top of page
Search

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 05, 2021




Isinilang na ni Kristine Hermosa ang ika-limang anak nila ni Oyo Sotto last August 3, Tuesday.


Isang baby boy ang iniluwal ni Kristine na pinangalanan nilang mag-asawa na Vittorio Isaac.


"Aug. 3, 2021 11:47 p.m. Lord Jesus maraming salamat! You are faithful! Thank you for another answered prayer! Perfect timing ka talaga, Lord, nakapagtrabaho pa ako kaninang umaga (praying emoji). To my family and friends, thank you for all your prayers (smiling emoji). I love you (heart emoji). Welcome to the world, Vittorio Isaac (heart-eye emoji). I love you @khsotto (heart-eye, smiling face with hearts and heart-eye emojis)," caption ni Oyo sa larawang ipinost with Baby Vittorio.


Last December ay inanunsiyo na ng mag-asawa na may upcoming Baby No. 5 sila.


Ang panganay nina Oyo at Kristine ay ipinanganak nu’ng 2011 na pinangalanan nilang Ondrea Bliss.


Year 2014 ay nanganak muli si Kristine named Kaleb Hanns.


Pero bago nagkaroon ng biological child sina Kristine at Oyo ay may adopted son na sila named Kristian Daniel.


Taong 2016 naman ay muling biniyayaan ang mag-asawa ng kanilang ika-apat na anak, si Vin.


At nito ngang August 3 ay isinilang naman ni Kristine ang ika-limang anak nila ni Oyo.

 
 

BARKADA NINA DANIEL AT KATHRYN.


ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 04, 2021



Nadadalas ang paglabas-labas ng grupo nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo kung saan magkakapares din ang kasama nila na sina Sofia Andres-Daniel Miranda at Patrick Sugui-Aeriel Garcia.


Kasama rin nila sa grupo si Ria Atayde pero ito lang ang walang kasamang partner.


Lately, napa-join na rin sa grupo nila si Joshua Garcia, ang ex-BF ni Julia Barretto.


Si DJ ang nag-imbitang sumama sa grupo nila si Joshua nang mag-golf ang magkakaibigan.


Sabi nga ni Ria kay Joshua, “best camping partner” daw ito.


Kaya kapag may group dinner ang magkakaibigan ay nakakasama na nila si Joshua. Hindi ito ang unang beses na nakasama nila ang aktor, kaya naman may kapareha na si Ria.


The other night ay may dressy dinner sila, ayon sa post ni Ria.


“Dressy dinner? It’s a yes for me! Nice din pala to get out of pambahay and dasters once in a while.


“Thank you @iamsofiaandres @danielmirandaa_ for arranging @palacio.de.memoria and thank you frens for the good memories and fun enough to take me through the ECQ lol here we go again.”


Kaya ang tanong ng mga netizens, hindi raw kaya magkainlaban sina Joshua at Ria?

Well, why not naman? Pareho namang walang commitment ang dalawang Kapamilya artists.

 
 

NAKA-BIKINI, MAHIRAP MAGLABA!


ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 02, 2021




Marami ang nagsasabing retokada beauty si Ivana Alawi at isa rin itong bold star.


Sa bagong vlog niyang Reading Mean Comments, isa lang ito sa mga komento ng netizens na binasa niya.


Kasama ang kapatid na si Mona, isa-isa nilang sinagot ang mga banat sa kanila.


Isang netizen ang nagkomento na minsan, nakita raw niya si Ivana sa ABS-CBN compound na pango pa ang ilong at sira-sira ang ngipin.


Mabilis ang reaksiyon ng vlogger-aktres, “Pango pa rin ako. Hindi ako natatangusan talaga sa ilong ko.”


Pinabulaanan naman niya na sira-sira ang kanyang ngipin at kinuwestiyon din ang pagkakakita sa kanya sa ABS-CBN dahil bago pa lamang umano ito sa network.


“Bago lang po ako sa ABS. Sira ipin ko? Nagtu-toothbrush ako twice a day, saka nagpapadentista. Mainggit ka,” natatawang buwelta ni Ivana.


Hindi rin nakalampas na sabihan siyang bold star.


Itinanggi niya ang akusasyon dahil kahit papaano’y may itinitira pa rin daw siyang kasuotan na ikinaaliw namin.


Sambit pa ni Ivana, “Masaya ako sa pagsusuot ng bikini at kung para sa inyo ay bold star ako, wala na akong magagawa.


“Mahal kaya ng damit. Ang hirap kayang bumili at maglalaba pa ‘ko. Nagpapakita lang ako ng puwet saka ng bra. Naka-panty at bra ako. Hindi ako naghuhubad ng panty at bra. Masaya lang ako mag-bikini,” esplika pa niya.


“Iba ‘yung naghubad ka talaga, or nag-bold ka, or nagpakita ng tsuk. ‘Yun ang bold star sa akin. Kung ang pagsu-swimsuit ko ay bold star, eh, di bold star sa iyo.”


Hindi rin pinalampas ng aktres-vlogger ang puna na kaya lang siya maganda ay dahil sa makeup.


Ayon naman sa dalagang vlogger, madalas siyang walang kolorete sa mukha kapag gumagawa ng vlog.


“Tingin mo, pangit ako ‘pag walang makeup? Lagi naman ako nagba-vlog na walang makeup because I love myself. Kung ito, pangit sa 'yo, okay. Wala akong paki talaga. Hindi ko sinabi na maganda ako. Cinlaim ko ba na maganda ako?” balik-tanong niya sa netizen.


No wonder kaya umabot na sa higit 13.6 milyon ang subscribers ni Ivana sa YouTube.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page