang, mukhang mauurong daw ito dahil may plano na ring magpakasal sa darating na taon ang ina ng aktor na si Karla Estrada sa non-showbiz boyfriend na si Jam Ignacio.


May tsika pang sa Baguio raw magpapakasal ang isa sa tatlong hosts ng Magandang Buhay.


Knowing DJ naman, baka nga iurong nito ang plano nilang pagpapakasal ng girlfriend para sa ina.


Matagal na ring mag-boyfriend-girlfriend ang celebrity couple, pero kung ang kaligayahan naman ng ina ng aktor ay makasal na sa kanyang boyfriend, wala namang dahilan para pigilan ito ni DJ, or else, magdo-double wedding ang mag-ina.


Bata pa naman sila ni Kath and besides, may teleserye pa rin silang gagawin sa Kapamilya Network.


Malamang ay uunahin muna ng KathNiel ang teleserye nila na siyang pinakahihintay na ng kanilang mga tagahanga.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page